tag:blogger.com,1999:blog-2816195792066943956.post8530452345114607550..comments2022-04-02T03:24:23.023+08:00Comments on THE BULATE SPOTMIND: STARRY, STARRY NIGHT... (Kua, Vincent Jr., et al)gladihttp://www.blogger.com/profile/12229909565761907136noreply@blogger.comBlogger1125tag:blogger.com,1999:blog-2816195792066943956.post-20631057606635673862007-11-28T16:05:00.000+08:002007-11-28T16:05:00.000+08:00Mahirap tawaran ang naging kontribusyon ni Vincent...Mahirap tawaran ang naging kontribusyon ni Vincent, sa panulat man at sa dibuho. Ang kanyang sining ay nakaukit na sa isip at alaala ng lahat ng nakatunghay sa kanyang mga obra. Natitiyak ko, kapag muling inilathala ang mga iyon, mag-iiwan ng kapareho o marahil ay mas matining pang impresyon sa mga bagong mambabasa.

Ang tanong ko: binigyan ba siya ng puwang sa listahan ng supposedly ay sandaang pinakamahuhusay na nobela sa komiks?

Pinupuri ko ang paglalatag mo sa 20 tanong na batayan ng isang matinong pananaliksik. Marahil, kung ang mga ito ang ginamit na gabay ng ISANG nanaliksik sa datos para sa nakalathala, online, na Top 100, malamang na marami sa mga binanggit mong awardees ang naisama sa listahan.

Pero naniniwala ako na maitutumpak ang mga maling entries sa nabanggit na listahan.

Paano?

Habang nagkakaisa ang tinig ng mga taga-komiks na alisin ang mga entries doon na walang karapatang ituring bilang "pambansang yaman" at ihalili ang mga tunay na karapat-dapat parangalan, makararating at tiyak itong makararating sa kinauukulan upang ituwid ang ilang mali roon.

Sa darating na a-onse ng Disyembre, umaasa akong ang mga panelists / speakers sa Pasko ng Komiks event sa UP Diliman, tulad mo, ay mag-uukol ng kahit ilang sandali para ungkatin ang isyung ito.

Please also take note, Gerry, KC, Randy, etc.

Maraming salamat!Anonymousnoreply@blogger.com