Monday, July 14, 2008
Goodbye my friend...
Si Jun-Jun, almost five years na tumira sa America pero nagbalik bayan at nagtatrabaho sa call center ngayon. Noong tinanong ko siya bakit siya umuwi dito sa Pilipinas, ang sagot niya, "Glads, ang hirap ng buhay sa America, kala lang ng iba madali." Kinuwento niya sa akin ang katakot-takot na hirap na inabot niya sa pagtira ng America. Nakumbinse niya akong tama ang ginawa niyang pag-uwi.
Jun-Jun passed away this morning. He is the younger brother of Ching. In behalf of my family and friends our condolence to the Marcelo family. May he peacefully rejoin our Lord. Please pray for him.
LOOKING BACK ONCE AGAIN
Anu’t anuman ang nangyari o mangyari, lumipas man ang panahon, magkahiwa-hiwalay man kami ng landasin sa mga susunod pang mga araw, naniniwala ako, pasasan ba’t mangyayari at darating ang araw na nasa Antipolo kaming lahat at masayang pinagkakatuwaan na naman si Gina, habang pinag-aalaga siya ng mga anak-anak o apo ng bawat isa sa amin. Ay hindi pala, habang ipinag-aalaga pala namin siya ng anak niya, hehe. Alam naming pipila kami ulit sa last full show sa panibagong version ng pelikulang Titanic at sa pagkakataong iyon, siguradong discounted na kami pati sa pagkain namin sa mga resto dahil sa aming mga senior citizen’s card, haha. Magkakasama pa rin kami sa simbang gabi, sa mga Pasko at Bagong taon, sa mga birthday at reunion. Naniniwala ako na kumpleto pa kami sa panahong iyon.
Umaasa ako na kumpleto pa kami.
In our journey, one has already left. But there's still a place where we will all meet again... maybe in the next lifetime.
Jun-jun, thank you for sharing your friendship and good memories with us. 'Til next time my friend.
***
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
I extend my deepest condolences to you and Jun-jun's family....
My heartfelt condolences to the family of your friend; the same goes to you for I know how devastated you must be with Jun-jun's passing away.
I'm sure, masaya roon sa kanyang pinuntahan!
Glady, how sad. He must have been in his late 30s or early 40s?
Sabagay, wala naman talagang edad na hinihintay ang ating pag-alis sa mundong ito.
Ang tanging pampalubag loob sa ating mga naiwan ay gunitain na lamang ang masasayang mga sandali noong kasama natin dito sa lupa ang mga nauna sa atin sa pag-alis.
Besides, thinking about those people who were declared dead then came back to life and told the world where they have been while dead... is quite consoling. I know that the tears will still flow, no matter what, but the burden is somewhat lighter, especially if you're surrounded by your loved ones and family members.
May he rest in eternal peace.
In behalf of Ching and her family, maraming salamat sa pagdamay at sa pagdarasal.
Jun-jun is only 28 years old. But the good thing happened, may maiiwan siyang isang little Jun-jun sa kanyang mga mahal sa buhay, pamilya at kaibigan.
Alam kong masaya siya kung saan man siya naroon ngayon. Alam kong alam niya o nalaman niya na napakaraming nagmamahal sa kanya.
hi glad!
salamat sa pagsulat mo tungkol kay Junjun. I'm sure mas maligaya na sya kung san man sya naroroon. Happy ako na finally ay at peace na sya with God.
hi Ching,
I'm happy that you're ok now. i know that you're a very strong person.
Oo naman, alam nating lahat na masaya na si Jun-jun saan man siya naroon. Oi, alam mo ba nangamoy bulaklak noong isang araw, mag-isa lang ako sa bahay at kapapaligo ko lang. wahahahaha. parang gusto kong kumaripas ng takbo. sabi ko sa sarili ko, baka si jun-jun(hehe), pag nagkataon talagang etong si jun-jun maski kelan me kapilyuhan, parang gusto pa ata akong silipan. hakhak.
Post a Comment