Thursday, August 7, 2008

MEGA CONCERT

Bukas na ang concert ni Ate Shawie sa Araneta Coliseum. Hmmnnn... medyo excited ako kasi first time ko siyang mapapanood sa concert. Medyo lang talaga. Bagama't true blooded Sharonian ako, eh hindi ko talaga ugaling ma-starstruck. Kahit kanino pa siguro. Personality ko talaga iyon eh. Maski noong nagsusulat pa ako sa telebisyon. Ilang beses ko na siyang nakita sa Viva pero ni hindi ko siya nagawang lapitan minsan man. Ni hindi ko nagawang magpakilala o sabihing number one fan niya ako. Hindi ko nagawa ni magpa-sign ng autograph man lang. Ok na sa akin na nakita ko siya. Ewan ko lang bukas kung ganoon pa rin ang mararamdaman ko. Kung sa gitna ng mga naghihiyawang fans eh tahimik lang ako o makikigulo ako. Pero parang gusto kong makigulo. For once in my life, parang gusto kong maramdaman na fan ako. hehe. After all, ang mahal ng tiket ha? Para naman tumunganga lang ako at hindi ako mag-enjoy. Eh dalawa pa ang binili ko kasi dapat may kasama naman ako, hehe. Tiyak na mapapagalitan ako niyan ng nanay ko, hehe. Pero kung part ng enjoyment ay ang tumili at humiyaw maging worth it lang ang tiket na binili ko, makahiyaw na nga lang bukas. Wahahahaha.

4 comments:

Wordsmith said...

If you want to let your hair down, go to a concert! So enjoyable talaga dahil ito'y pagtitipon ng mga die-hards. Kung hindi ba die-hard fans, siyempre, wala roon, di ba?

Dapat isinama mo ang mother mo para siya rin, nag-enjoy!

See you and Les next weekend. :=)

gladi said...

hi tita, kaso hindi die hard fan si mother eh, wahahaha. niloloko nga nun lagi si ate shawie. magkasinglaki raw sila. ahahaha.

masaya yun concert, nostalgia ever ang drama. si les ang kasama ko. na-imagine mo ba na ang isang rocker ay nakikinig ng mr. dj at kahit maputi na ang buhok ko? hihihi. buti na lang at may digi-cam siyang dala kaya ang pinagkaabalahan niya ay ang kumuha ng litrato at maliliit na mga video footages. hindi naman siya naging kj nang gabing iyon. pretending na sharonian ang drama ng ate les ko, hehehe.

oo nga pala, yun painting exhibit ni tessa, kelan pala un? buti at pinaalala mo. text tayo bago pumunta ha?

Wordsmith said...

Sabi ko na nga ba, mag-eenjoy kayo ni Les to the max! (big smile)

Re Maia San Diego's LARONG BATA, her first solo exhibit will be held from 16 Aug - 13 Sept at Likha Diwa sa Gulod, Carlos P. Garcia Avenue, UP Diliman. Paki-invite naman ang readers ng blog mo. I saw some of the paintings of this talented 12-year old artist; each of those I saw gave me individual wow moments. Nakaka-impress!

BTW, by invitation pala ang opening.

(Ikaw talaga, Gladz, di ka nagbubukas ng email, ha!)

gladi said...

hehe, nabasa ko na ang invitation ni tessa, hindi pa lang ako nagreply. sige tita, go tayo dun sa opening.

text tayo.