Monday, October 6, 2008

INTRUDER

Sinadya kong i-hide muna ang blog ko for some personal reason. Three days ago, nagkaroon ng intruder sa aming pamilya kung saan nagdulot ito ng napakalaking problema. Isang malaking threat sa kapayaan at kaligtasan ng buo naming pamilya. To the point na parang tumakas kami, disoras ng gabi, sakay ng FX na akala mo ay may nagaganap na manhaunt sa buong pamilya namin.

Alas dose ng gabi, nagmamaneho ako ng FX sa kahabaan ng C-5, sakay ang buo naming pamilya, naghahanap ng matutulugan. Saturday ito at walang bukas na bangko. Pulos passbook ang aming bank account, kaunti lang ang laman ng ATM card ko. Naghahanap kami ng matutulugan. Naghahanap ako ng hotel pero ang pera ko ay 2,000 lang. Ang pinakamura ay hinihingan ako ng 4,000 down payment. Ganito pala ang kalakaran ng isang hotel, hindi ko naman magawang mag-inquire sa motel. Parang may ibang konotasyon kasi ang motel sa ating mga Pilipino. Hindi ko kayang matulog kasama ang nanay ko at mga pamangkin ko sa isang motel, pakiramdam ko ay nai-exploit sila. Saka siyam kaming lahat. Sino naman ang motel na papayag na matulog ang siyam na katao. hehe. Tumawag ako sa isang kaibigan para humiram ng pera. May 1,500 daw siyang cash, wala ring laman ang ATM niya. Kukunin ko sana pero sabi ko, reserve na lang, baka naman may mahahanapan kaming matutulugan. Nakailang inquiries kami ng hotel pero negative lahat, kulang na kulang ang hawak naming pera. Biglaan ito. As in emergency talaga. Tumawag ako sa isang pinsan ko na matagal ko nang hindi nakakausap. Hoping na iyon pa rin ang number niya. Laking pasalamat ko at iyon pa rin ang number niya. Sa wakas, pasado ala una, nakahanap na kami ng matutulugan. Matutuluyan. Siksikan kaming lahat sa isang maliit na space. Awang awa ako sa mga pamangkin ko. Lalo na kay Mai-mai, nakayakap sa akin noong natutulog na kami, parang takot na takot. Isang malaking trauma na sa musmos na edad ay kailangang magtago, matakot, tumakas. Nasolve ang problema ko sa pera dahil hindi na namin kailangan ng 4,000 para lang may matulugan nang gabing iyon. Noon ko narealize, kapag pala pera ang problema, hindi dapat iyakan o kalungkutan. Dahil sandali lang at may solusyon na. Pero ang katahimikan ng isip, ang kaligtasan ng buhay, wala palang katumbas na halaga ito.

We are a peaceful family. Magulo minsan. Maingay. Makuwento. Masaya. May mga ups and downs din kami. May kalokohan din ang mga kapatid kong lalaki. May kalokohan din ako sa katawan. Pero wala kaming tahasang sinagasaan na tao, wala kaming tahasang inargabyadong tao, inisahan o ginamit man lang. Dahil galit na galit ako sa manggagamit na tao. Galit na galit ako sa mga taong nananapak, nangwawalanghiya, nantutuso. Dahil pinalaki kami ng mga magulang namin na may prinsipyo at hindi manakit ng kapwa tao sa anumang kaparaanan. We are just and fair sa lahat ng laban namin sa buhay. Kung may nasagasaan man kami, hindi namin iyon sinasadya. Kung may nasaktan man ang isa sa miyembro ng pamilya namin, hindi namin kinakampihan o tinotolerate ang mali.

But this intruder who just barged in to our family house and put our lives in great danger, it wasn't fair and just to anyone of us. Isang napakalaking pagsubok sa pamilya namin na kailangan naming malagpasan at makayanan. And I hope and pray that God will always protect us.

3 comments:

Wordsmith said...

Everything happens for a reason: to make us strong, to inspire, to give us a necessary push, to shake us from complacency in order for us to appreciate life more, etc.

Walang duda, ang nangyari sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay ay lubhang nakagagambala. I still could not get over my shock until now...

Lessons will be learned from this most perturbing experience, and those who will learn most may not necessarily be you or your immediate family. Can't say who, of course, but no-one disturbs the universe without reflecting some repercussions in the greater scheme of life.

(I am more than distressed, Gladz, obvious ba?)

May God keep you and your family out of harm's way. Basta take extra precaution, and I hope that all our other friends will join me in saying a prayer or two for you.

M said...

Glad, I'm sending you and your family a cocoon of white light of love, prayers and positivity. Mapagmahal at makatarungan kayong pamilya at iyan ang magsisilbing panangga ninyo sa negatibong enerhiya.

Sana ay maliwanagan ang lahat ng may kinalaman sa pangyayari para hindi masangkot ang mga inosente. Kasama ito sa ipagdadasal ko.

kc cordero said...

bb. gladi,
sana ay nagbalik na sa inyong tahanan ang alingawngaw ng kapayapaan. :)