Katatapos ko lang panoorin ang 20 episodes ng Korean drama na "Snow in August" na ang bida ay sina Chu Sang-Mi at Jo Dong-Hyuk. Mahilig ako sa Korean drama dahil marami akong natututuhan na mga teknik sa pagsusulat at execution ng kuwento. Siguro ay matatawa ang iba ngunit totoo ito. Ginagawa kong study ang Korean drama sa pagbuo ng premise, plot, characterization, twist at ending. Magaling ang mga writer ng Korean drama pagdating sa puntong ito. May mga disiplina sila sa pagsusulat. Hindi nila ikino-compromise ang salitang "happy ending" sa kanilang kuwento. Ang higit na mahalaga sa kanila ay makatugon sila sa premise ng kuwento, at ma-achieve nila ang aspirasyon nila bilang manunulat. Nahuhusayan ako sa pagbuo nila ng time frame. Wala akong makitang loopholes o daya man lang. So far, sa mahigit na 30 korean drama na napanood ko, nakita ko ang pagiging maingat nila sa paggamit ng oras. Ang plot nila ay simple lang at makakakonekta ang mga Filipino viewers dahil sa ilang kultura na may pagkakapareho sa atin. Pati ang paggamit nila ng pagkain ay isang mabisang elemento para maka-attract ng viewers. Maingat sila sa pagbuo ng twist at element of surprise. Nagiging makatarungan ang ending (happy o sad ending man) dahil hindi sila nagkukulang ng "planting" sa kuwento na ginagamit naman nila sa kanilang twist at mga rebelasyon.
Ang plot ng "Snow in August" ay simple lang. Isang babaeng (Chu Sang-Mi) niloko ng asawa, may isang anak na batang lalaki at sa gabi ng kaarawan ng bata ay nasagasaan at namatay. Apat na taong nag-mourn ang ina (babae) hanggang sa nakatagpo siya ng panibagong pag-ibig. Isang lalaki (Jo Dong-Hyuk) na may anak na batang lalaki na ang edad ay limang taong gulang. Ang kuwento naman ng lalaki ay iniwanan ito ng asawa at mag-isang nagpalaki ng anak. Ang bidang lalaki ang naging hero ng bidang babae, ito ang naging dahilan upang ang babae ay magtagumpay at makaahon mula sa kaapihan ng asawa nito at kabit ng asawa nito. Nagpakasal at naging buo ang pamilya ng dalawang tauhan at may instant anak na sila sa katauhan ng batang lalaki na anak ng bidang lalaki. Only to find out, ang nakasagasa sa anak ng babae (Chu Sang-Mi), ay ang lalaking kanyang pinakasalan(Jo Dong-Hyuk). Walang kamalay-malay ang bidang lalaki na nakasagasa siya at nakapatay ng isang inosenteng bata, may apat na taon na ang nakakaraan.
Matitinding drama, iyakan at flashback ang nagaganap sa kuwento. May halong komedi sa pamamagitan ng ibang tauhan, may halong aksiyon at lumulutang na ito'y isang family oriented movie.
Nakialam ako sa kuwento. Nag-fill in the gaps ako sa mga eksena. Umasa ako sa ending na inaakala kong magiging ending nito. Gusto ko ay happy ending. Dahil katuwiran ko'y napakarami na nang pinagdanaang hirap ng bidang lalaki at bidang babae. They deserve to be happy, gusto ko na may rebelasyon sa dulo ng kuwento na iba pala ang nakasagasa. Gusto ko na ang nakasagasa ay iyong kontrabida sa kuwento. Pero sa huli'y binigo ako ng ending ng Snow in August. Ang nakasagasa talaga ay ang bidang lalaki. Nahatulan at nakulong. Nagalit for a while ang bidang babae sa bidang lalaki at sa batang lalaki na anak nito. Bumalik ang emotional trauma ng babae. Ang ending, magkasamang naglalakad ang bidang babae at ang batang lalaki (anak ng bidang lalaki) sa isang kalsada, maraming puno at may mga snow. Implied na naghihintay sila sa paglaya ng bidang lalaki.
Hindi ako solved sa ending. Ayoko ng ganoong ending. Maraming hindi naisarang mga isyu sa kuwento. Ano na ang nangyari sa ibang mga tauhan na may malaking kaugnayan sa kuwento? Hindi na nagpakita ng compromise o dialogue sa dalawang bidang tauhan after ng ilang confrontation scene ng dalawa. Umaasa ako na putol lang ang nabili kong dvd at may susunod pa itong mga episode. Nag-research ako sa internet at nakita ko na 20 episode lang talaga ito. Unless, hindi pa talaga ito natatapos ipalabas sa Korea. Pero kung ang ending talaga nito ay makukulong ang bidang lalaki at dadaan na naman sa emotional trauma ang bidang babae, nakakainis ang ending na ito. Sabi ko nga sa sarili ko, napakawalang kuwenta ng ending na ito. Na-frustrate talaga ako!!! Napapaloob na ako sa "Readers Response Theory". Nakikialam na ako sa kuwento. May pakialam na ako sa mga tauhan at nagiging bahagi na ako ng kuwento unconsciously.
Binalikan ko ang premise ng kuwento. Hinanap ko ang aspirasyon ng manunulat. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nauunawaan kung bakit kailangan na ang makasagasa sa anak ng bidang babae ay ang bidang lalaki na kanyang pinakasalan. Bumuo ako ng premise mula sa point of view ng bidang lalaki. Ang premise ay isang lalaki na nakasagasa sa anak ng babaeng kanyang pinakasalan, ang babaeng iniligtas ng lalaki ang buhay ng paulit-ulit. Ano ba ang gustong patunayan ng manunulat? Ano ang gustong sabihin at aspirasyon ng manunulat ng Snow in August?
At ito ang na-realize kong sagot. Ang tao ay deserve na malaman ang kanyang naging pagkakamali sa buhay, at makatarungan na ituwid ang pagkakamaling iyon. Hindi man batid ng isang tao ang kanyang naging pagkakamali, hindi excuse iyon upang makaligtas siya sa salitang KARMA.
fin.
Thursday, October 4, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
ha-ha-ha.... pareho pala kayo ng misis ko, iniiyakan ang Korean drama.
Hello Aries,
Siguro pareho kami ng misis mo na mahilig manood ng Korean drama, pero wala naman ata akong nabanggit na iniiyakan ko ito.
Anyway, okey lang naman din sigurong umiyak kung nakakaiyak naman talaga ang eksena. After all, madalas ko ngang sinasabi sa mga article ko na karapatan na ng isang mambabasa o viewer ang umunawa sa nilalaman ng isang teksto at pag-aari na nito ang mga emosyong nakapaloob dito. Ito ang tinatawag na "Readers Response Theory".
Thanks a lot at sana ay mapanood ng misis mo ang Snow in August. Bagama't nasabi ko nga na na-frustrate ako sa ending, still, it's my personal favorite.
Very good Blog....Very informative...Fan mo na ako mula ngayon
Dell barras
hi dell,
maraming salamat sa pagbisita mo sa blog ko. sa uulitin!
glady
hey glad katapos lang nmen mag chat ni les and eto ni chek ko yung iba mong blogs and isa dto is yun tungkol sa pamangkin mo.. grabe ang ganda ng kwento nya hah.. Nakilala ko sya dahil mdalas din tyong tumambay sa bahay nyo noon sa Marikina pro dko nman alam kwento ng buhay nya. Nkakatuwa na andun na sya sa Canada and gumagawa ng magandang buhay nya. =)
Post a Comment