Naka-out na sa National Bookstore ang aking serye na romance novel, ang Korean Drama Novel. At ang susunod ay isinakomiks kong awit/korido na Ibong Adarna at ang Florante at Laura. May ginawa akong studies dito pero sa susunod ko na tatalakayin. Paano isinasakomiks ang mga akdang pampantikinang tulad nito na hindi ikino-compromise ang bisa at katangiang pampanitikan sa medium ng pop lit na Komiks. Mula sa lengguwahe hanggang sa pagpili ng mga mahahalagang eksena, sangkap at pagpapahalaga. Hindi ito madali. Pero tumulay ako. Sinikap ko na hindi maging boring ang mga eksena para makaayon naman ito sa anyo ng Komiks ngunit hindi rin dapat makompromiso ang nilalaman nito bilang isang akdang pampanitikan lalo't isang klasikong literatura.
Marahil ay tatalakayin ko ang ginawa kong studies at pamamaraan sa mga susunod na araw.
Friday, October 19, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
binibing gladys,
ang mga libreng kopya ng iyong mga akda, na may kaagapay dedikasyon ay labis na magbibigay ng lugod sa hamak na kaibigan. :)
-kc
sure papa KC, hehe!
Kelan ba labas ng isinakomiks mo na ibong adarna at florante at laura?! hehehe! mahilig ako mangolekta lalo na gawang tradisyunal na komiks.
Sino nga pala nagdibuho ng mga ito
Salamat!
Hello Rommel,
Early next year lalabas ito sa National bookstore.
Si Ric Neri nga pala ang nagdibuho.
Ilalabas ko sa blog ang cover page nito kapag naka-out na sa market.
Thanks a lot.
Glady
Ay, ang gwapong si papa ric neri pala. Hahaha!
Maitanong ko lang glad...may nabasa ako tungkol sa enrolan 'ata sa iyo. At magtuturo ka thru internet? Hehehe tuloy ba yan bossing?! Magkano naman ang magiging danyos ko kung sakaling mag-enrol?! At open ba ito kahit sa highschool lang eh, under graduate pa?!
Salamat pu...
Saka nga pala glad(sana okey lang na tawagin kitang glad) maitanong ko lang may kulay na ba ang mga ilalabas mong kober ng ibong adarna at florante at laura?! o mga masthead ng komiks?!
Kung wala pa, pwede akong tumulong at magkulay at gumawa ng logo. Libre bossing!!! Basta may maliit byline lang po, masaya nako dun.
Maraming salamat pu.
Oo naman, masaya ang "glad" na tawag. haha!
Nakakatuwa naman at libre. 'Yaan mo, alamin ko ang tungkol sa sinasabi mo. How i wish na mai-share mo ang talent mo sa project na ito. Maraming maraming salamat din.
Hello ulit Rommel,
Libre ito. Wala pa lang akong masyadong freetime kaya hindi ko pa naasikasong mabuti. Open ito sa lahat ng nagnanais matutong sumulat.
Sa ngayon, kung sinuman ang may tanong tungkol sa teknikal na pamamaraan ng pagsulat ng komiks ay maaari ko namang sagutin sa abot ng makakaya ko, esp sa proseso ng malikhaing pagsulat.
Salamat uli,
Glady
Post a Comment