Tuesday, May 27, 2008

FROM SCRATCH




Kapag umuulan
habang aking pinagmamasdan
ang waterfalls na lumalagaslas
sa may bubong
habang halukipkip ang sarili kasabay ng pagtatanong
bakit ba ako nag-iisa?

Susubukan ko ba itong sagutin?
O iwasan na lamang ang muling pagtatanong
na parang pag-iwas sa mga humahalibas na patak?
Susubukan ko bang maghanap ng makakasama?
O ang muling yakapin ang pagdalaw ng kalungkutan
at magpaanod sa kapanglawan?

Kapag umuulan
habang aking pinagmamasdan
ang pagluha ng langit
ay sambit-sambit kong
sana’y anurin ako
hanggang may makasumpong na pumulot.

At lagyang muli ng laman.

Saturday, May 24, 2008

what's keeping me soooooo busy?

Grabe, almost a month na pala akong hindi nakakapagpost sa blog na ito. Tila napapabayaan ko na hehe. Bukod kasi sa medyo nagpahinga ako sa pagsusulat dahil sa madalas na pag-atake ng aking pinakamamahal na vertigo (hehe, bunga lang daw ito ng pagtanda), naging abala ako halos buong summer vacation sa pag-aasikaso ng aking munting kubo pangtanggal ng stress at pagod mula sa mga deadlines at iba pang workload.





Eto ang aking backyard.



Dito kami ngayon madalas kumain ng lunch o dinner nina Pupu, para daw kaming nasa kubo somewhere in Antipolo o sa mga kainan gaya ng Dampa. Napapadalas na kasi ang pag-iihaw namin. Dito na rin kami bumibirit ng kanta sa videoke. Biro ng isang kaibigan, GRO at beer na lang daw ang kulang, haha!




Ang aking puno ng avocado, at kailan naman kaya ito mamumunga? hehe.





Siyempre, magandang tanawin ito mula sa bahay nina Maimai at Pupu. Hehe. Yabang ko.



Punta naman tayo sa bandang kusina na paborito kong tambayan para magluto at kumain. Hehe.



Ang shower room at toilet. Separate siyempre. Hehe. Para pag may naliligo, puwedeng may __, hekhek.



Dito ako mas madalas tumambay para manood ng tv o dvd, o kaya'y matulog. Kasya ako dito, promise!








Paakyat ng room at bodega na tambakan ng aking mga kuyagot. Dami ako non!



My working area.



My working area 2. Yung working area 3 ay sa kuwarto ko, bawat working area ay para laging magpaalala ng mga deadlines. Hehe. Hay, kailan naman kaya ako sisipagin uli magsulat? Wish ko lang, ngayon na.



Sa ngayon, eto ang aking parking lot na ang kasya lang ay scooter. Kaya ang kotse ko, outside de kulambo muna. Sana tumama ako sa lotto para mapa-extend ko na. Kaso hindi ako tumataya, hehe.




BAHAY MO BA 'TO? Hehe. Yap. My one and only Munting Kubo sa sapang San Mateo.

For now, back to work na ako!!! Ahuhuhu!!!