Saturday, May 24, 2008

what's keeping me soooooo busy?

Grabe, almost a month na pala akong hindi nakakapagpost sa blog na ito. Tila napapabayaan ko na hehe. Bukod kasi sa medyo nagpahinga ako sa pagsusulat dahil sa madalas na pag-atake ng aking pinakamamahal na vertigo (hehe, bunga lang daw ito ng pagtanda), naging abala ako halos buong summer vacation sa pag-aasikaso ng aking munting kubo pangtanggal ng stress at pagod mula sa mga deadlines at iba pang workload.





Eto ang aking backyard.



Dito kami ngayon madalas kumain ng lunch o dinner nina Pupu, para daw kaming nasa kubo somewhere in Antipolo o sa mga kainan gaya ng Dampa. Napapadalas na kasi ang pag-iihaw namin. Dito na rin kami bumibirit ng kanta sa videoke. Biro ng isang kaibigan, GRO at beer na lang daw ang kulang, haha!




Ang aking puno ng avocado, at kailan naman kaya ito mamumunga? hehe.





Siyempre, magandang tanawin ito mula sa bahay nina Maimai at Pupu. Hehe. Yabang ko.



Punta naman tayo sa bandang kusina na paborito kong tambayan para magluto at kumain. Hehe.



Ang shower room at toilet. Separate siyempre. Hehe. Para pag may naliligo, puwedeng may __, hekhek.



Dito ako mas madalas tumambay para manood ng tv o dvd, o kaya'y matulog. Kasya ako dito, promise!








Paakyat ng room at bodega na tambakan ng aking mga kuyagot. Dami ako non!



My working area.



My working area 2. Yung working area 3 ay sa kuwarto ko, bawat working area ay para laging magpaalala ng mga deadlines. Hehe. Hay, kailan naman kaya ako sisipagin uli magsulat? Wish ko lang, ngayon na.



Sa ngayon, eto ang aking parking lot na ang kasya lang ay scooter. Kaya ang kotse ko, outside de kulambo muna. Sana tumama ako sa lotto para mapa-extend ko na. Kaso hindi ako tumataya, hehe.




BAHAY MO BA 'TO? Hehe. Yap. My one and only Munting Kubo sa sapang San Mateo.

For now, back to work na ako!!! Ahuhuhu!!!

9 comments:

misminchin said...

nice,cozy house! pag namunga ung avocado, penge ako!hehehe..eh kelan nmn ky un!!! Godbless.
p.s.
antagal mo nmn mag post wala tuloy akong mabasa hehehe.

gladi said...

hi!

nakareserve na ang mga bunga sa'yo ng avocado, hehe.

kelan naman kasi ang uwi mo?

yaan mo dadalasan ko na uli magpost, hehe.

kc cordero said...

mister na lang ang kulang! :)

TheCoolCanadian said...

Ang cute niyang ... gazebo/bahaykubo na iyan. Masarap nga maupo diyan at kumain :-D Lalo pa siguro sa mga buwan ng Abril at Mayo na napakainit. Sa San Mateo ka pala tumira. Marami pang mga kakahuyan diyan, sagana ka sa Oxygen, panlaban sa pollution.

Type ko rin iyang gate ng bahay mo, organic na organic ang dating. Tapos na-utilize mo lahat ng space sa loob kaya walang nasayang na space.

Akala ko'y sa pagsusulat at academics ka lang genious, pati pala sa paggawa ng bahay ay isa ka ring ingenious planner at very imaginative pa.

Correct me if I'm wrong, pero di ba yang San Mateo ay katabi ng Montalban? Noong nakatira ako diyan sa Batasan Hills (Filinvest Homes II), ay tanaw mula sa bintana ng aking tahanan yang San Mateo at Montalban. Diyan naman ako sa Montalban laging umaakyat sa pitong bundok to hike every summer. Ilang beses kong nakasalamuha ang mga DUMAGATS. Kung kumakain sila, inilalatag nila ang mga dahon ng saging sa lupa, at sama-sama nilang inilalagay doon ang pagkain.

Gladdy, you're one happy gal and your contenment in life is quite contagious, I can feel it 10,000 miles away from home.

gladi said...

Hi kuya KC,

Hahahahahaha! Hindi pa ako nakakatagpo ng kasing gwapo mo. Hamo, hahanap na ako. Hehe.

gladi said...

Hi Kuya JM,

Tama, ang kasunod na bayan ng San Mateo ay Montalban na. Marami pa ring Dumagat hanggang ngayon pero bumababa lang sila ng bundok tuwing Christmas season. Ang dami nilang namamasko sa may San Mateo. Hehe. Ganoon pa rin silang kumain. Salo salo pa rin. At mababait sila bagama't hindi ko sila maintindihan kung magsalita ay napakaharmless nila at palaging nakangiti. Madalas ko ngang maisip na masuwerte silang nilalang dahil sa nakikita kong kakontentuhan nila sa buhay. Ang lahi nila ay kabilang sa mga cultural heritage na dapat pag-ingatan at suportahan ng ating gobyerno.

Sa ngayon, totoong mas pinili ko ang simpleng buhay. Mas kontento ako ngayon. Mas kumpleto. Mas masaya.

Maraming maraming salamat sa lahat, Kuya JM. Hindi pa tayo nagkikita ng personal, pero nasesense ko kung gaano ka kabuting tao dahil sa paghahanap mo ng mga katangian sa mga maliliit at simpleng mga bagay.

Godbless you always. And I'm looking forward to meet you very very soon.

gingmaganda said...

inom tayo!

gladi said...

Oi ganda,

Sige bah, punta kayo dito ni Rhei, Mitchiko, Ali, etc dito. hehe. handa na ang videoke at ang gin bulag.haha.

'musta na ang inaanak naming poging pogi na si Karl?

gladi said...

P.S.

ganda ng bangs ah, haha.