Tuesday, May 27, 2008

FROM SCRATCH




Kapag umuulan
habang aking pinagmamasdan
ang waterfalls na lumalagaslas
sa may bubong
habang halukipkip ang sarili kasabay ng pagtatanong
bakit ba ako nag-iisa?

Susubukan ko ba itong sagutin?
O iwasan na lamang ang muling pagtatanong
na parang pag-iwas sa mga humahalibas na patak?
Susubukan ko bang maghanap ng makakasama?
O ang muling yakapin ang pagdalaw ng kalungkutan
at magpaanod sa kapanglawan?

Kapag umuulan
habang aking pinagmamasdan
ang pagluha ng langit
ay sambit-sambit kong
sana’y anurin ako
hanggang may makasumpong na pumulot.

At lagyang muli ng laman.

3 comments:

Gerald Galindez said...

Wow naman poh, wala akong masabi sa tulang ito...

ang galing.... na inspire poh ako...

gladi said...

Hi Gerald,

Maraming maraming salamat.

Godbless you always.

Anino said...

Ang ganda!