siyempre naman. pupunta kaming lahat d'yan. dadalhin ko rin ang mga pamangkin ko sa mga susunod na araw at nang makapaglaro naman ang imahinasyon nila. hindi 'yung computer games ang inaatupag, hehe.
First time ko dito. Maraming salamat sa pagbibigay ng tips sa pagsusulat. Gusto ko kasing magsulat ng isang nobela.Hirap na hirap na hirap ako! Wala akong backgroud o anuman. Imahinasyon lang.
Imahinasyon ang isa sa pinakamabisang tools ng pagsusulat. May mga teknikalidad na maaari o kailangang pag-aralan, pero higit na mabisa ang paggamit ng imahinasyon sa malikhaing pagsulat. Susubukan ko pang magdagdag ng ilang tips sa mga susunod na araw. Baka sakaling makatulong ito sa iyo. Maraming salamat sa pagdalaw sa site ko.
regarding sa tanong mo na, Inilalagay ko ang bawat kabanata sa aking blogsite. Makabubuti bang gawin ko ito?
Sa palagay ko naman ay makakabuti ito. Maaaring maging inspirasyon ang mga komento sa blog, maganda man o hindi ang komento. Pero higit sa lahat, nakakabuti ito kung nagiging praktisan mo ang blog sa pagsusulat. iyan kasi ang hindi nagagawa ng ilan, ang magpraktis. Minsan ay may nagsabi sa akin, bakit pa raw ba ako nagsusulat sa blog, eh puwede ko na namang pagkakitaan ang mga isinusulat ko, dito libre. simple lang ang dahilan ko, malaya ako dito. at importante sa akin na maging malaya sa pagsusulat maski sa isang blog.
may isang nagkomento sa akin na anonymous, lahat daw ng blog ay may kuwenta, ito lang daw blog ko ang pinakawalang kuwenta. natawa ako. hindi ko pinatulan. hindi naman ako apektado. dahil maaaring sa kanya'y walang kuwenta itong blog ko, pero para sa akin, dito ko mas higit na napapalaya ang sarili ko bilang isang manunulat na hindi nakakakahon sa mga regulasyon ng publikasyon o mga do's and donts ng mga editor.
maaaring wala itong kuwenta sa iba, pero para sa akin, kahulugan ng buhay ko ito.
Natutuwa ako at na-extend ang painting exhibit ng tunay na Maia Jose. Hopefully, mag-hold din siya ng show sa venues na mas accessible sa marami. And best of luck siyempre sa very young at very talented artist na kanino pa kukuha ng talent kundi sa isa pang Maia?
Re anonymous poster who commented that your blog is "walang kuwenta," ang feeling ko ay nagpapapansin lang iyon sa iyo.
You should have approved it, and then your readers, including me, would have had a fun time ripping her comments to shreds (LOL).
Buti ka pa nakapag-paint. Ako puro plano lang, di pa nagagawa. Inggit din nga ako, e - sa kinita niya, hehe. Sa totoo lang, malamang sumemplang ako in comparison sa anak ko.
Uy, paganda nang paganda itong layout ng blog, a. Artistic! :-)
simpleng blogger. Dati. After sometime, nagbabalik buhay. Nandito ako canada, iniwan ko ang munti kong bahay kubo sa san mateo rizal para manirahan sa malamig na syudad ng winnipeg manitoba. Anu't anuman mananatiling pinoy, sa puso't isipan, sa dugo't balat. Mananatiling manunulat hanggang dulo, hanggang huli, hanggang sa kabila--
10 comments:
Wow naman po. Maraming, maraming salamat sa pag-feature at pagsuporta, Tita Glady!
See you there!
- Tessa, proud mom :-)
siyempre naman. pupunta kaming lahat d'yan. dadalhin ko rin ang mga pamangkin ko sa mga susunod na araw at nang makapaglaro naman ang imahinasyon nila. hindi 'yung computer games ang inaatupag, hehe.
goodluck and see you there!
First time ko dito. Maraming salamat sa pagbibigay ng tips sa pagsusulat. Gusto ko kasing magsulat ng isang nobela.Hirap na hirap na hirap ako! Wala akong backgroud o anuman. Imahinasyon lang.
Hi!
Imahinasyon ang isa sa pinakamabisang tools ng pagsusulat. May mga teknikalidad na maaari o kailangang pag-aralan, pero higit na mabisa ang paggamit ng imahinasyon sa malikhaing pagsulat. Susubukan ko pang magdagdag ng ilang tips sa mga susunod na araw. Baka sakaling makatulong ito sa iyo. Maraming salamat sa pagdalaw sa site ko.
Goodluck sa iyong pagsusulat ng nobela.
regarding sa tanong mo na, Inilalagay ko ang bawat kabanata sa aking blogsite. Makabubuti bang gawin ko ito?
Sa palagay ko naman ay makakabuti ito. Maaaring maging inspirasyon ang mga komento sa blog, maganda man o hindi ang komento. Pero higit sa lahat, nakakabuti ito kung nagiging praktisan mo ang blog sa pagsusulat. iyan kasi ang hindi nagagawa ng ilan, ang magpraktis. Minsan ay may nagsabi sa akin, bakit pa raw ba ako nagsusulat sa blog, eh puwede ko na namang pagkakitaan ang mga isinusulat ko, dito libre. simple lang ang dahilan ko, malaya ako dito. at importante sa akin na maging malaya sa pagsusulat maski sa isang blog.
may isang nagkomento sa akin na anonymous, lahat daw ng blog ay may kuwenta, ito lang daw blog ko ang pinakawalang kuwenta. natawa ako. hindi ko pinatulan. hindi naman ako apektado. dahil maaaring sa kanya'y walang kuwenta itong blog ko, pero para sa akin, dito ko mas higit na napapalaya ang sarili ko bilang isang manunulat na hindi nakakakahon sa mga regulasyon ng publikasyon o mga do's and donts ng mga editor.
maaaring wala itong kuwenta sa iba, pero para sa akin, kahulugan ng buhay ko ito.
maraming salamat.
Glad, Inkay's exhibit has been extended to October 14. So sa October 15 pa namin maibibigay ang painting mo.
Maraming salamat uli sa exposure dito.
Hindi ko alam kung paanong masasabing walang kwenta itong blog na ito na punong-puno di lamang ng ideas kundi pati insights.
-tessa
hi tessa,
wow galing naman. extended pa pala. ok lang hangga't kailangan ni chingkay. no prob. naghihintay na ang kubo ko sa inyo, hehe.
anonymous ang nagsabi noon, naghihintay ako na magpakilala at ng madalaw naman ang blog niya.
Natutuwa ako at na-extend ang painting exhibit ng tunay na Maia Jose. Hopefully, mag-hold din siya ng show sa venues na mas accessible sa marami. And best of luck siyempre sa very young at very talented artist na kanino pa kukuha ng talent kundi sa isa pang Maia?
Re anonymous poster who commented that your blog is "walang kuwenta," ang feeling ko ay nagpapapansin lang iyon sa iyo.
You should have approved it, and then your readers, including me, would have had a fun time ripping her comments to shreds (LOL).
Joke lang. Maybe (grin).
pansinin ba ang mga papansin na anonymous? ahaha. wag na.
anyway, nakakatuwa nga na extended pa talaga ang exhibit ni chinkay, naghihintay na nga ang wall na pagsasabitan ko ng painting niya eh, hehe.
lam mo ba na nagpaint din ako, sa inggit ko kay chinkay, kaya lang parang painting ng kinder o prep, ahaha.

Post a Comment