Saturday, October 25, 2008

MALIKHAING PAGSULAT

TEKNIK
Isa sa mga teknik ko sa pagsulat ng tula ay ang paghihimay ng kahulugan ng isang awitin upang lapatan ng panibagong kahulugan at mensahe sa ibang anyo. Ang tulang BOTELYA ay sinimulan ko sa pamamagitan ng paghihimay ng kahulugan mula sa isang popular na awitin. Sinulat ko muna sa prosa at sa pamamagitan ng paglalaro ng mga salita, paggamit ng imahe ng isang botelya bilang isang pakiramdam, naisulat ko ang isang tulang representasyon ng isang bagay na tila may pakiramdam maski ang totoo’y wala.

ANG PROSA
Hindi ko maiwasan ang malungkot pagka minsan dahil naaalala kita. Lalo’t nag-iisa ako na pinagmamasdan ang lagaslas ng tubig mula sa bubong na nagmimistulang waterfalls ang mga patak. Naalala ko kapag naliligo tayo sa ulan at sabay nating binabasa ang ating mga sarili. Tawa pa nga tayo ng tawa noon. Ang linis linis ng paligid kapag katatapos umulan. Parang pakiramdam natin na kay gaan-gaan. Gustong gusto ko ang amoy ng kalsada, mahamog at malamig ang hangin. Para pa ngang amoy ng cologne mo kapag totoong bagong paligo ka. At ngayon ngang wala ka na, habang halukipkip ko ang aking sarili at pinagmamasdan ang pumapatak na lagaslas ng ulan mula sa bubong, matinding kalungkutan ang aking nararamdaman at may kasabay pang pagtatanong, bakit ba kasi ako nag-iisa?

Susubukan ko bang sagutin ito sa aking sarili? O iiwasan na lamang ang muling pagtatanong? Tatalikuran ko na lamang ba ang ulan sa labas para muling pumasok sa silid at magkulong? O haharapin kong paulit-ulit ang katotohanang ako’y nasasaktan at hindi magawang lumimot? Babalik-balikan ko bang muli ang pagdalaw ng kalungkutan o ang kapanglawan ng pag-iisa? O lalabas ako ng bahay para maligong mag-isa sa ulan at baka sakali ay may makasumpong? Baka sakaling matagpuan kitang muli, matagpuan kong muli ang aking sarili o may matagpuan akong iba at ibang sarili.

Sa ngayon na wala pa, isa pa lang ang sagot na alam ko… time won't heal a broken hearted me.


ANG AWIT
BROKEN HEARTED ME
Anne Murray

Every now and then I cry
Every night you keep stayin' on my mind
All my friends say I'll survive
It just takes time

(Chorus)
But I don't think time is gonna heal this broken heart
No I don't see how it can if it's broken all apart
A million miracles could never stop the pain
Or put all the pieces together again
No I don't think time is gonna heal this broken heart
No I don't see how it can while we are still apart
And when you hear this song
I hope that you will see
That time won't heal a broken hearted me

Every day is just the same
Playin' games, different lovers, different names
They keep sayin' I'll survive
It just takes time...



ANG TULA
BOTELYA

Kapag umuulan
habang aking pinagmamasdan
ang waterfalls na lumalagaslas
sa may bubong
habang halukipkip ang sarili kasabay ng pagtatanong
bakit ba ako nag-iisa?

Susubukan ko ba itong sagutin?
O iwasan na lamang ang muling pagtatanong
na parang pag-iwas sa mga humahalibas na patak?
Susubukan ko bang maghanap ng makakasama?
O ang muling yakapin ang pagdalaw ng kalungkutan
at magpaanod sa kapanglawan?

Kapag umuulan
habang aking pinagmamasdan
ang pagluha ng langit
ay sambit-sambit kong
sana’y anurin ako
hanggang may makasumpong na pumulot.

At lagyang muli ng laman.


***

1 comment:

M said...

uy, bumubwelo nanaman ang romance writer. mukhang may pinaghahandaan. yiheee! :-)

- tessa