Friday, October 24, 2008

TEMPER

Anong gagawin mo kapag ipinagbalibagan ng kapitbahay mo ang pintuan ng kotse nila sa harapan mismo ng bahay mo habang natutulog at nagpapahinga ka bandang alas siyete ng gabi? Hindi isang beses, hindi rin dalawa kundi tatlo o baka apat na balibag pa nga. Ang dahilan, may ilang sako ng binistay na buhangin sa harapan ng bahay ko na nagpapahirap sa kanila para makadaan ang sasakyan nila.

Cool akong tao, pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Nagpapasensiya ako sa maraming bagay, pero hindi ako marunong makipagcompromise kapag nahuhumiliate ang pakiramdam ko. Meaning, tao ako, hindi perpekto. Nagagalit din ako. May mga pagkakataon na nakakapagpasensiya, kung dapat ipagpasensiya. May mga pagkakataon na lumalaban kung kailangang lumaban.

Ito ang nakalimutan ng isa kong kapitbahay. Hindi sa lahat ng oras ay magpapasensiya ako. Hindi lahat ng drastic movement nila ay makakalagpas sa akin. Nakalimutan nila na ang bawat tao ay may karapatan na magreact sa kilos ng bawat isa mabuti man o hindi ang ginawa ng isang tao.

Nagagalit ang kapitbahay ko na ito sa akin. Sa dahilang may nakarating na tsimis sa kanila na may sinabi raw akong against sa kanila. Maski wala. Hindi ako guilty kasi sa totoo lang hindi ako mahilig sa tsismis, halos hindi nga ako lumalabas ng bahay ko. Minsan nga lang ako masikatan ng araw. Wala akong oras sa tsismis sa dami ng deadlines ko at mga concern things na kailangan kong gawin sa buhay.

Eto ang kuwento, three years ago, ang bahay ng kapatid ko na si ate Bingbing na nasa kabilang bahay (ang bahay ni rona ang nasa pagitan namin), ay tinambakan ng gamit ng dalawang kong kapitbahay na sina A at B. Isang taon mahigit na nakatambak ang mga gamit nila. Wala akong pakialam dahil bahay naman ng ate ko iyon at hindi ko bahay. Hindi sila nagpaalam sa amin at sa katunayan ay dinatnan na namin iyon. Kung paano sila nagkasusi ng bahay, ewan sa caretaker ng subdivision namin. After one year, kailangan ng magpagawa ng bahay ni ate Bingbing dahil matatapos na ang period ng pag-upa nila. Siyempre, since ako ang nakatira doon at ako ang kapatid, ako ang napakiusapan ng kapatid ko makipag-usap kina A at B. Una kong sinabi kina A na kailangan ng magpagawa ng bahay ng kapatid ko kaya kailangan ng alisin ang gamit nila. Ang sagot sa akin, kailangan daw makita ang move-in letter ng kapatid ko katunayan na totoong nabili niya iyon. Una pa lang ay nakakapikon na. As if may karapatan siya na magsalita ng ganoon dahil siya ang homeowner president or maski caretaker eh hindi naman. Ok fine. Nagrequest kami ng move-in in letter sa developer maski take-out na sa PAG-IBIG ang nasabing unit at naghuhulog na ng monthly ang kapatid ko. Ipinakita ko kay A ang move-in letter. Ang sabi sa akin, hindi ko raw dapat ibigay sa kanya ang sulat kundi sa caretaker dahil dito raw niya nakuha ang susi, kaya dito rin daw niya isosoli. Ok, fine. Para walang mahabang usapan, ipinakita na namin sa caretaker ang move-in letter. Nginitian lang ako ng caretaker, kina A ko na raw kunin ang susi kasi nagagalit daw sa kanya. HAAAA???? sabi ko, ang OA. Believe it or not, sa isip-isip ko, may ganito bang kapitbahay? To make the long story short, umabot ng dalawang buwan bago tuluyang inalis ng aking kapitbahay na sina A at B sa bahay ng ate Bingbing ko ang gamit nila. Dalawang buwan bago nila tuluyang naipagawa ang bahay ng kapatid ko at bago sila nakalipat. Sa totoo lang, isang linggo lang sila halos nagpagawa ng bahay dahil sa kakulangan nila ng panahon. Pero ok na, tapos na iyon. Ang importante, nakalipat na sila. Ni hindi nga nakuhang magpasalamat ng dalawang kapitbahay ko para sa ginawa nilang pagtatambak ng gamit nila sa bahay ni Ate bingbing loob ng ilang taon at sa halip ay sila pa ang nagagalit. Parang hindi makatotohanan ang kuwentong ito di ba? Parang may sablay. Maski ako ang makarinig ng kuwento, sasabihin kong "ows? totoo? hindi nga?" Kuwentong barbero lang 'yan. Walang kapitbahay na ganyan. Naninira ka lang, Glady. Ok fine. But peksman, totoo talaga.

Napansin ko, hindi na ako pinapansin ni kapitbahay B, noon ay hindi ko alam ang dahilan. Hanggang sa natuklasan ko, na ipinarating ni A, na nagsumbong daw kami sa developer para ipatanggal ang gamit nila at sinabi ko pa raw na hindi sila nagpaalam bago maglagay ng gamit. Gamitan natin ng common sense, paano silang magpapaalam sa akin na maglalagay sila ng gamit, eh dinatnan ko nang ang bahay nina ate Bingbing ay punong puno ng gamit nina A at B?

Hindi ko pinatulan ang mga pasaring nila, ang pagtsitsismisan nila against me, pati na rin ang mga kapatid ko na walang kinalaman ay idinadamay nila. Para sa akin, kung ganyan ganyan lang, hindi ko papatulan. Basta walang physical o anumang damages na ginagawa sa akin, ano ba ang mga tsismis na yan? Sa loob ng tatlong taon, wala silang kupas at wala silang tigil sa pagpaparating ng kung ano anong mga maaanghang na salita against sa akin o maging mga drastic action at pagme-make face kapag nakalagpas na ako sa kalsada kung saan naroon sila at nagtsitsismisan. Ang petty. napakawalang kuwenta. Kababawan talaga.

Hanggang isang araw, umuwi si B na may sasakyan, company car daw. At kagabi nga after almost six months na nakakadaan ng maayos ang sasakyan nila sa harapan ng bahay ko, at dulot daw ng may nakabara na binistay na buhangin, nahirapan daw silang dumaan. Dahilan para ipagbalibagan sa harapan ng bahay ko ang pintuan ng sasakyan nila at magising ako sa pagkagulat dahil sa pag-aakalang may kung anong komosyon na nangyayari sa harapan.

Natural na lumabas na ako para tingnan o harapin kung anong problema.

Eto lang naman ang tanong ko kay B, nakadaan ka ba? Sagot niya, oo nakadaan ako kasi nagtanggal pa ako ng buhangin. Sabi ko bakit hindi ka kumatok at sinabi sa akin para ako ang nagtanggal. Alangan naman daw utusan pa niya ako. Sabi ko, bakit ang hindi kesa naman pinagbabagsakan mo ako ng pintuan ng kotse mo. Kung wala daw ba akong common sense na tao, dapat daw ay alam ko na may dadaan na sasakyan dapat daw ay inaayos ko ang daraanan ng sasakyan nila. Tama 'yun. Hindi ko iyon kinontest. Pero tinanong ko, bakit, wala ka bang nadaanan? May daan naman ah, nakadaan naman kayo di ba. Naistorbo daw sila dahil nakakairita ang buhangin na nakaharang. Nakakairita daw ako. Bakit kayo naiirita? Dahil nga daw wala silang madaanan. Pero nakadaan kayo? Oo daw. So maski paulit-ulitin natin ang isyu, iisa lang ang ending nito, nakadaan pa rin sila. Tanong ko, naistorbo ko ba kayo ng maski limang minuto? Kailangan pa raw bang maistorbo sila ng limang minuto bago sila magreklamo. Sabi ko, kasi hindi naman kayo nagreklamo eh, pinagbagsakan n'yo agad ako ng pintuan. Kung nagsabi kayo ng reklamo, malamang na gawan ko ng aksiyon ang nirereklamo ninyo at hindi tayo hahantong sa ganitong balitaktakan. Sabi pa sa akin, Glady driver ka dapat alam mo na right of way namin 'yan. Oo naman, driver talaga ako kaya nga nakadaan kayo di ba? At saka common sense, right of way ko ito at hindi sa inyo. Dahil nasa kabilang kalsada ang bahay ninyo. Nakikidaan lang kayo. At sa katunayan ay hindi tatanggapin sa korte ang reklamo ninyo. Dahil ang unang itatanong sa inyo, nakadaan ba kayo? Naistorbo ba kayo ng maski limang minuto? Sasabihin ninyo, oo nakadaan kami, sasabihin ninyo rin na hindi kami naistorbo, sandali lang naman at nakadaan din kami. So ano ngayon ang problema? Wala po, masasama lang talaga ang ugali namin.

Hindi lumabas ng bahay si kapitbahay A, maski tinatawag para pag-usapan kung anuman ang puno't dulo ng galit nina kapitbahay B. Parting words ko kay B ay ito, huwag kang naniniwala sa tsismis, naninira ng magkakapitbahay ang tsismis, kung may problema kayo, kumatok kayo. Kung may kailangang pag-usapan, makipag-usap kayo. Walang hindi nadadaan sa mabuting usapan.

Syempre galit pa rin ang bawat isa pagkatapos ng balitaktakan. Nagreflect akong mabuti kagabi pagkatapos kong ilabas ang galit ko. Tama ba ang ginawa ko? Dapat bang pinatulan ko na sila? O mas tamang nanahimik ako?

Bago ako nakatulog, sabi ko sa sarili ko, kaso kung pinayagan kong ginaganon ako, patatahimikin ba ako ng konsiyensiya ko? Baka paulit-ulit akong magalit sa sarili ko at sabihing paano ko nagawang palampasin ang isang drastic action na ginawa sa harapan ng pamamahay ko? Paano kung ulit-ulitin nila dahil feeling nila ay kayan-kayanan lang naman nila ako. Baka isang araw ay atakihin ako sa puso dahil sa mga galit na kinimkim ko dahil lang sa nagpasensiya ako at pinairal ko ang paniniwalang nag-aral kasi ako.

Well, to end this...laging may hangganan ang lahat ng bagay sa buhay ng tao, lalo na ang salitang temper. Kaya lang, tatlong taon pa ang kinailangan kong palagpasin bago tuluyang nawala ito. Kailangan pa akong pagbalibagan ng pintuan ng kotse at gisingin ang diwa kong nahihimbing sa pagkakatulog para sabihing... ENOUGH!


Naniniwala pa rin ako sa kasabihang, don't do to others what you don't want others do unto you. That's the only way that we can achieve peace in our heart and mind, that's the true meaning of humility.




***

6 comments:

misminchin said...

Amen.hahaha.

gladi said...

sigh...

kc cordero said...

bb. glady,
run for barangay chairwoman, it would end all your worries sa mga kapitbahay. :)

gladi said...

oo nga no? parang ikaw, baranggay captain ka na ata sa inyo di ba? hehe.

misminchin said...

hmmmm... kase ayan nakikipag away ka na naman. wag kasing ihaharang ang mga buhangin sa daan...buhangin nga ba uN? whatever!hehe

leslienavarro said...

i understand the feeling.sometimes people just don't know where to stand. sinusubok nila ang patience ng isang tao, not knowing when to stop. and when enough is ENOUGH. People tend to be abusive most of the time when they see that they can abuse you. they don't know their limitations.
i believe na lahat ng tao ay may kani-kanilang patience in their own ways, and i'm damn sure na lahat din tayo ay may hangganan.para bang bulkan na sasabog kapag napuno na. but the most important thing that we must know is when to stand for our own rights.kung kailan dapat umalma. esp. if nayuyurakan na at nakakainsulto sa pagkatao. we must not let anyone step on us and vice versa.
MABUHAY!!!LUMABAN!!!IBAGSAK!!!