Saturday, February 21, 2009

BLOGGERS EFFECT

Busy busy busy days talaga kaya walang entry sa blog na maski ano sa loob ng ilang buwan. Anyway, nakakatuwa na kahit walang latest eh may mga sumusulat pa rin at may nakakabasa ng blog na ito. Karamihan ay iyong tungkol sa malikhaing pagsulat at iyong iba ay tungkol sa nobelang panitikan o mga research work sa schools tungkol sa pop lit.

Kung matatandaan, sinimulan ko ang blog na ito sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pop lit gaya ng komiks, romance novel, horror stories atbp. Hanggang sa sumegway ako sa malikhaing pagsulat, tula at mga personal na anecdotes ko at iba pang importanteng bagay sa buhay ko. Hanggang sa may nagcomment na nga sa akin na anonymous na ito raw “ang pinakawalang kuwentang blog na nabasa niya.”

Noong mga panahong iyon, plano ko na sana talagang burahin ang blog na ito kasi alam kong magiging busy na ako. Then ang super nega comment na ito ay natanggap ko, at naisip kong baka akalain ng anonymous na ito eh siya ang dahilan kung bakit ko ito biglang buburahin, baka maging guilty ako sa paningin niya, ahaha. Joke… joke… joke…

Ang totoong dahilan eh baka nga dumating ang time na hindi na ako makapag-post ng anumang artikulo dahil sa dami ng workload na tinanggap ko. For the time being ay hinayaan kong floating ang status ng Bulate Spotmind… and surprisingly, may mga natatanggap akong mga sulat every now and then, until I found out na maraming nagreresearch sa blog na ito dahil sa mga topic na naisulat ko na. I’m so flattered. Kaya sa abot ng makakaya ko ay susulat ulit ako maski pakonti-konti lalo na tungkol sa paksang pop lit, malikhaing pagsulat o maski ano pang mga bagay na maisipang isulat.

8 comments:

misminchin said...

nakakatawa naman, wala palang kwenta ung blog mo. kawawa nmn ako.hahahaha.

gladi said...

hehe, pero kapag may nanglait ng blog mo, makikipag-away talaga ako!

misminchin said...

lab mo tlg ako eh noh! hahaha...so dapat lagyan ko ng babala: bawal laitin ang blog na ito..cge makipag away ka lang, basta labas ako jan...hehehe

gladi said...

oo naman, hehe.

Unknown said...

hi ms. gladi!! remember me> ako po si Cate... yung nag email po sa inyo few months ago...

huwag niyo naman pong isara ang blog niyo pakiusap! andami namin natutunan sa mga entries niyo rito and you inspire us with your thoughts...

hope u can post more e-books here in the future!

gladi said...

hi cate,

how are you now?

wala naman akong planong isara itong blog na ito... medyo busy lang talaga sa dami ng deadlines. anyway... may goodnews ako. may pinaplano akong series of activities na ilalagay ko dito sa blog na ito na sa tingin ko naman ay makakatulong sa mga new at aspiring writer. actually, bahagi ito ng binubuo kong creative writing tools pero gusto kong ibahagi ang ilan sa mga ito dito sa blog na ito.

goodluck and keep in touch!


gladi

Unknown said...

Hi Ms. Gladi!!!

kamusta po?

Marami pong taga forum namin ang nagpupunta rito para po magbasa ng inyong insights at tipsters.

Marami po talaga sa amin eh mga aspirants. Kaya po salamat sa mga "thought provoking insights" na inyong inilalahad.

Ingat po kayo parati!

gladi said...

hi Cate,

nakakatuwa naman. sana eh may maitulong nga ako sa inyo. at dahil dyan eh nagdesisyon na akong ilagay ang ilan sa mga studies na ginawa ko sa creative writing, pop lit, ilang tips ng genre ng magic realism at gusto ko na rin i-share ang ilang mga personal insights ko.

maraming maraming salamat. hope to know you more.

GODBLESS YOU.