SINONIMS
Naiinis ako sa kahol ng aso, nakakatulig
Habang damang dama ko pa naman ang pag-eemote
Sa gitna ng musikang unchained melody
Sa gitna ng tila sasambulat kong utak na mabigat
Sa gitna ng aking pagdadalamhating hindi naman dapat
At ng luhang di naman pumapatak
Tatahimik lang sandali pero ayan na naman
Walang tigil ang habulan ng mga batang kalye
Walang puknat ang satsat ng mga tsismosa sa tabi-tabi
Wala namang pagsidlan ang lungkot
Wala kasing gamot na nabili
para sa pusong tila napepeste
Hay… naalala ko magsasaing pa pala ako
Hindi pa kumakain ang nanay ko
Maghahanda pa ng dogfood ng mga alagang aso
Maglilinis pa ng kotse, maghahanap pa ng liyabe
Eto’t tulala’t wala pa rin sa sarili
Kailangan pang magpagpag ng memory
Biglang nag-ring ang telepono
Nasa kabilang linya ang half sister ko
Sumakabilang buhay na raw ang nanay niya
Nabigla ako’t napatingin naman sa nanay ko, sabay sabi sa sariling…
Nalalaman talaga ang halaga ng buhay
Kapag may namamatay
parang pag-ibig.
Thursday, June 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Puno ng damdamin, specifically that of angst, ang iyong isinulat. The images were also full of it. Isang normal na araw na pinaging hindi normal ng isang nakabibiglang balita.
* * * * * * * * * * * * *
When someone passes away, those who were left behind naturally mourn the loved one's demise.
Pero hindi laging ganoon. Puwedeng malulungkot lang, puwedeng huhugot lang ng malalim na buntunghininga.
At puwede rin na malulungkot lamang at paaapawin ng angst ang puso para sa tao na pinakaapektado ng pagpanaw na iyon...
Post a Comment