Ano kaya ang mararamdaman ng isang tao sakaling malaman niya na namatay na ang other woman ng kanyang ama?
Ano kaya ang naramdaman ko?
Nalungkot ako. Kahit nakakatawang isipin para sa iba na malungkot para sa kamatayan ng isang taong naging sanhi ng marami nilang kalungkutan sa buhay lalo na sa pamilya. Almost 26 years, mahigit pa sa kalahati ng buhay ko sa mundong ito sila nagsama. At kami ang nagmukhang other family. Kami ang dinadalaw paminsan-minsan. Masuwerte na ang once a month. Minsan nga pag may okasyon lang. Minsan absent pa.
Ngayon ko lang ito aaminin. Malaki ang naging epekto nito sa buhay ko. Sa pagkatao ko. Sa mga naging kalungkutan ko. Sa maraming mga luhang ibinuhos ko, sa script mang isinulat ko, sa loob man ng banyo, at mga paninisi sa bawat kabiguang dinaranas ko sa iba’t ibang yugto ng buhay… sa iba’t ibang phase ng pag-ibig.
Pero nalampasan ko ang pinakamabigat na stage, yung panahon na kailangan ko pa ng ama. Iyong panahon na marami akong tanong na hindi na masagot. Iyong panahon na pinipilit kong maging mabuting tao… baka sakaling kapag natuwa siya sa akin, eh baka maisipan niyang bumalik at huwag na ulit umalis. Nalampasan ko ang oras ng pag-aagaw buhay na wala siya sa tabi ko. Dahil naroon siya. Wala siya dito. Nagawa ko ang papel na dapat ay ginampanan niya.
Sabi nga, walang sakit na hindi napaghihilom ng panahon. Natanggap na namin ang lahat. Isang umaga ay nakita kong wala ng mababakas sa mukha ng aking ina na anumang pait sa dibdib. Sabi niya, nakapagpatawad na siya. Minsan nagdududa ako. Baka sabi lang niya.
Nitong mga huling gabi, nakaramdam ang aking ina ng pagkabalisa at hindi pagkakatulog sa gabi. Sabi niya sa akin, mamatay na raw ata siya. Sabi ko bakit alam niya? May tao bang alam ang oras ng kamatayan? Ewan daw niya kung bakit may ganoon siyang pakiramdam. Now, it make sense. Kahapon ay itinawag sa amin na sumakabilang buhay na ang other woman ng aking ama matapos ang halos sampung taon ng paghihirap. Siguro, may naging struggle pa rin sila sa isa’t isa unconsciously. Anuman iyon. Marahil ay mga pakiramdam iyon at pagtutunggali ng dalawang babae, gaya sa isang script… isang tagpo ng komprontasyong sa isip lang. May humihingi ba ng tawad at may nagpapatawad? Marahil. Siguro. Sana.
Ngayon, ano ang nararamdaman ko? Nagpapasalamat ako. Dahil sa kabila ng lahat… napatunayan kong totoo pala na napatawad na namin sila.
Friday, June 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
"Almost 26 years, mahigit pa sa kalahati ng buhay ko sa mundong ito..."
yes, alam ko na how old are you, hehe.
kidding aside, walang pinakamakapagpapagaan sa ating buhay kung hindi ang magpatawad. saludo ako sa iyo, tita glady...
Glady:
Long time no read.
Natutuwa ako't nag-triumphed ka rin sa wakas sa lahat ng mga sakit ng kalooban at mga pagsubok sa iyong pamilya.
Nangyari rin sa aming pamilya ang ganito, at upang mabawasan ang sakit, itinuring kong parang isang kamag-anak ang babaing nabanggit. Saka ko lang napagtanto na kahi't pala siya nang-agaw sa asawa ng iba, may mga bagay ring mabuti sa kanyang pagkatao't kalooban at iyon ay nakita ko at tinanggap bilang bahagi ng buhay.
At noon lamang nawala ang hapdi sa aking puso.
kuya KC,
alam ko din naman ang edad mo, hahahaha!
OI, kala ko ba ililibre mo kami ng kape.
KUYA JM,
oo nga! ang tagal na nung huli mong comment ah. namiss ko na nga eh. hehe.
Oo nga, tama ka. minsan talaga, may mga pangyayari na kailangan nating tanggapin bilang bahagi ng ating buhay. kahit masakit. from there... saka pa lang kasi tayo totoong makaka-move on.
hinahangaan ko po ang inyong matibay na puso pagdating sa pagpapatawad, Ms. Glady. Nawa po'y maayos ang kalagayan ng inyong ina at nakahinga na siya ng maluwag.
palagay ko mas hahangaan mo ang matibay kong puso pagdating sa pag-ibig. hahahaha. joke.
maraming salamat, cate. mas mabuti ang magpatawad kaysa magtanim ng galit sa puso. mas masarap mabuhay ng walang anumang bitterness at mga bagaheng dala-dala sa dibdib. mabigat kasi yun, parang maletang araw-araw mong bitbit kahit namamasyal ka sa mall. hindi ba ang hirap nun? hehe.
Post a Comment