Friday, November 30, 2007

COMING SOON NA!!!!

2 comments:

Anonymous said...

San lalabas ito Glady ng maabangan na. CJC Sterling ba?! Hehehe isa pa yan sa mga komiks na sinusoportahan ko kahit na labis ang pulitika dyan.

Mas masarap makitang gumugulong pa rin ang komiks na ito sa bangketa kesa muling manamlay. kaya nga tatlong kopya bawat isa ang bili ko, bale 15 copies lahat. pinapadala ko sa probinsiya ung lima un lima sa bahay at mga bata, para naman sa kanilang kamalayan sa pilipino komiks at para mahasa na rin ang pagbabasa. At ung limang natira koleksiyon ko. Hehe

Pero nakakapagtaka dahil nauubusan pa rin ako minsan. ibig sabihin meron talagang reader ang mga ganitong komiks glady. Sana magtuloy tuloy.

Nakakalungkot lang na nakikita ko sa ibang blog na parang masaya pa sila at di raw magtatagal ang komiks na ito.
Saan ka naman lulugar sa mga taong iyan. Pilit binuhay ngayon nandiyan na inaabangan naman ang muling mawala. Hehehe. sala sa init sala sa lamig.

Salamat sa pagbasa ng nobela ko hekhek.

gladi said...

Hello Rommel,

Hindi ito Sterling. Bale indie ito. I'll let you know kapag naka-out na sa market.

Napaka-healthy ng nangyayari ngayon sa komiks. Sana nga ay magpatuloy pa itong umunlad at magpatuloy sa market. Maski ako ay hindi ko hahangarin na mawala sa market ang mga komiks ng Sterling dahil nakakalungkot itong isipin. Mas marami ang mawawalan. Kung may tao mang natutuwa, may dahilan siguro sila para dito.

Anuman ang nangyayari, dumami pa nga sana ang komiks at matuloy sana ang komiks na ilalabas ni Mang Pablo sa susunod na taon, ang Pablo Gomez Komiks. Para mas healthy ang kompetisyon. Sa gayon ay mas higit na magpaganda ng mga trabaho ang mga manunulat at dibuhista. Sino ang makikinabang nito kung sakali? Ang mambabasa at ang publisher din dahil kikita ng husto ang komiks. Kapag nangyari ito ay magtutuloy tuloy na ang pagkabuhay ng komiks.

Gusto ko sanang mabasa rin ang mga nobela mo. Mayroon ka bang lalabas na bago? Sana ay magkaroon din ako ng kopya. Aabangan ko ito at welcome na i-publish natin dito sa blog ko maski cover page.


Thanks a lot!

Glady