Huusss, mukhang umuusok ang isyu ko sa Starry, Starry night... Vincent Kua Jr., et al. Na-segway ito sa gay lit o pink lit o gay issue sa PKMB. Well, bukas na akda naman iyon kaya ano ba ang inaasahan ko? May mainit ang ulo na ilang kalalakihan sa mga isyung ganyan, ang iba ay logical, meron ding ilogical, ang iba ay deadma, ang iba ay skeptic, ang iba naman ay very passive.
But whatever it is, may free will ang bawat indibiduwal na magbigay ng kanya-kanyang opinyon. Ang mabuting bagay na nilikha nito ay ang "pagkalampag" ng isyu sa mundo ng "komiks" na medyo "macho" ang imahe. Hehe. Tila nagsasabing "Hey, bro, eto lang kami. Hala ka!" Pagkabahala sa ilan ang paglikha ng statement ng gay lit at "nagbababala" ng pagdami. They are coming here! Lagot na tayo! Magugunaw na ang mundo! Hahahaha!!!!
Hindi ako advocate ng gay lit sa Pilipinas. I myself ay wala pang naisulat na akda o artikulo tungkol dito maliban sa school/study paper na may pangangailangan sa aking grado sa isang subject. Maliban sa Silahis Komiks na may pitong isyu lang ata at may serye ako na "I AM WHAT I AM." Pero noong ginawa ito, hindi pa malinaw sa akin ang pagsusulong ng ganitong kamalayan. Nagkukuwento lang ako ng tungkol sa mga karakter na gay at lesbian. Wala pa akong dala-dalang armas o makinarya, ika nga.
Maraming beses na akong inalok na sumulat ng artikulo o kuwento tungkol sa gay at lesbian. Isa sa mga miyembro ng UP Babaylan ang nag-alok sa akin, sa iba't ibang mga school journal, mga librong may tema tulad ng Ladlad, etc. But for some personal reason ay hindi ko nagawa o nagagawa pa. Alam kong marami pa akong hindi alam tungkol sa isyu. Mas malalim pa sana ang gusto kong malaman dito. Pangalawa, may ilang bagay na hindi ko pa kayang i-compromise bilang manunulat. Para din 'yan noong alukin ako ni Prof. Joey Baquiran na magsulat ng isang paksang taboo o mala-erotica na pumapaloob sa study ng literary criticism. Batid kong napapanahon na 'yan. Gustong gusto ko sana pero alam kong kulang pa ako sa tapang. Maliban sa salitang "libog," ano pa ba ang alam kong kaya kong sabihin ng direstahan? Haha! So mahaba-habang karanasan pa at mga pag-aaral ang kailangan ko, bago ako maging kasing tapang ng mga manunulat na bumabasag ng mga tradisyunal na konsepto upang makalikha ng "bagong anyo" at magkapagsulong ng bagong kamalayan.
Segway na ako. Na-miss ko ang love 101. Nakakamiss kasi ang pakiramdam na in love, 'yung kilig, 'yung punong puno ng romansa at "ka-elan." Haha. Baka may mambatikos sa akin nito at magtanong. "Prof Glady, ikaw ba 'yan? Can you explain further?"
Pero gaya nga ng nasabi ko, at paulit-ulit kong nasasabi sa mga kaibigan ko, isang malaking frustration ko bilang manunulat ay ang makasulat ng kuwentong taboo. Straight na lalaki o babae man ang paksa. Gay or lesbian man ang tema. Hindi pa ako handa. Sa totoo lang, conservative ako! Haha. Hindi lang halata. Pero mas tama siguro sabihing hindi pa lubos ang pagiging "rebolusyunaryo" ko bilang manunulat.
Pumapaloob pa rin ako sa mga tradisyunal na konsepto na pakonti-konti lang, pasundot-sundot lang kung mag-deconstruct. It is my personal advocacy. Naniniwala kasi ako na hindi dapat binibigla ang mambabasa, pero kailangang inihahanda na, o inaangat maski bahagya hanggang sa tuluyang matanggap ang isang teksto.
Mahirap kasing maghain ng isang akda na "bago ang panlasa" sa mambabasa. Baka lang hindi basahin. Sayang naman. Pero kung kayang mag-segway, why not? sa akin lang pananaw ito. Kaya nga hanga ako sa mga manunulat na walang takot bumasag ng kumbensiyon na katulad ni Vincent. Iilan lang at bibihira ang hinahanggan kong manunulat. Napakahirap kong umappreciate ng kuwento kung palagi kong paiiralin ang pamantayang natutuhan ko sa loob ng unibersidad. Pero isa si Vincent sa talagang nagpahanga sa akin, may gamit man akong panukat o wala.
Love of my life? meron ako niyan.... marami. First love, true love, greatest love, platonic love, etc.... lahat ng klase ng love. Kasi, may "enlargement of heart" ata ako pagdating sa pag-ibig. Hehe. Siguro naman ay may katulad ako.
Pero hindi ako madaling magkagusto. Hindi ako madaling ma-inlove. Hindi ako madaling attract. Sa lagay na 'yan, ha? Hehe. Ang pag-ibig kasi, para 'yang kuwento sa akin na sinusukat ko sa iba't ibang pamantayan na natutuhan ko sa loob ng unibersidad. Sinusukat ko ang pag-ibig sa iba't ibang pamantayan na natutuhan ko sa aking mga naging "karanasan" sa buhay.
Maraming karanasan na hindi natin nakakalimutan. Ang madalas na hindi nakakapaglimot sa atin ay ang mga salitang may pinaka. Pinakamasarap, pinakamasaya, pinakamaligalig, pinakamasakit, etc. Kaya nga sumikat ANG PINAKA ni Pia Guanio sa QTV eh, hehe.
Pinakamasarap: puwedeng pagkain, puwedeng halik.
Pinakamasaya: puwedeng pamamasyal, puwedeng birthday, puwedeng Pasko.
Pinakamaligalig: puwedeng away-bati, puwedeng walang katapusang palitan ng mga argumento sa text messages.
Pinakamasakit: puwedeng pinakamahabang iyak sa napakaraming gabi, puwedeng break-up, puwedeng paghihiwalay na walang closure.
Maraming mga bagay na hindi nagpapalimot sa atin. Maraming mga bagay na hindi tayo makapag-let go kaya hindi tayo maka-move on. At ang laging skeptic ng mga kaibigang nagpapayo sa atin, o maski ng mga nanay natin, "Don't worry, time heals all wounds." Subukan mong iwan o pabayaan ang pag-ibig, palipasin ang isang panahon at saka na lang balikan kapag naghilom na ang sugat.
Baka nga mas tamang saka na muling harapin ang lahat kapag naibalik ko na ang composure at tiwala ko sa sarili. O kaya'y kapag gumaling na ako mula sa isang "temporary insanity" dulot ng epekto ng opyum ng pag-ibig. Kapag makakatingin na ako ng diretso sa salamin at masabi kong "been there, done that." Kapag kaya ko ng sabihin ang lahat ng nasa loob ko sa taong minahal ko na "minahal" ko siya, kapag kaya ko ng aminin na nasaktan ako at nagkunwari lang ako na hindi nasasaktan para lang protektahan ang pakiramdam niya. Saka na, kapag may wisyo na ako. Dahil paano ako mamahalin ng iba, paano pa ako matututong magmahal ng iba, kung ang mismong sarili ko'y watak-watak at hindi alam kung paano ito bubuuin.
At napatunayan ko itong tama. Lahat ng sugat ay nagagamot ng panahon.
Maaaring nasaktan tayo o ako. Pero sa kabilang banda, maaaring hindi natin alam na nakasakit din tayo o ako. Kasi, subjective tayo kapag nagmamahal. Sarili lang natin ang iniisip natin.
Ganun din sa isyu ng gay lit. Sariling opinyon lang natin ang gusto nating pakinggan at tila ayaw nating makinig sa iba.
Medyo guilty ako kung minsan sa mga akusasyon na ganyan. Minsan, sarili ko lang ang iniisip ko. Akala ko, ako lang ang nagmahal o nagmamahal.
The bright side of it, I'm starting to be more objective. Marami pa akong hindi alam. Marami pa akong gustong matutuhan. Gusto kong maunawaang mabuti ang mga pinanggagalingan at mga dalang bagahe ng ilan, lalo na iyong mga may "machong kaisipan" na "nasasagi ang ego" sa isyung inilalatag ng ilang mga kababaihan at maging ang gay issue. Hindi ako kasing galing ng inaakala ng iba. I'm still hunger for wisdom and truth. Dahil kung hindi ko ito iisipin, naniniwala ako na simula na ng pagtigil ng pag-unlad ko bilang manunulat ang ganitong klaseng "kayabangan" sa sarili. Gusto ko pang umunlad.
Para pa ring pag-ibig 'yan. Kung magpapatuloy akong maniwala na ako lang ang nasaktan at hindi ako nakasakit, para ko na ring pinahinto ng kusa ang "tibok" ng puso ko sa pag-ibig. Na ayokong mangyari, dahil ayokong huminto ang "enlargement of heart" ko. Hehe. Sa kabila ng maraming karanasan, pagkabugbog ng puso, pagkamatay at pagkabuhay na muli, sa pinakadulo nito'y hindi pa rin ako matatakot magmahal. Gusto ko pang magmahal.
Dito ko gustong paniwalaan ang kasabihang "love means you never have to say sorry."
Maging sa isyung natalakay ko sa Starry, Starry Night... kay Vincent at sa pagmamahal ko sa komiks, I'll never have to say sorry.
At kung alam mong minahal kita, so with you.
Sunday, December 2, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
"love means you never have to say sorry."
Napaka-complex ng love para talakayin ito sa maikling espasyo ng commentary sa blog na ito. Maraming fragments na maaaring hugutin at palawakin.
Lahat ng naging desisyon natin sa pag-ibig o sa isang relasyon ay sariling desisyon natin. kung ano ang naging pagkakamali kailangan harapin ang anumang consequences o risk na maaring magresulta nito.Hindi kailangan mag-sorry sa pag-ibig. hehe. but once you've accepted that it's all in the past, that's the time you're ready to move on or you have moved on.
leshie
Leshie & Gladys:
You both hit it bang on. Panahon na nga para BASAGIN natin ang kamacho-han ng mga lalaking Pilipino. It is very evident how some of the guys at the PKMB were quite slighted just because we discussed gayism (a neologism. He-he), and tried divert the subject by posting nonsensical jokes. Pero dapat na talagang mamulat ang mga lalaking Pilipino sa katotohanang hindi na sila ang dapat na maghari sa bansang Pilipinas. Dapat ay pantay-pantay na ang lahat.
That's why when I was writing for Alindog in the 70s (Alama Moreno's Weekly Drama anthology), I made sure that the women characters were liberated: They knew who they were, they knew what they want in life, they did what they want, and whatever consequences they would face later – they face it with full-responsibility, with courage, with dignity and objectivism.
That time, most TV shows were about PAMARTIR-MARTIR na mga babae, which for me is... BULL CRAP! I can name a few that didn't help uplift our women, that instead of placing them high on a pedestal, the more they were thrown deeper into the quagmire: GULONG NG PALAD (sad to say written by Loida Viriña – a woman, and I was expecting more from her – because I know her personally. Aray ko, sorry Loi), FLOR DE LUNA (same melodrama that showed how weak a woman should be).
It also helped that my director, Mario Ohara, had the same outlook as mine, that we did push the envelop further together. When I left the country, Mario quit Alindog and JOEL LAMANGAN took over.
The format became PAMARTIR-MARTIR and the sponsors didn't like the idea and the show was cancelled only after 2 episodes.
Today, as I watch RP's telenovelas, I still see the same old, same old, rehash martyrdom.
That's why I encourage women writers to invade TV and make sure to push the envelop for dynamic change in our society. Panahon na para mamulat ang lahat sa katotohanang maiaangat lamang natin ang kalagayan ng lahat sa ating lipunan kung ituturing nating lahat na ang bawa't nilalang ay may karapatang civil na tulad ng sinuman, mapababae man o mapalalaki, o kung sino man ang nasa in-between nito.
We need more TV shows with guts. I truly believe that it is possible to implement change in our society through the use of mass media.
Hi JM,
Nagpapasalamat ako at nakakatuwang isipin na maraming tao ang katulad mo na "open minded" sa pagtanggap at pagsusulong ng sensitibong mga paksa.
Napakalawak talaga kung totoong seseryosohing talakayin ang paksang pangkababaihan o gay issue. Nakakalungkot isipin na hindi lamang tayo sa teknolohiya, economics, pulitika atbp. napag-iiwanan.
Ang kamalayan natin bilang Filipino ay masyadong “nabansot” sa ginawang pagpapalaki sa atin ng mga Kastila bilang isang konserbatibong lipunan. Napakabagal ng pagsulong. Napag-iiwanan tayo ng panahon.
Pati konsepto. Mabagal tayo. Takot tayo sa inobasyon. Lagi natin gustong makipag-compromise sa tradisyunal. Takot tayong mapaso, sayang ang maluluging pera sa negosyo. Mahirap kasi tayong bansa. At kapag mahirap, dapat sabayan ng mabagal na pag-unlad ng pag-iisip.
Bawal ang mga taboo, pupunta tayo sa impiyerno, magugunaw ang mundo. Bawal magsalita ang mga babae ng karapatan nila, dahil sex object lang 'yan sa mga lalaki. Hindi dapat bigyang pagpapahalaga ang isyu ng mga gay at lesbian, bakit? Eh, gay at lesbian lang naman sila.
Aaminin ba natin na ang bawat isa sa atin ay may maliit na kontribusyon sa pagpapalaganap ng mga ganitong konsepto? Of course not. Magkamatayan na, magaling na ang magaling, walang urungan sa mga argumentong ito, kanya-kanya siyempreng ariba, kanya-kanyang quote sa libro, kanya-kanyang banat sa posisyon o opinyon ng iba. Lahat magaling.
But our consciousness speaks for itself.
Glady
Glady:
Ito nga ang nakakatawa nito. Matapos mamatay si Francisco Franco, ay nabasag lahat ang taboo sa Spain.
Noong kapanuhan ng aking ina, hindi siya natutong magsalita ng CATALAN (her language) dahil Ipnagbawal ito ni Franco (dahil ang mga nakatira sa Barcelona ay mga separatist, at hanggang ngayon ay gustong humiwalay sa España). Kaya ang aking ina, maski na siya'y ipinanganak sa Barcelona, ang naging first language niya ay CASTILLAN, dahil utos iyon ng diktator.
Subali't nang yumao si Franco, Nagwala ang mga kastila. Naging ANYTHING GOES. Maski ang pelikula nila at mga komiks ay hindi mo aakalaing... once upon a time ay konserbatibo at pigil ang lahat ng bagay.
Ngayon, may sariling pedestal ang mga kababaihan sa bansang ito at ito naman ay kinikilala ng lahat ng populasyon.
Ngayon, bakit ang mga Kastila na siyang puno't dulo nitong mga kagawiang ito ay malaon nang na-liberate, bakit patuloy pa ring nagpipilit ang mga Pilipino na huwag baguhin ang mga maling kinagawian ng kanilang sociedad?
Kaya nga malaki ang responsibilidad nating nasa media na makapag-ambag sa mga pagbabago. Kailangan na rin nating isulong ang isyu ng pagkakaroon ng COMPLETE division between the church and state. Isa itong malaking kaurungan na hanggang ngayon ay simbahan ang siyang magdidikta sa MORAL ng bawa't Pilipino, gayong maski sa Bibliya ay nagsabing BINIGYAN TAYO NG FREE WILL sa anumang bagay na ating didisisyunan.
The church should stop from robbing us of our souls. The Philippines is not a DETERMINISTIC society. The citizens are not getting all the benefits of a deterministic society, anyway, so what's the point of shackling them to all the shenanigans? Who gets the brunt of all these?
We know, for sure, that they are the less priveledged (and marginalized individuals) and the women.
JM,
Iyan ang dahilan kung bakit takot tayo sa mga "taboo", dahil mahigpit pa rin ang kawing ng kamalayan natin sa relihiyon.
Hindi tayo makawala sa "kadenang" pinaggapusan sa atin ng mga "mananakop." Sa simpleng dahilan na hindi natin batid o kilala ang tunay na identidad at pagkatao natin bilang "Filipino."
Hindi ba't depenisyon lang ng paggamit ng "Filipino" sa konteksto ng komiks ay naging isang malaking kuwestiyon pa sa iilan?
Glady
Hindi lang siguro relihiyon, pero malakas din ang pressure ng pamilya. Dito sa atin, hindi ka hihiwalay sa pamilya hangga't kasal ka na (o minsan, hangga't kamatayan kahit kasal ka na). Dahil siguro malakas ang ating familial ties, hirap tayo mag-isip at gumawa ng mga bagay na hindi sang-ayon sa mga "values" at expectations ng pamilya, kahit na na-rationalize na natin ito sa sarili.
Yung lack of innovative culture -- yan ang dahilan bakit hindi ako optimistic sa pagbuhay uli ng komiks. Given the alternative forms of entertainment (P50 DVD, cable TV, games), komiks has a natural disadvantage -- that it only appeals to the sense of sight. To counter that, you'll have to offer something that the other media can't. And success in entertainment innovation is a numbers game... so if you don't have a critical mass innovating, then there's very little chance of success. Kahit sa Japan, each manga mega-hit comes at the expense of a few hundred others that never quite achieved commercial success.
Hi Robby,
Tama ka sa sinabi mo. Totoong napakalakas ng kawing ng mga Filipino sa kani-kanilang mga pamilya. Siyempre't kung ano ang oryentasyon ng pamilyang pinagmulan, eh di mas malaki ang porsiyento na iyon ang dalang oryentasyon ng bawat indibidwal. Sabi nga, "the family that prays together, stays together."
Malaking hamon sa mga komiks creator kung paano lalabanan o sasakyan ang hindi makontrol na pag-unlad ng teknolohiya at globalisasyon upang patuloy na makatindig sa pakikipaglaban sa "komiks."
Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS, hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding hindi mamamatay sa kulturang Filipino hangga't ang mga Filipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa.
At gusto kong sakyan ang paniniwala niyang ito.
this is quite true...
"At napatunayan ko itong tama. Lahat ng sugat ay nagagamot ng panahon.
Maaaring nasaktan tayo o ako. Pero sa kabilang banda, maaaring hindi natin alam na nakasakit din tayo o ako. Kasi, subjective tayo kapag nagmamahal. Sarili lang natin ang iniisip natin."
hi to you,
palagay ko nga tama ito, based on experience!!!
kaw din?
hehe.
Happy Christmas!
Glady
Post a Comment