Graduating ako noon sa UP at isa sa mga subject ko ay ang STS (Science and Techonology and Society). Isa sa mga naging final project ng grupo namin ay ang gumawa ng video commentary about lambanog making. Pumunta kami sa Infanta Quezon at isa sa mga baryo doon ay may pagawaan ng lambanog. What's special about lambanog ng Infanta ay gawa ito sa sasa at hindi sa puno ng niyog. Ang puno ng sasa ay tumutubo sa mga pakat (swamp) kung saan maraming alimango, hipon at lipain (isang uri ng isdang lapu lapu). Ang sasa ang ginagawang pawid o bubong ng mga bahay kubo. Samantalang ang tawag sa bunga nito ay kibal. Ang hamog o pawis ng bungang kibal ang pinatutulo at iniipon para gawing lambanog.
Sa unang pagkakataon ng aming research, hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan sa pamamaraan at teknolohiya ng lambanog making. Napakatagal pala bago makapagprodyus ng isang container ng alak. Ang isang bunga ng kibal ay pinahihinog sa loob ng tatlong buwan. Pinatutulo ito sa loob naman ng isang buwan. Ang tawag nila dito'y pawis. Ang maiipong pawis (likido) ay lulutuin sa tinatawag nilang lutuang kahoy o disteleriya. Ang unang tulo ng kibal (unang pawis) ay tinatawag na puro, kung saan mas matapang at mataas ang alcohol content nito. Iniimbak ang alak at mas matagal ang pagkakaimbak ay mas masarap ang lasa nito. Manamis namis ang lambanog ng Infanta Quezon, pero lintik ang guhit sa lalamunan kung ang tapang ng alak ang pag-uusapan. Walang sinabi sa sarap ang ilang mga imported na alak na natikman ko. Kaya nga dumating ang panahon na ginawa ko itong panregalo tuwing may okasyon dahil sa masarap na lasa nito pero matindi namang sumipa. Masahol pa sa sipa ng kabayo. Hehe. Ilang shot lang nito ay tiyak na lasing agad ang mga manginginom ng gin bulag dito sa Maynila. Hehe. Ilang kaibigan kong sanay uminom ng hard drinks (alak) ang pinatumba nito.
Ang isa sa mga komentaryo at reaksiyon ko ay ang mabagal na progreso ng lambanog making sa baryong pinuntahan namin. Kung mabibigyan lang sana ito ng sapat na budget o tulong ng gobyerno, naniniwala ako na lalaban ang lambanog sa international market. Ngunit sa kabilang dako, naisip ko rin, kung ang lambanog ay magiging monopolya ng isang multi national corp., matitikman ko pa kaya ang ganito kasarap na alak? Siguradong magiging commercialize na ito (pati lasa) at ang lumang pamamaraan at teknolohiyang nagpapasarap sa alak na ito ay tiyak na maglalaho na.
Sa isang banda, may mabuting naidudulot ang mabagal na progreso ng buhay ng mga mag-aalak o gumagawa ng lambanog sa baryo. Naabutan pa ng henerasyon ko ang masarap nilang alak, at maaaring maabutan pa rin ito ng mga susunod pang henerasyon. Hanggang ngayon, sa mga dumadalaw sa bahay ko, pinapashot ko nito, dahil hindi ako nawawalan ng lambanog. Palaging may pauwi o pabaon sa aking alak ang mga pinsan ko sa tuwing nagbabakasyon ako ng Quezon.
BILANG SUBJECT NG TULA
Isinulat ko ang tulang "Mag-aalak" para hindi ko malimutan ang isang masayang karanasan ko sa baryo kung saan ako mismo ang nakasaksi kung gaano kabagal ang paggawa ng alak na lambanog at kung gaano kasarap ang lasa ng bawat patak maski kaaahon pa lamang sa lutuang kahoy o disteleriya. What more kung naiimbak pa ito ng ilang taon? Ako rin mismo ang nanghuli ng mga kumikiwal kiwal na alimango sa sasahan o pakat para ihawin at gawin itong pulutan.
Cheers!!!
Thursday, April 3, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
hi sir., pwede po bang paki assess
mo ang aking mga tula?
para madevelop ako..
Napaka impormante ng blog na ito..
Post a Comment