Friday, July 11, 2008

LOOKING BACK


Nitong mga huling araw ay madalas akong umuuwi ng Greenheights. Gaya nga ng kasabihang there's no place like home, totoo iyon sa pakiramdam ko. Fifteen years old pa lang ako nang lumipat ang family ko dito. At sa tuwing nagpupunta ako dito, pakiramdam ko ay umuuwi ako sa tunay na lugar kung saan nandoon ang tahanan ko. Ayoko sanang umalis ng Greenheights. Nandito ang nanay ko, nandito ang mga kaibigan ko, nandito ang mga family friends namin, nandito ang marami kong alaala ng kabataan, pag-ibig, etc. Pero kailangan ko namang mag-move on. Gaya ng pagmo-move on ng sangkatutak na friends ko dito. Hindi ko naman kayang bumili ng bahay dito dahil milyon milyon na ang halaga ng bahay. Pero gusto ko namang magkaroon ng sarili ko na makakaya lang ng bulsa ko. Kaya napadpad ako ng San Mateo. Tapos pangarap ko pa talagang tumira sa isang probinsiya na hindi naman kalayuan. Kaya nangyari ang pagtira ko sa San Mateo.

Mahigit dalawampu kaming magkakabarkada sa Greenheights na laging nakatambay sa Morocco St. Sa harapan ng bahay nina Gina, na katabi ng bahay nina Arline, at sa mismong gate naman ng bahay nina Aris. Tuwing gabi iyon. Masaya ang paligid. Maingay. Makukulit kaming lahat. Parang walang katapusan ang kakulitan at kasiyahan naming lahat. Nagbibinggo kami, naglalaro ng patintero sa kalsada, nagtataguan tuwing brown out lalo na noong panahon na sobrang dalas mawalan ng kuryente, nagba-volleyball, nagkakantahan (sa gitara man o videoke), nagsasayawan maski sa kalsada, at nagkukuwentuhan ng walang katapusan mula gabi hanggang madaling araw. Sandali lang ang pahinga pagkatapos ay magkakasama na naman. Walang sawa. Walang boring moments.




Ako ang pinakamatanda. Ako raw ang bosing, ang promotor, ang master teacher nila sa mga kalokohan. Ako rin ang captain ball at coach player sa volleyball na team ng Phase 3 sa tuwing may liga sa subdivison namin. Natural, ang nanay ko ang coach eh, hehe. Ako rin ang unang presidente ng Junior Eagles Club Marikina Chapter. At higit sa lahat, ako si direk sa kanila.


Gumawa kami ng play at mga programa na ako ang director nila. Fund raising ng subdivision, pampagawa ng chapel at court. Ang tawag sa grupo namin ay TROPANG KALINANGAN na noong lumaon ay binansagang TROPANG KALATOG PINGGAN. Tuwing may okasyon kasi sa mga bahay bahay ng magkakaibigan, laging present ang grupo. Kaya nakatuwaang itawag iyon.




Sobrang masaya ang barkada namin. Tapos na ang mga project pero hindi natapos ang friendship. Nandyan ang nagka-caroling kami tuwing Pasko, At tuwing simbang gabi ay kumpleto kaming nagsisimba sa chapel ng Greenheights.




Nandiyan ang madalas naming pagpunta ng Antipolo sa gabi at panonood ng last full show sa Sta. Lucia. Grabe, pumila talaga kami ng mahaba sa last full show ng “Titanic.” Last full show na nga pero siksikan at nakatayo pa rin kami sa loob ng sinehan. Hindi kailangan ang okasyon pag ginagawa namin iyon. Hindi rin kailangang weekends. Maski anong araw. Basta natripan namin. Hindi problema ang sasakyan dahil halos lahat naman ay may sasakyan sa amin. May L-300 sina Gina, puwera pa ang dalawang kotse nila na nagagamit namin, may sariling kotse si Floyd, may FX si Mark, may pick-up sina Aris, may van sina Ching, maraming pang-service na sasakyan sina Niel, may kotse rin sina Randy at may sarili naman akong kotse. Kaya pag may gimik, convoy ang mga sasakyan.

BONDING MOMENTS




Running joke nga na kami ang original na TGIS o GIMIK barkada, hehe. S’yempre may magboboyfriend din. May magigirlfriend. May nagkakagustuhan ng lihim. May hindi nagkakatuluyan na magligawan. May nagbe-break. Pero anuman ang mga sangkot na personal na damdamin, buo pa rin ang grupo. May composure pa rin. Seloso ang mga lalaki sa amin. Parang bawal ligawan ang mga babae. Nagre-react sila kapag may dumadalaw sa mga babae. Matataray naman ang mga babae. Kawawa ang mga ipinakikilalang girlfriends ng mga lalaki. Kaya dumating sa punto na halos lahat ay walang karelasyon. Kasi natatakot maisalang sa kritisismo ng grupo, hehe. Natatakot malait ang kani-kanilang mga “love of my life” dahil hindi kagrupo. Naging dilema ng marami ‘yan sa amin. Kaya ayun, nag-enjoy na lang kami ng husto sa isa't isa. Ayaw ng magsipagboyfriend at magsipaggirlfriend. Nagtatandaan ang lahat na walang mga karelasyon dahil enjoy sa barkada.



Maski ako ang pinakamatanda sa grupo, marami pa rin akong natutuhang kalokohan sa mga barkada ko. Promise, natuto akong maglasing, magyosi, hindi matulog ng isang buong gabi, o kaya matulog lang sandali tapos balik na naman sa tambayan. Natuto akong maging tambay sa gitna ng pagkarami-raming deadlines. Hindi naman ako BI (bad influence) sa kanila, hindi rin naman sila BI sa akin. Naiintindihan ko lang ang pinagdadaanan nila bilang teenager. Basta walang drugs, iyon lang ang hindi ko kayang i-tolerate.




Nakilala rin ang barkada ko ng mga writer na kaibigan ko. Gaya ni Ricky Lee, nag-enjoy ‘yan na kasama ang grupo na madalas makipagbonding sa amin sa Antipolo. Si RJ Nuevas na tuwing may okasyon sa Greenheights o night swimming ay kasama na sa list ng mga iniimbitahan ng grupo. May mga birthday din si RJ na ang grupo naman ang imbitado. May mga gimik kami sa mga bar na magkakasama kami. May mga basketball game na sabay na nanonood sina Ricky at RJ, sina Direk Jay Altejeros at Suzette Doctolero, Abner Tulagan, kasama rin minsan si Galo Ador Jr. (RIP). Marami akong gimik na napagsasama ko ang mga barkada sa Greenheights at mga kasamahan ko sa pagsusulat. Hindi iisang beses. At natutuwa akong nag-enjoy naman sila sa isa’t isa. Noong nag-aral ako sa UP, ganoon din ang nangyari. Naging bahagi rin ng barkada ko sa Greenheights ang barkada ko sa UP. Naging “one of the boys” si Les, (sabi nina Floyd at Gie iyon hehe), actually, naging part na ng barkada si Les. Walang birthday na hindi siya imbitado magpahanggang ngayon. Siya na ang tine-text at ako na lang ang sabit, hehe. Naging superclose friends ni Les sina Alhs at Donna, gayundin si Gie. Naging bahagi rin ng barkada ko sa Greenheights sina Jenny, Enna, Aying, Chi at Ading. Madalas present sa mga birthday at inuman sa Greenheights ang UP barkada ko.

Madalas ay may mga out of town din kami, madalas ay sa Quezon, minsan ay sa Laguna, minsan ay sa Ciudad Christia o kung saan pwedeng mag-night swimming.




At dahil ako nga ang pinakamatanda sa barkada, ako rin ang unang may trabaho. Kaya ako rin ang madalas na nagagastusan. Nandyan ang manlibre ako. Nandyan ang magpakain ako. Nandiyan ang mautangan ako, hehe. Madalas akong mautangan ng pangdate ng mga boys. Madalas namang magpalibre ang mga girls. Pero dahil karamihan sa kanila ay rich kid, pag may pasok na at may baon na, ayun inuutangan ko rin sila, hehe.




Si Aris ang pinakaclose ko sa lahat after ni Jojo (pero nagkaproblema kami ni Jojo at nagkaselosan sila ni Aris, hehe).


Susunod na pinakaclose ko ay sina Floyd, Gie at ang kapatid niyang si Harry, then si Mark, Ian, Jun-Jun, Randy, Richmond, Jeffe, Vannie, the Bajaro brothers na sina Niel, Nataniel at Norman. Sa mga babae naman, si Chai ang bestfriend ko sa barkada, susunod ang kapatid niyang si Gina then ang bunso nilang si Ring-Ring, naging close din kami ng pinsan nilang si Ruby (na naging gf ni Aris) siyempre hindi ko makakalimutan ang pagkakulit-kulit na friendship namin ni Chinggay, promise!!! Ang kulit naming dalawa pag magkasama kami. Gayundin ang magkapatid na Alhs at Donna at siyempre pa si Nine (Arline), sina Nympha at Candy na magkapatid rin, ang magbestfriend na Patty at Rachel, ang nasa national team ng volleyball na si Berna (ang lupit pumalo ng bola ng ate kong ito) at ang iba pang naging saling pusa at naging kaibigan ng barkada namin.

Si Jojo ang unang nag-asawa sa lalaki. Ngayon ay manager na si Jojo ng isang call center. Sumunod na nag-asawa si Aris, ngayon ay seaman at nasa barko. Si Floyd ang pinakarich kid, pabalik-balik ng America pero wala lang. De kotse, pero wala lang talaga, hehe. Sinubukang magwork ng buy and sell na mga magagandang kotse kaso nagkaproblema kaya babalik na raw siya ng America ulit para sundan ang dalawang kapatid na babae na kapwa successful, sina Kathleen at Trixie. Si Gie ay druglord (hehe) kasi nagtatrabaho siya sa Mercury drugstore, nurse at board passer si Gie kaso ayaw mag-abroad, ang kapatid niyang si Harry ang nag-abroad dahil ang tinapos ay Med.Tech. May asawa na rin ngayon si Harry at nakatira na sila sa ibang bansa. Si Gie, sabi niya gusto na lang daw niyang magkaanak pero ayaw na niyang mag-asawa. Haha. Na-broken hearted kasi ang batang ito kay Chai after seven years of being steady. Tapos sumunod naman siyang i-brineyk ni Joy after ng kanilang engagement. Ikakasal na sana sila. Noong una nga buong akala ko ay ikinasal na. Nalaman ko na lang na hindi pala natuloy ang kasal. Excited na excited si Gie kaso bigla raw nag-declare ang girl na ayaw pa muna niya mag-asawa na later on ay nauwi rin sa hiwalayan. Ayun, wala na atang siniseryoso ngayon ang badgie. Sa lahat pa naman, si Gie ang consistent na lover boy ahaha. Lahat ay binobola ng batang ito. Ilang friends ko na ba ang nabola ni Gie kaya minsan ay nagagalit na rin ako sa kanya. Pero anuman ang sabihin ko kay Gie, awayin ko man ng awayin ito, isa lang ang sasabihin nito kaya madalas ay napapatawad ko, “sorry direk, tao lang.” Wahahahahaha. Sabi nga ni Alhs, maski ang posteng nakapalda ay tiyak na liligawan nitong si Badgie. Hehe. Pero seryosong mabait si Gie. Consistent 'yan sa maraming bagay o sa lahat halos ng bagay.

Si Mark naman ay saksakan ng kulit, pero napakalovable ng character ng batang ito sa akin. Sweet ito at malambing, on the go lagi sa gimik. "Glads, san tayo?" Iyan ang madalas isalubong sa akin niyan kapag nagkikita kami. Guwapo sana si Mark, malaki lang ang ilong, hehe. Naging girlfriend nito ang barkada ko sa UP na si Calai, pero nauwi rin sa break-up after ilang years. Nasa Ireland na ngayon si Mark, pero kwento sa akin ni Floyd, nagpapadala naman daw ng pang-inom, hehe.

Si Jun-Jun, almost five years na tumira sa America pero nagbalik bayan at nagtatrabaho sa call center ngayon. Noong tinanong ko siya bakit siya umuwi dito sa Pilipinas, ang sagot niya, "Glads, ang hirap ng buhay sa America, kala lang ng iba madali." Kinuwento niya sa akin ang katakot-takot na hirap na inabot niya sa pagtira ng America. Nakumbinse niya akong tama ang ginawa niyang pag-uwi.

Ang magkapatid na sina Randy at Richmond, magkapatid pa rin hanggang ngayon, hehe. Si Randy, sweet din yan, at asensado na sa trabaho niya bilang medrep, balita ko nga ay hawak na niya ang Norte, while si Richmond, hmnnn... mapera na rin daw kasi ang mahal sumingil bilang make-up artist sa mga magazine, hehe.

Sa Bajaro brothers, si Norman pa lang ang nag-asawa, binata pa si Nathaniel na ngayon ay engineer na pero team leader ng call center, at si Niel ay programmer na pabalik-balik na lang ng America.

Sa mga babae naman, si Nine (Arline) ang unang nag-asawa, may dalawa ng anak at ngayon ay nagtatrabaho sa Podium. May ibang kuwento ako kay Nine s’yempre. Pero saka na iyon.

Si Rochelle o Ching ang sumunod na nag-asawa. May iba rin akong kuwento sa batang ito. Maski makulit kami ni Ching sa isa’t isa, iba ang friendship namin nito, iba ang lalim. Laging may iyakan. Laging may heart to heart talk. Ex-boyfriend niya si Jun-jun (drummer dati ng bandang Mojo Fly nun si Kitchie Nadal pa ang lead singer. Isa si Ching sa dahilan kung bakit ko binabalik-balikan ang Greenheights, napakarami kong fond memories sa kanya, kaso nasa America na siya ngayon, may asawa’t anak na siya. Mataray si Ching, pretty, Lasalista, matalino, kikay at baduy (hehe). Ochie ang palayaw niya sa St. Scho at La Salle, at sa ibang friends niya. Siya naman si Chinggay sa amin. Baduy o korni daw siya in a sense na napakahilig niya sa tagalog movies. Sa lahat ng sosyal at rich kid, eto ang nakabonding ko na manood ng mga old Aga movie at old Sharon movie. Noong bago siya umalis papuntang America ay tinawagan niya ako para sabihing pumunta ako sa party niya dahil baka hindi na kami magkita ulit. Grabe ang iyak ko noong unang umalis siya (hindi niya syempre alam iyon, hehe). Kasi wala na akong Ching na pupuntahan kapag gusto ko ng kausap at kakulitan during boring moments. Wala ng Ching na mangungulit sa akin sa bahay para sabihing “Glads, libre mo ‘ko!” o kaya’y “Glads, pautang!” Wahahahahaha. Pero talagang masaya ako sa nangyari sa buhay niya, she’s happilly married at may mansion na siya sa America. Wow!


Si Gina, hay si Gina, akala ko talaga ay hindi na mag-aasawa si Gina. Siya ang pantasya ng bayan, hehe. Halos ata lahat ng barkadang lalaki ay nagka-crush kay Gina. Ang iba ay nagtangkang lumigaw pero nabasted. First love siya ni Aris. Alam ko nga pati si Floyd eh (kaso deny to death ang batang ito), niligawan siya ni Gie na later on ay naging girlfriend si Chai (kapatid ni Gina), niligawan siya ni Vannie, ni Niel at ng kung sino-sino pa. Maganda si Gina, pero hindi siya basta maganda lang, saksakan ng bait at hinhin. Makulit rin kung minsan pero siya talaga ang tampulan ng tukso. Siya si “bangus, ginatan, etc” sa barkada namin. Kung wala si Gina sa lakad ng barkada, maraming tinatamad sumama, kaya dapat ay lagi siyang present. Nagkataon na ako ang pinakamalakas kay Gina. Kapag sinabi niyang “Ayoko Glads,” sasabihin ko, “Sige na Len, please?” Len o Lin-len ang tawag ko sa kanya dahil ang tunay na pangalan niya ay Ginalyn. Ayan, pag may please na ako, mapapa-hay naku na ‘yan, sabay pasok ng kwarto, at pag labas niya, aalis na kami na kasama siya hehe. Kamakailan lang ay nag-asawa na rin si Gina. Malapit na rin siyang maging mommy ngayon.



Si Chai o si Chit, o si Chit-chay na ang tunay na pangalan ay Charisse ay dalaga pa rin. Cum laude ito sa UST, Fine Arts major in Int. Design. Matalino ang batang ito. Saksakan ng taray pero pretty lalo sa picture. Magaling sumayaw at kumanta. Talentado ito. Nakilala ko at naging friendly friends ko ang mga UST friends niya esp. si Trish. Kami ni Chai ang unang mag-bestfriend sa barkada. Kung hindi sa aming dalawa, hindi lalaganap ang barkadahan sa grupo. Sumali siya sa volleyball team namin sa Phase 3 noong siya’y thirteen years old. Naging close kaming dalawa hanggang sa ipinakilala na niya sa akin ang buong angkan niya. Hehe. Mula noon ay naging tambay ako sa Morocco St., hanggang sa nakilala ko na sina Aris, Ching, Alhs, Donna, at si Arline. Hanggang sa nadagdagan ng nadagdagan ang numero ng barkada namin. Naging magkaibigan kami ni Chai noong hindi pa ako writer sa komiks. Si Chai ang nag-motivate sa akin na magsulat ng magsulat. Sa katunayan, magsulat lang ako ay ipinagtatype niya ako ng script araw-araw. Hanggang sa natuto na akong magtype sa type writer courtesy of Chai talaga dahil siya ang nagturo sa akin.


Sa lahat, ang magkapatid na Alhs at Donna ang madalas ko pa ring kasama sa mga gimik at lakaran magpahanggang ngayon. Pati na rin sina Gie at Les. Kaming lima ang natitirang “friendship” na consistent na nagkakasama-sama at nagba-bonding. Sa bahay man nina Alhs, sa bahay ko, sa bahay nina Gie at maging kina Les sa UP. Si Alhs, manager dati ng Greenwich pero ngayon ay nasa isang sikat na resto na, si Donna, Makati gurl pa rin at si Gie, druglord pa rin sa Mercury drugstore (just kidding). Si Les, super dictionarian ang tawag ko d’yan at ako, eto... isang naghihikahos na writer pa rin.







Sa tuwing naalala ko ang mga kaibigan ko sa Greenheights, natutuwa akong alalahanin ang lahat. Marami kasing masayang memories, mga pinagsamahan at kasiyahang tila walang katapusan, mga pag-ibig at mga pangarap. Mga awayan, tampuhan, selosan, at totoong pagkakaibigan. Karamihan sa barkada ko sa Greenheights ay successful sa kani-kanilang piniling career. Walang puwedeng ikahiya. Walang puwedeng itapon. Hindi man nila ako naging guro sa paaralan, naging guro naman nila ako sa maraming bagay at maraming pagkakataon. Hindi man nila ako tinawag na ate o mam, tinawag naman nila akong Glads o direk. At higit sa lahat, nagkasama-sama kami sa isang panahong masaya at punong puno ng sigla at buhay, sa panahon ng kanilang kabataan, sa panahon ng kanilang paglaki.

May kanya-kanya na kaming buhay, may iba’t iba na kaming prioridad at pinagkakaabalahan, maminsang nagre-reunion kami pag may birthday, pag may nagbabalik-bayan, pag Pasko o Bagong Taon, pag may ikakasal at pag may aalis.

Hanggang ngayon ay naalala ko ang dati naming sumpaan, “katuwaang sumpaan”, pag matatanda na raw kaming lahat, pupunta pa rin kaming Antipolo, kasama ang mga anak at apo ng bawat isa sa amin, at si Gina, hehe... siya raw ang tagapag-alaga ng lahat ng aming mga anak at apo. Kaso, hindi tumandang dalaga si Gina eh gaya ng panunukso ng lahat sa kanya noon. At eto, soon to be mommy na ang drama ng ate Gina namin.

Anu’t anuman ang nangyari o mangyari, lumipas man ang panahon, magkahiwa-hiwalay man kami ng landasin sa mga susunod pang mga araw, naniniwala ako, pasasan ba’t mangyayari at darating ang araw na nasa Antipolo kaming lahat at masayang pinagkakatuwaan na naman si Gina, habang pinag-aalaga siya ng mga anak-anak o apo ng bawat isa sa amin. Ay hindi pala, habang ipinag-aalaga pala namin siya ng anak niya, hehe. Alam naming pipila kami ulit sa last full show sa panibagong version ng pelikulang Titanic at sa pagkakataong iyon, siguradong discounted na kami pati sa pagkain namin sa mga resto dahil sa aming mga senior citizen’s card, haha. Magkakasama pa rin kami sa simbang gabi, sa mga Pasko at Bagong taon, sa mga birthday at reunion. Naniniwala ako na kumpleto pa kami sa panahong iyon.

Umaasa ako na kumpleto pa kami.

***

11 comments:

leslienavarro said...

waaaah nakakamiss naman ang mga panahong iyon. though medyo last part na ako nakasama pero halos kumpleto pa rin naman noong time na yon. naranasan ko rin tumambay sa terrace nina gina though sandali lang kasi kapag magsisimula nang magdilim nagpapanic na ang lahat kasi kailangan na nila ako ihatid sa bahay namin. dahil hindi ako pwedeng abutan ng gabi sa labas...ang joke nila sa akin ay nagbabagong anyo raw ako sa gabi kaya kailangan na umuwi.payat pa ako noon hehe, i was 17 years old nang makilala ko silang lahat (well, almost). si alhs, donski, floyd at gie ang laging present tuwing bday ko. there was a time noong up days, dami namin everyday magkakasama hanggang gabi, hanggang madaling araw, the following day, at sa sumunod at sumunod pang mga araw.hehe.mapa-bar, bahay nina gie...weeeeeh kulang nalang magkapalit palit kami ng mukha. hahahaha. haaaaaaissss those were the days...

sa bday ni donski sa july 17 este 19 ang celeb...magkikita kita ulit kami...

Anonymous said...

Oisst, maganda itong si gina saka si arline. Anong email ad pala niya? Pakisabi di bagay sa kanila magpakatandang dalaga kasi papangit sila talaga.Payuhan mo naman sila.

gladi said...
This comment has been removed by the author.
gladi said...

gina and arline are both happily married. si arline ay may two beautiful kids na and si gina ay magiging mommy na rin.

Dennis Villegas said...

I enjoyed reading your reminiscences of the good old days with your barkada. Isang magandang tribute ito sa inyong maraming pinagsamahan, at ito na rin ang magsisilbing gabay para muling balikan ang nakaraang barkadahan..

gladi said...

hello dennis,

good to hear from you? so how's your komiks museum? pwede na ba itong dalawin? hehe.

well, nakakatuwa talagang alalahanin ang good old days. parang maraming makaka-relate dahil halos lahat ay may masayang nakaraan.

glady

Anonymous said...

o ayan gladiola nagpromise ako sa yong babasahin ko to kaya eto. hehehe! :)

namimiss ko na rin yung kulitan natin. may atraso ka pa rin kasi di ka nagpunta nung wedding ko at ngayon bigla kang nag-disappear nung sabado ng gabi. che!

sa susunod na magkita tayo kelangan pakainin mo ko sa labas. kundi, di na kita papansinin. mwahahaha!!!!

gladi said...

hi ching,

kalimutan mo na ang mga atraso ko sa'yo, promise, dadalo na ako pag ikinasal ka ulit. wahahaha. joke. baka magalit sa akin si virg. saka alam mo ba na noong sunday eh hinahanap kita kay chai kasi nga gusto kita ulit puntahan para yayain na mag-coffee tayo kina che-che kasi hindi tayo masyado nakapag-usap noong wake ni jun-jun saka nauna na nga akong umalis noong sabado. kaso sabi ni chai, wala daw tao senyo. nagpunta ka pala kina pang?

sige, basta uwi ka next year ha? gusto ko magkita tayo ulit para kung ako naman ang aalis eh magkita naman muna tayo. promise din, dadalawin kita d'yan once na natuloy ako.

sige, til then.

ay nga pala, gusto ko sana i-post sa blog iyong story mo na isinulat ko sa komiks noon. remember? ok lang ba sa'yo?

gingmaganda said...

ngayon ko lang ata nakita ang mukha ni floyd.

at...

payat ka pa nun. hehe.

hi les, tagal na kita di nakita. ayaw mo ata ako makita!

Unknown said...

Miss ko na si Arline... sana makapag kita tayo minsan :)

Miss na rin kita Glady... hahahaha... talaga namang may kanya-kanya na tayong buhay :)

- Navette
0915-6069006

gladi said...

hi navette,

sure, meet tayo minsan. nagkikita naman kami ni arline with friends paminsan-minsan.

miss ko na rin kayo. regards sa lahat ng mga friends natin na hindi ko na nakikita.

till next time friend.