Wednesday, June 25, 2008

SOULMATE

Naniniwala ka ba sa soulmate?

Siguro totoo. Puwede ring hindi. Depende sa pagtingin at paniniwala ng tao. Sa iba, ang soulmate eh yung lovers, o yung mag-asawa, basta yung may romantic feelings. Sa kaso ko ay iba, in this life, naniniwala akong natagpuan ko ang aking soulmate sa katauhan ng isang matalik na kaibigan.

During my younger years, I've met someone na maski ako ay hindi ko lubusang mapaniwalaan na malayo ang mararating ng aming pinagsamahan. She is Sonja Barbara de Lima Munoz. She's 45 years old then and I'm 18. Halos mag-ina ang aming age gap. Kaedaran ko nga ang panganay niyang anak na si Bembet. Halos magpang-abot kami ng isip ng binatilyo niyang si Miko, at gayundin si Chico na bunso niya. Pero si Son ang gusto kong kaibigan, walang iba.


Sa likod ng CCP, kami ata ang orig na nagpauso ng tiangge, hehe. Sa stall na ito, mga design ni Son ang produkto na ibinebenta.

Kaklase ko siya ng directing at production design under kay Rolando Tinio noong nag-aral ako ng theater arts sa MET (Metropolitan Theater). First day ng school ay natawag agad ang pansin ko. Nakaupo siya sa isang tabi, laging naka-smile, mabait ang mukha. Nakita ko siyang pumasok sa comfort room during breaktime. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para sundan siya doon at lapitan. Nakipagkilala ako sa kanya. After ng konti naming chit-chat, sumama na ako sa kanya sa Dunkin Donut para magkape. Kinabukasan din ng umaga, alas siyete ng umaga, kumakatok na ako sa pintuan ng bahay nila. Hehe. And the rest is history.

Araw-araw na kaming magkasama. Kung saan saang lakaran niya ako isinasama. Kung kani-kanino niya akong kaibigan ipinakilala. Ganun din siya sa akin. Kung paanong nakilala ko ang buong pamilya't angkan niya, ganoon din siya sa akin. Nakilala ko ang mga kapatid niya, ang mga anak, ang mga apo, ang mga kaibigan, ang mga boyfriends at nais maging boyfriends. Hehe. Naging bahagi siya ng pamilya namin. Dalawang kasal ng kapatid ko na siya ang nagdesign ng wedding gown. Lahat ng play ko halos ay siya ang production designer, kung hindi man, siya pa rin ang adviser ko. Siya ang impluwensiya ko sa maraming bagay lalo na pagbabasa ng mga libro ni Edgar Cayce. Napakarami niyang itinuro sa aking mga bagay na hindi alam ng isang taong wala pang direksiyon sa buhay na tulad ko. Hanggang isang araw, sinabi ko sa kanya na balang araw ay may mararating ako bilang manunulat gayung hindi ko alam kung totoong marunong akong magsulat. Sabi niya, naniniwala siya sa akin. Sabi ko pa nga yayaman ako sa pagsusulat (hehe) though hindi pa iyon nagkakatotoo. Sinabi ko iyon sa kanya na ang laman lang ata ng pitaka ko ay limang piso, pamasahe ko lang pauwi. Ganun kalakas ang fighting spirit ko, ganun din kalakas ang fighting spirit niya para sa akin. Hehe. Pero anu't anuman ang nangyari sa buhay ko, mula teatro, komiks, tv, UP, etc, lagi siyang nandiyan. Hindi siya nawawala sa tabi ko.


Pareho pa kaming naka tuck-in. Hehe.

Son is a very talented person. An artist, a designer, a writer. Nakapag-one woman show na siya sa Manila Hotel sa kanyang mga painting. Ako ang number one fan niya. Hindi lang dahil sa magaling siyang writer at artist, kundi magaling siyang tao. Mabuti siyang ina, mabuti siyang kaibigan.


Galit siguro sa akin ang kumuha ng pix kaya kalahati lang ako, hehe.

Dahil sa marami naming pinagdaanang problema na magkasama kami, dahil sa mga nakakatuwang karanasang hindi naming makalimutan, dahil sa mga pagkakataong ibinigay sa amin para patunayan ang aming friendship, sabi namin sa isa't isa, siguro soulmate kami. Kasi hindi pangkaraniwan na maging matalik na magkaibigan at maging magka wave length ang dalawang taong magkaiba ang henerasyon. Enjoy ako sa mga kuwento niya tungkol sa kanyang nakaraan. Ewan, pero napipiktyur sa isipan ko ang mga kuwento niya sa akin. Nakatatak ang bawat detalye. At maski ang lugar na hindi ko napupuntahan ay tila detalyadong nakalarawan sa aking diwa't isipan. Basta pakiramdam ko ay napuntahan ko na ang mga napuntahan niya. Parang naroon ako sa mga pinagdaanan niya. Parang saksi ako sa mga pangyayaring ikinukuwento niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit may ganoon akong pakiramdam. Sa kanya lang naman. Maski ipaulit-ulit sa akin ng maski na sinong tao ang kuwento ng buhay ni Son ay kaya kong ikuwento. Mula pagkabata niya, hanggang pagdadalaga, ang pag-aartista (nag-artista siya noong 60's pero sandali lang), hanggang pag-aasawa, detalyado ang mga kuwentong ito sa isipan ko. Hindi ko nakakalimutan ang mga kuwento niya sa akin tungkol sa nakaraan niya.

At maging siya rin naman, anuman ang pinagdaanan ko'y nasaksihan din niya. Nakita niya ang bawat iyak ko, narinig niya ang bawat hagulhol ko, naramdaman niya ang mga sakit at sugat ng puso ko. Maraming pagkakataon na tinulungan niya akong mapaghilom ang mga sugat na iyon. Saksi siya sa mga pangarap na binuo at unti unti kong tinupad. Saksi siya sa mga kabiguan ko at sa mga pagtatangka kong makabangon. Walang sawa din siyang nakinig sa mga kuwento ng buhay ko. Kung ano ako ngayon, kung paano ako mag-isip, kung paano ako magsulat, kung paano ako magmahal, alam kong hinugot ko ang mga ito sa buhay at karanasang kasama siya.

Nitong nakaraang mga taon ay hindi kami masyadong nagkikita at nagkakausap ni Son. Naging abala ako sa maraming bagay. Wala pang isang linggo nang maalala kong tawagan siya sa telepono, mahigit tatlong taon na ata kaming hindi nagkikitang dalawa. Maminsang dalawin ko siya sa bahay, makipagkita sa kanya, o kaya'y tawagan. Ganoon na lang ang komunikasyon naming dalawa nitong mga huling araw. Pero walang nagbabago sa tono ng boses namin, sa paraan ng pag-uusap namin, sa mga biruan namin, sa mga patutsadang kami lang ang nagkakaunawaang dalawa.

Kaninang tanghali, naalala ko na naman siyang tawagan. Eto ang aming naging pag-uusap.

Sinagot niya ang telepono, "Hello."
Ako: O Son, aalis ka ba?
Hindi ako nagpakilala sa kanya, pero alam niyang ako ang kausap niya, alam ko ring siya ang nakasagot ng phone.
Siya: Ay teka, oo.
Ako: San ka punta?
Siya: Bakit?
Ako: Puntahan sana kita.
Siya: Aalis ako, may dinner kami mam'ya.
Ako: Ganun?
Siya: Teka, nabuksan mo na ba ang e-mail mo?
Ako: Alin? Bakit nag-email ka na ba sa akin?
Siya: Hindi nga eh. Pero...
Ako: Bakit nabasa mo na ang blog ko?
Siya: Oo, yun nga, sumulat nga ako sayo dun kaya lang... ano eh... teka, hindi ata nagsend.
Ako: Ay bakit sayang? Nakita mo na ang bahay ko?
Siya: Oo, sabi ko nga sayo dun kelan mo ako dadalhin sa bahay mo? Kaso nag-hang na eh.
Ako: Ngayon, kaya nga kita tinawagan eh. Pupuntahan ka sana namin ni Les. Dito ka matulog sa bahay ko. Kaso may dinner ka naman. Teka, bakit ka ba may dinner?
Siya: Bakit ka ba tumawag?
Ako: Ayun nga, gusto nga kitang makita.
Siya: Namimiss mo na ako 'no?
Ako: Oo, namimiss na kita. Kaya nga pupuntahan na kita eh.
Siya: Akala ko pa naman may importante kang sasabihin sa akin.
Ako: Yun nga, hindi ba importante yun? Gusto nga kitang puntahan. Ano ka ba naman?
Siya: Hindi 'yun. Wala ka man lang sasabihin? Wala ka bang naalala?

Ayun na. Tumawa na ako ng malakas. "Happy birthday!!! Birthday mo nga pala!!! Teka, bakit nga ba? Teka, bigla ko na nga lang naalalang tawagan ka. Tapos inisip ko nga na sunduin ka para dalhin kita dito. Ay grabe soulmate talaga kita."
Tumawa rin siya.

So nagkasundo kami na bukas na lang ang date naming dalawa para sa kanyang birthday. Susunduin ko siya para dito siya sa bahay ko magstay at matulog. Dahil hinahanap na rin siya ni nanay at ng mga kapatid ko. Saka malalaki na sina Pupu, gusto rin siyang makita. Sabi pa niya, "Oo nga, gusto ko ring makita si Len". Nanay ko si Len, hehe. Leni kasi si mother. Iyon ang tawag niya kay nanay.


Sina Son at Len, kasama sina Arline, Apa at Rona.

Tapos tumawag ulit ako. "May picture ka ba sa e-mail mo? Forward mo naman sa akin kasi gagawa ako ng article ko sa blog tungkol sa iyo.
Na-excite siya. "Uy talaga? May picture ako sa friendster."
"May friendster ka?"
"Oo naman, anong palagay mo sa akin?"
"Anong address mo?"
"Ay hindi ko alam."
Tumawa ako ng malakas. "Ano ka ba? May friendster ka hindi mo alam ang address?"
"E kasi si ano ang nagbubukas lang... ano eh..." Si ano, apo ata niya yun.
"O eh paano ko makukuha ang friendster account mo? A siguro sa email no?"
"Oo nga siguro, kasi bakit si ano, natitingnan niya ang friendster ko pero hindi ko naman ibinibigay yun address. Naisip ko, puwede siguro makita iyon kahit na sino."
Oo nga naman sa loob-loob ko, kaso nagtuut na ang phone ko. Naubos na ang load kaya hindi ko na siya natawagan ulit.

Eto ang bumulaga sa friendster niya, hehe.

Si Son noong kapanahunan niya.

Ganyan kami mag-usap. Parang walang kwenta. Parang napakaordinaryo. Parang kwentong barbero lang namin ang mga pinagdaanan naming magkaibigan. Parang hindi totoong may isang taong gaya niya na konektado sa buong pagkatao ko. Dahil ang importansiya niya sa akin, ang halaga niya sa buhay ko ay hindi basta hanggang kuwento lang o isang kuwento lang.

Sa puso ko, sa isipan ko, sa pagkatao ko, karugtong ng buong ako ang mga pinagsamahan namin. She's my bestfriend, my soulmate, she's within me and i'm within her. At alam kong ang friendship namin na ito ay kapwa namin babaunin saan man kami magpunta. Naniniwala nga kaming magkikita at magkakasama pa kami 'til next life eh. Hehe.

May kanta ako sa kanya noon at kanta ko pa rin ito sa kanya magpahanggang ngayon. Eto 'yun...

If I have only one friend left, i want it to be you...

Love you Son, happy __th birthday, hehe.

17 comments:

gingmaganda said...

glads...glads...glads...

payat ka dati!

gladi said...

wahahahahaha!!!

oo namen!

gingmaganda said...

ang galeng noh? gwahaha

gladi said...

ganda talaga ng bangs mo ging, inggit ako, hehehe.

leslienavarro said...

naks! ganda ng bangs ni ging, ganda ng tuck-in ni glad, ganda ng pic ni son noong kapanahunan niya, magkakapanahon ba kayo? sali naman ako...tsk...tsk. teka hahanap din ako ng pic ko...ayw ko mapag-iwanan ng panahon...teka "Golden Era of Fashion" ba ito? wahahaha.

gladi said...

teka les, hanapin ko un pix mo nung rocker ka pa at nang maipost sa blog na ito. ibang era ka nga lang. "Golden Rock Era" nina Pepe Smith. hehe.

Wordsmith said...

O, akala ko ba, ipo-post mo iyong picture ni Les as a rocker?

We're waiting for it with bated breath. (LOL)

Alam mo ba, when you said you were slim before, I didn't realize you were actualy willowy! (smile)

Now, seriously, with every new post in your blog, a more mature intellectual and a deeply spiritual person emerges.

Ganyan ka pala kalalim, at lalo akong natutuwa na naging kaibigan mo.

gladi said...

wordsmith77

hi!

may the force be with you, ahaha.

sige, hanapin ko nga 'yung pic na yun ni les. pero sana hindi niya ako mabatukan. hehe.

ano pala ang e-mail add mo sa yahoo at ng mai-add kita sa ym?

Anonymous said...

hi glady,
sa wakas napasok ko na blog spot ko. ang galing ko ano? pray ko lang sa susunod makita ko uli.nakapost na ako ng 2 poems pa lang kasi sa kakapindot ko ng kung anu-ano - sa computer siyempre - biglang bumulaga ang blog site ko. dahil sa kabagalan kong mag type inabot na ko ng madaling araw.
anyway nabasa ko na ang isinulat mo. nakakapagod na `to. pangatlo na `to, ah.masyado mo naman yatang sinobrahan ng icing ask ko tuloy, ako nga ba `yun? but i`m happy naman na naappreciate mo mga nai-share ko sa `yo.
naala-ala mo pa ba na sabi ko noon ang mga taong dumadating sa buhay natin ay dahil sa need na sa atin mapupunuan? kaya after ilang years na wala tayong balitaan naisip ko na napunuan na ang pangangailangan natin. kaya ng tumawag ka naisip ko ok pa pala tayo.at sa birthday ko pa nataon which obviously di mo alam.palagay ko nga soulmates tayo. nkakalungkot lang isipin kung bakit naman sa iba lover nila ang soulmate.bakit ako, ikaw? joke lang. enjoy naman ako sa ating pagkakaibigan.we draw our inspiration from each other and i am grateful for that.
bago tayo nagkita uli, as i told you, i was in a rut. pr=ara bang ang papel ko sa buhay ay maging nanay, yaya, cook na lang. di na naalog ang utak ko. parang permanently na lang na nakapreno.nang magkausap tayo, ok na lahat,umaandar na ko uli.
salamat at nakapunta ako sa inyo.i enjoyed seeing your family again and feel the warmth of their aceptance. na miss ko yun. you have such a wonderful family and i am glad na ang pagtanggap nila sa akin ay para din akong isang kamilya.ar siyempre pa di puwedeng mawala si les na matiyagang nagturo para makarating ito sa inyo and of course, yong masarap na niluto niyang sinigang.thanks a lot les.
welcome back to my world, my friend.love you.sonja

gladi said...

hehe, parang naiiyak ako dun. kung bakit nga ba sa halip na lover eh tayo ang soulmate, wahahahaha!!!

ang pangangailan natin sa isa't isa bilang magkaibigan ay hindi sa materyal na bagay o mga physical needs na gaya ng naibabahagi ng mundo sa atin. lagpas ito doon.

maski naman hindi tayo nagkikita o nagkakausap, our friendship will remain in my heart, in my soul. kaya nga soulmate eh, hehe.

lam mo namimiss ka ng pamilya ko, lahat naman sila ay itinuturing kang bahagi ng pamilya namin, ng buhay namin. wala nga ata akong kaibigan na puwedeng maipantay sayo sa paningin nilang lahat, swear, promise, sabi nga pala ni rona noong malaman na nagpunta ka dito sa san mateo, uy long time no see ah. meaning, talagang hindi ka nila nakakalimutan. pati ang mga batang pamangkin ko ay na-excite na makilala ka dahil syempre sa mga narinig nilang kuwento tungkol sa'yo.

at higit sa lahat, para malaman mo, si maimai ay ginaya ka na agad sa pagsusuot ng pulseras. at ang tanong sa mommy niya, "mommy sosyal ba siya?" wahahahahaha!!!!

natutuwa akong nakabalik ako sa mundo mo pero mas natutuwa akong nakabalik ka sa mundo ko.

love you too, mwah!!!

Wordsmith said...

Hello again.

Quite obviously, my other comment didn't make it so I will try to clue you in on who I am. Child's play, really. (LOL)

You have my number in your mobile's phonebook; and I have yours, and Leslie's, in mine.

Just think of the goose...

And may the Force be with you as well. (LOL)

gladi said...

hello wordsmith 77,

hmnnnnn.... let me guess...

mag-coffee kaya tayo sa starbucks? o kaya ahhmmm, gusto mo ng cakes? or something sweet? ah, may spinach something dito sa may SBARRO, baka type mo?

hay, ang hirap namang hulaan...

calling calling tita opie, may nawawalang itlog at nagpapanggap na goose!!! wahahahaha!!!


aha!!!

pag nasa Canada na ako, well see each other somewhere in Ireland?

leslienavarro said...

waw! thanks din at nasarapan ka sa niluto kong sinigang. actually, hindi talaga ako nagluluto. taga-kain lang ako. peyborit ko yang sinigang. lagi ko nirerekwest kay glady na magluto.kaso sa laging paulit-ulit na sinigang ang ulam, nagsawa na atang magluto.Wais. Ang ginawa tinuruan akong magluto ng sinigang. and the rest is history.hindi na siya nagluto kahit kailan...hmph..tsk.tsk. but the funny thing is hindi ko pa rin makuha ang timpla ng masarap niyang sinigang.

gladi said...

hahahaha!!!

usapang maasim na ito!

Oi wendy, sana sinabi mo rin na tinuruan kita magluto ng spaghetti, esp. yun tuna spaghetti, saka fried rice, siomai, tinuruan din kitang gumawa ng tiramisu mocha flavor at netong huling araw eh tinuruan kitang magbinagoongan at gumawa ng chili and garlic sauce.

dapat nga bayaran mo pa ako eh kasi ako si shef glady hindi shet glady ha? bwahahahahaha!!!

saka sino me sabi sayo na hindi na ako nagluluto ng sinigang? loko ka, nambibintang ka ha?

kakasawa na lang kasi parang iyon lang kilala mo pagkain 'no? ang tao hindi lang sa sinigang nabubuhay, sa tinola rin. hehe.

leslienavarro said...

nga pala, kilala ko ang nawawalang itlog, nasa pampangga lang, bwahahahaha!!!

Wordsmith said...

See, I told you -- it's child's play!

But I do miss you, guys. Kelan uli tayo magmi-meet sa Starbucks or sa Sbarro? Puwede rin sa Chow King!

Sana tuloy ang painting exhibit sa UP, this month yata, ng isa pa nating best friend. Then we can all meet there, di ba?

MAY THE FORCE BE WITH US -- 7 tayong lahat, remember!

gladi said...

wordsmith 77,

nanganak na ang goose at naging pito na ang "golden eggs" wahahahaha. dapat talaga magkita-kita na ang magkakapatid na ito.

basta anytime naman ay nandito lang ako. nakatitig sa kawalan at naghihintay ng patak ng ulan, naks. hehe.

balitaan mo ako about painting exhibit ni tessa ha? magkikita-kita tayo for sure then we will have a happy reunion! sa bahay kubo ko. hakhak.


MAY THE FORCE BE WITH ALL!!!