Saturday, June 14, 2008
TAMBUTSO
Sabi ng mekaniko na gumawa ng kotse ko, wala raw bang dagdag o tip ang bayad ko sa kanya? Sagot ko, manong pwede ko ho bang i-test drive muna bago kayo humingi ng dagdag? Nagpapaalala lang daw siya. Natawa ako na nainis. First time niya akong maging costumer. First time ko rin sa kanya magpagawa. Dahil lumipat nga ako ng bahay dito sa San Mateo, naghanap ako ng mekaniko o pagawaan na malapit lang sa bahay ko. Para hindi ako masyadong mahihirapan. Puwede muna ako sumaglit ng bahay kung gusto ko. Puwede akong magpahinga. Puwede rin akong magpabalik-balik. Less inip at pagod.
Nagtest drive na ako, wala pang ilang metro na tumatakbo ang kotse ko ay umusok nang pagkakapal-kapal ang tambutso. Noon ko lang na-experience sa tanang buhay ko, ang ganoong pagkakapal-kapal na usok. Kulang na lang talaga ay posporo at tila sasabog na pati ako. Biniro ko pa si manong, pwede pala itong kotse ko sa fumigation eh. Natawa pa siya sa joke ko. Sabay kamot ng ulo at hindi alam kung paano ang gagawin para i-trouble shoot ang kotse ko.
Nagduda ako kung nagpagawa ako o kung nagpasira. Ang ginawa ay change oil, tuneup, at nagpalit lang ng ilang parts tulad ng water pump, bossing, valve at sparkplug. Hindi naman ibinaba ang makina ng kotse ko at hindi ito nangangailangan ng break-in. Sabi pa eh, over heat daw agad. Ang lakas ng tawa ko, manong, me overheat bang nahahawakan ko ang makina at ni hindi kumukulo ang tubig sa radiator. Sabi niya, oo nga ‘no? Sabay tawa.
Iniwan ko ang kotse para gawin niya ulit. How frustrating. Result oriented kasi akong tao. Hindi baleng gumastos, basta nagawa ang kailangang magawa. Mahaba naman ang pisi ko kung pasensiya ang pag-uusapan. Minsan lang talaga, may mga pagkakataong napipikon ako kapag ang taong kaharap ko ay masyadong after sa pera.
***
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment