Saturday, March 12, 2016

Ang apat na taong tanong

Gusto nyang dayain ang oras,
Gusto nyang ilagay sa four o clock,
Utos nya sa akin kung pwede daw,
Ikutin namin ang kamay ng orasan.

Isa lang ang sagot ko,
Sa kanyang katabilan,
Hindi pwedeng dayain,
Hindi pwedeng palitan.

Kaya maglaro ka lang.
Darating at aalis ang bawat segundo,
Lilipas ang araw,
At bukas, may alas kwatro na naman.

Friday, March 11, 2016

Paano Sumulat ng Dagli at Dagling "WALLET"


Paano sumulat ng dagli?

Ang dagli ay isang maikling maikling kwento. Pwedeng kalahating pahina  lang o hindi hihigit sa isang pahina. Kung may sobra ay ok lang, pwedeng i-edit para mas paiksiin, para mas malakas ang impact.  Malaking challenge kasi pagtitipid ito ng mga salita sa isang kwentong buhay na may tauhan, milyu, dialogue, conflict at sub conflict, may plot at sub plot at higit sa lahat may statement. May sinabi dahil may nangyari. May dulo dahil may simula. Kahit cliff hanging pa ang ending, isa itong fill in gaps para dugtungan ng readers. Pwedeng makialam, pwedeng buuin ang kwento ng naayon sa gusto nya o pwede ding wasakin-- para buuing muli. Dahil limitado ito salita, pagtitipid ang isang teknik dito, pero hindi pagtitipid ng buhay na nakapaloob sa kwento.

Pwede nating simulan ang dagli sa isang keywords lang. Gaya ng salitang "closure." Marami ng kwentong nasabi tungkol dito. Maikling kwento man o nobela o maging pelikula pa nga. Pero hibdi naman nauubos ang pwedeng sabihin tungkol sa salitang closure. So pag sinabing closure, kwentong pag-ibig lang ba ito? Hindi naman. Pwede ito sa kahit na anong may bagay na may kinalaman ang salitang unfinished business. Halimbawa isang lalaking nagbalik sa riles ng tren na may dalang walllet. Ang wallet ay kahulugan ng buhay nya. Ang gusto kong statement sa kwentong ito ay kung paano ang wallet na sira  sira ang magiging dahilan paano nya  lalagyan ng closure ang kanyang buhay. Ang wallet ang natitirang nag-uugnay sa kanyang ama dahil iyon ang tanging naiwang alaala nito,  kasama sa wallet ang mga lumang larawan. May tauhan na,   may milyu, may plot at sub-plot, may conflict at sub-conflict, at higit sa lahat may gusto ng sabihin. Ang materyal na koneksiyon ng tao sa kanyang sarili at sa iba.

Ganito ko isusulat ang dagli.


"WALLET"

Sa riles ng tren na ito babalikan ko ang lahat. Isang gabi dinala ako dito ni tatay, sabi nya "eto ang tiket intoy, sumakay ka na patungong bicol. Puntahan mo'ng nanay mo." Sa pagitan ng pag-ubo at paghihit ng sigarilyo, pinagmamasdan ko ang may katandaan na nyang mukha. Sabi, tumanda sa init ng araw at sa pagpupukpok ng mga kinukumpuning bahay. "Eto wallet ko, yan lang mapapamana ko sayo. Hindi na siguro tayo magkikita pagkatapos ng gabing ito. Ingatan mo na lang, intoy."

Marami pang sinabi si tatay pero maingay na ang paparating na tren kaya't buka na lang ng bibig ang nakita ko, na may kasamang pag-ubo. At laway na kulay dugo sa bawat pagdahak niya.
Hindi ko na nakita si tatay mula noon. Tumira ako kay nanay kasama ang bago nyang asawa at dalawa kong kapatid sa ina.  Sampung taon ang lumipas at nagbalik ako sa lugar kung saan ko huling nakita si tatay. Sa sulok ng puso ko'y umaasa akong naroon pa din sya, nag-aabang, naghihintay, umaasa sa aking pagbabalik.

Hawak ko ang wallet ni tatay. Sa loob ng mahabang panahon, hindi ko iyon binuksan minsan man. Itinago ko yun na parang itinatagong alaala. Hindi ko nagawang silipin o tingnan man lang ang laman. Noon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na buksan. Isang lumang larawan, namin ni tatay. Napahikbi ako sa unang silip pa lang. Tinatagan ko ang loob ko. Nakita ko ang ilang dadaanin, may singkuwenta, may limang pisong papel pa nga. May kalakip na payslip na naroon ang date at halaga.
Sa likod ay may nakasulat, "huling sweldo ko na, anak."

Hindi ko maunawaan kung bakit ako ibinigay ni tatay kay nanay. Masaya naman kaming dalawa lang na namumuhay, kahit sa gitna ng kahirapan. Kaya kahit pagkaraan ng ilang araw ay may bali-balitang may tumalon daw sa riles ng tren ng huling magkasama kami ni tatay, parang wala sa loob ko ang balita. Hindi ko pinansin, hindi ko ininda. Kahit may isang gabing nakita ko si nanay na umiiyak at may hawak na dyaryo. Niyakap lang nya ako ng mahigpit, lumuluha sya habang blangkado ang mukha ko. Ayokong marinig ang kahit anong sasabihin nya. Ayokong malaman ang laman ng dyaryo. Dahil ayokong malaman ang totoo. Tinalikuran ko lang si nanay na parang walang nangyari.

Sampung taon, noon lang ako nagkalakas ng loob na harapin ang lahat. Noon lang ako umiyak, nagpalahaw at sumigaw. Noon ko lang hinarap ang katotohanang itinatago sa akin ni tatay, may sakit sya. Malalang sakit na sa musmos kong isip ay alam kong wala ng lunas. Inilihim ni tatay. Akala niya'y nailihim nya.

Habang umaalingawngaw ang boses ko sa abandonadong lugar na iyon  istasyong ng tren. Nakikita ko sa aking diwa ang aking ama at rumaragasang tren na sumalpok sa kanyang kaluluwa.

Wednesday, March 9, 2016

COC

atak ng atak sa gyera,
Para manalo

Luto  ng luto ng sundalo,
Pati dragon inaadobo.

Kung ang barbarian ang nasa kongreso,
Ang  archer ang nasa senado,
Ang dragon ang bantay sa preso,
Ang wizzard, giant at hogs sa presinto.

Ang reyna't hari ay sa malakanyang,
At bantay sa kaban ng bayan.

Ano pang silbi ng pulitiko,
Kundi mamulot ng piso-piso.
"TUSOK"

Sino bang may ayaw sa fishball?

Pagsawsaw mo, sawsaw din ng iba,
Kaya malasa.

Maski bawal pa sa iba.

Kahit pwede kang magkasakit,
O makasakit.

Masarap eh,
Masakit lang sa huli.

"MAY PARA NAMAN!"

Kung sasakay ka ng dyip,
Matuto kang pumara.

Para pag baba mo,
Alam kong maglalakad ka ng palayo.
Dahil ayaw mo ng umupo,
Sa tabi ko.

Wag kang tumakas,
May pamasahe pa naman ako.

Tuesday, March 8, 2016

my bulate spotmind is back!

Ang buhay ko dito sa canada ay simpleng rock. Trabaho bahay trabaho. Sixteen hours work, five hours sleep, 24/7 update sa internet, fb, facetime, twitter, email, chat, messages.

Iyon ang kabuuan. Pero hindi ang kahulugan.
Dahil maraming prosesong pinagdadaanan. Sa isip ko, sa puso ko, sa buong pagkatao ko. Kahit ano pang gawin ko, it end up that i'm writing.

I'm writing the story of my own.

At paano ko ba nagagawang isulat ang sarili kong kwento? Wala akong diary, wala akong journal. May ipad man ako o may blog, hindi pa din naman letra ang totoong hulmahan nito.

I'm writing my own story through my experiences. Sa bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon, bawat nagdadaang panahon, ay isang karanasang nagtatala sa kwento ng aking buhay.

Ang letra ay isa lamang taguan ko ng mga alaala. At kung nais kong alalahanin at balikan, ito'y mistulang  isang larawang binabasa ko ang bawat imahe, mga galaw at mga damdaming bagama't wala sa pisikal na anyo ay naroon at mayroon.

Noong Linggo, March 6 ay debut ng pamangkin kong si Maimai. Im not physically present dahil i'm thousand miles away. Pero ang mga pangyayari ay karasanang nakapaloob sa aking katauhan, at nararamdaman ng aking pinakapinong balat. Nandoon ang aking buong pamilya. Ang mga malalapit naming kaibigan, noon man at magpahanggang ngayon. Mga taong naging bahagi ng aking paglaki, sa pagbuo man o pagwasak-- at sa huli'y muling pagbuo. At kung mayroon akong gustong burahin na alaala isa man sa kanila, alisin alinman  sa mga ito, -- ito ay ang bawat oras ng aming pagkakalayo. Iyon lamang at wala ng iba. Gustong kong i-rewind ang sarili ko sa iba't ibang panahong nagdaan hindi para baguhin kundi para panoorin lang. Makita uli kung paano ako tumawa, umiyak, magalit, magwala, umalis at bumalik at manatili. Pero wala akong babaguhin maski isang kurot lamang ng tinapay. Wala akong rerepasuhin, ie-edit o iba-block. Dahil hindi ako magiging ako, pag may isang nawala, even a glitch. Hindi ako magiging manunulat ng sarili kong buhay kung may mabubura.

Gusto kong ikuwento ang buhay ko sa maraming pagkakataon. Hindi dahil mamamatay na ako o nais kong mag-iwan ng facebook legacy. Gusto kong ikuwento ito dahil gusto kong manatiling buhay ang aking sarili sa loob ng aking pagkatao. Pagkaraan ng apat na taong pagkakabaon sa buhay ng 24/7 virtual world, i want to rise again. I want to live again. I want to see my old self again. Yung may buhay na ako. Yung manunulat na ako. Yung ako.

This is my real world-- imahinasyong madulas, malikot at pumipiglas!
Welcome back my bulate spotmind.

Monday, March 7, 2016

Kung isusulat ko ang aking love story

Kung isusulat ko aking love story...

Pang facebook ang status nito.
Minsan It's too complicated.
Dahil may malupit na sikreto,
Na ayaw  sabihin kahit na kanino.

Pag maganda ang morning,
Status update agad.
Naka "In a new relationship" ang peg,
But only in your dreams lang sa KPOP.

I want to share my prenup video sa YouTube,
Since I changed my stat to Engaged.
but when I  clicked the upload,
Loading... loading...  until disconnected.

So I end up into an Open Relationship.
No strings attached at pwede kahit kanino.
May friends with benefits pa na fling-cling,
Pero ang ending ay wala namang closing.

Nakakapagod  that's why I ended sa Domestic,
Bugbog dito bugbog doon, so bugbugan pa more...
At ang partnership ko'y may nation tweet,
Trending 40 million all over the world.

Until I found the right one at  maging Married for once.
Kasal kasalan daw sa beach at honeymoon sa Maldives.
sa preparation pa lang ay feeling celeb at ta-artits.
Pero flop ang movie dahil napirata ang vids.

Gusto ko ng magkanta-sigaw ng YAHOO!
Wagas ang swerte ko sa mga netizen beau.
basher ko'y overload sa separated kong post.
ang masaklap nag group add na auto-Divorced.

Naniniwala ka na bang my life is full of twist?
That's why I put my last status as Single-ship,
happy, contented  and still lovely?
Alone, sometimes bitter... but for sure, not so lonely.

Hashtag# virtual love story ni  Glady.