Ang buhay ko dito sa canada ay simpleng rock. Trabaho bahay trabaho. Sixteen hours work, five hours sleep, 24/7 update sa internet, fb, facetime, twitter, email, chat, messages.
Iyon ang kabuuan. Pero hindi ang kahulugan.
Dahil maraming prosesong pinagdadaanan. Sa isip ko, sa puso ko, sa buong pagkatao ko. Kahit ano pang gawin ko, it end up that i'm writing.
I'm writing the story of my own.
At paano ko ba nagagawang isulat ang sarili kong kwento? Wala akong diary, wala akong journal. May ipad man ako o may blog, hindi pa din naman letra ang totoong hulmahan nito.
I'm writing my own story through my experiences. Sa bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon, bawat nagdadaang panahon, ay isang karanasang nagtatala sa kwento ng aking buhay.
Ang letra ay isa lamang taguan ko ng mga alaala. At kung nais kong alalahanin at balikan, ito'y mistulang isang larawang binabasa ko ang bawat imahe, mga galaw at mga damdaming bagama't wala sa pisikal na anyo ay naroon at mayroon.
Noong Linggo, March 6 ay debut ng pamangkin kong si Maimai. Im not physically present dahil i'm thousand miles away. Pero ang mga pangyayari ay karasanang nakapaloob sa aking katauhan, at nararamdaman ng aking pinakapinong balat. Nandoon ang aking buong pamilya. Ang mga malalapit naming kaibigan, noon man at magpahanggang ngayon. Mga taong naging bahagi ng aking paglaki, sa pagbuo man o pagwasak-- at sa huli'y muling pagbuo. At kung mayroon akong gustong burahin na alaala isa man sa kanila, alisin alinman sa mga ito, -- ito ay ang bawat oras ng aming pagkakalayo. Iyon lamang at wala ng iba. Gustong kong i-rewind ang sarili ko sa iba't ibang panahong nagdaan hindi para baguhin kundi para panoorin lang. Makita uli kung paano ako tumawa, umiyak, magalit, magwala, umalis at bumalik at manatili. Pero wala akong babaguhin maski isang kurot lamang ng tinapay. Wala akong rerepasuhin, ie-edit o iba-block. Dahil hindi ako magiging ako, pag may isang nawala, even a glitch. Hindi ako magiging manunulat ng sarili kong buhay kung may mabubura.
Gusto kong ikuwento ang buhay ko sa maraming pagkakataon. Hindi dahil mamamatay na ako o nais kong mag-iwan ng facebook legacy. Gusto kong ikuwento ito dahil gusto kong manatiling buhay ang aking sarili sa loob ng aking pagkatao. Pagkaraan ng apat na taong pagkakabaon sa buhay ng 24/7 virtual world, i want to rise again. I want to live again. I want to see my old self again. Yung may buhay na ako. Yung manunulat na ako. Yung ako.
This is my real world-- imahinasyong madulas, malikot at pumipiglas!
Welcome back my bulate spotmind.
Tuesday, March 8, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment