Tuesday, January 29, 2008

mula sa tambakan ng aking musmos na kamalayan

Laking gulat ko dahil sa kakalkal ko ng mga lumang kagamitan ay bigla na lamang tumambad sa aking paningin ang isang gula-gulanit na papel na may nakasulat na tula. Hindi ko na naaalala kung bakit ako sumulat ng ganitong klaseng tula noong teenager pa lamang ako. Ang inaasahan kong tulang dapat na kahuhumalingan ko ay tula ng pag-ibig. Ngunit ewan ko nga ba. Basta't ang naaalalala ko, may isang bahagi ng kamalayan ko ang nagpupumiglas noon at naghahangad na makawala sa bunton ng mga imbakan ng aking braincells. At eto ang isa sa mga unang nakapiglas. Isang tulang nakalaya mula sa nalilito at naguguluhimihang isip at pagkatao ng isang naghahanap na ako.

ANG MGA BANGKAY

karipasan sa pagtakbo...
at sa pag-uunahan

upang makatakas
mula sa ibinubugang armas

ang mainit na apoy
at usok ng kamatayan

sa tinimpla kong
kapeng matapang

doon nananaghoy
sa ibabaw ng tasang

may mga langgam
na unti-unting nangagsisilutang...

2 comments:

Anonymous said...

tita glady,
hayip! The Bulatespot, bago yun! iba yung dating! ah, tungkol nga pala dun sa article mu sa The Bulatespot Dyornal, well, as usual, ayos and maganda. inspiring kahit papaano, fight for it! para bang ganun ang message. kahit hindi mu nakamit ang gusto mong maging na hindi mo nakamit kahit gusto mong makamit ang hindi mo makamitkamit at baka hindi mo na makamit e proud ka paring sabihin ang iyong pangarap na matagal mo nang pinapangarap na pinangarap mu nang matagal. tama un. be proud of it. ako gusto kong maging writer at kung hindi man ako maging writer e ayos lang. marami pa namang ibang trabaho na matino at nararapat for me. sabi nga nang ilan e, libre lang mangarap.
luv u tita

from pupu

gladi said...

hi beh,

libre ba? haha.

sige, dahil libre naman eh di damihan mo na ang pangarap mo. imposible namang hindi matupad ang pangarap mo na maging writer, eh ngayon pa lang writer ka na, 'di ba?

oo, maraming bagay ang para sa iyo at naniniwala ako doon. kasi matalino kang bata. proud ako sa iyo kasi bukod sa guwapo ka na, matalino ka pa, saka napakabait mong bata kahit minsan ay may sumpong ka hehe. ang isa sa pinakagusto ko sa iyo ay kung paano mo minamahal ang mama mo. sobra mo siyang mahal at inaalala. kaya natutuwa ako sa iyo, kasi hindi lahat ng apo at batang lalaki ay kagaya mo na ang iniisip ay laging ang kapakanan ng kanilang lola.

kaya talagang proud ako sa iyo. basta lagi kang magpapakabait at laging maging mabuting kuya ni maimai. ok? alam mo naman ang sister mo, stage sister sa iyo na laging si kuya!!!! hehe.

paano ba 'yan, ginawan ko na ng sequel ang KALYE TRESE mo? hehe.


love you too, beh.

tita mo