Friday, February 8, 2008

JUST PASSING BY

I met you on a springtime day,
You were minding your life and I was minding mine too.
Lady, when you looked my way,
I had a strange sensation and Darling, that's when I knew...


Narinig ni Kyle ang kanta na tinutugtog sa radio ng jeep, umaambon pa naman, malamig ang paligid dulot ng hamog. Perpektong oras ng dramatikong pakiramdam. Napangiti siya. Parang nakakaloko ang pagkakataon. Parang nananadya. Ngiting may pait na dulot sa kanyang dibdib. Sa lahat naman kasi ng kantang puwede niyang marinig, bakit ang kanta pang paborito ni Maggie ang narinig niya ng mga sandaling iyon? Puwede namang iba.

That it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.
Yes, it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.


Wala siyang choice kundi pakinggan ang buong awitin. Maski ayaw sana niya. Hindi niya gusto ang kanta dati pa. Nagkataon lang na paborito ito ni Maggie. Dahilan para maski paano ay magustuhan na rin niya. Ma-appreciate. Dahil si Maggie, si Maggie ang pinakamagandang babae sa buhay niya sa mga oras na iyon.

Oh, I wake up in the night,
And I reach beside me hoping you would be there.
But instead I find someone,
Who believed in me when I said I'd always care...


Nakilala niya ito dahil sa pagcha-chat. Ipinakilala ng isang kaibigan niya. Malungkot daw kasi si Maggie. Bigo daw kasi sa pag-ibig.
“Libangin mo na lang, ‘tol. Malapit na kasing mamatay.”
Natawa lang siya sa sinabi ng kaibigan niyang si Niel. “Loko ka talaga, magrereto ka lang iyong may terminal case pa.”
“Basta makipag-close ka lang sa kanya. Huwag ka lang mai-inlove sa kanya. Kasi talo ka sa ending.” Paalala pa sa kanya ni Niel.

Oh, it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.
Yes, it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.


Ipinagpalit kasi si Maggie ng dating boyfriend sa ibang babae kaya ito na-depress. Iyon daw ang tunay na dahilan, sabi ni Niel. At kung bakit siya, sa dinami-dami ng puwedeng ireto kay Maggie, ay bakit siya ang naisipang ireto ni Niel, hindi niya alam sa kaibigan. Hindi naman siya mahilig sa mga reto-reto. Ni hindi nga siya totoong mahilig sa babae. Sa edad niyang disiotso ay wala pa siyang nililigawan ng seryoso.
“Bakit ako, ‘tol?”
“Kasi harmless ka.”
“Harmless?”
“Oo, at saka ikaw lang ang puwedeng hindi magkagusto kay Maggie ng totoo.”
“Bakit naman?”
“Tol, ikaw ang taong walang kahilig-hilig sa maganda.”

Totoong napakaganda ni Maggie. Sa mga larawan, sa mga video clip na nakita ni Kyle kay Maggie. At kung ganda ang pagbabasehan, maski si Kyle ay hindi lubos maisip kung paano ba nagawang ipagpalit ng isang lalaki si Maggie sa ibang babae. Kasintigas man daw ang puso ni Kyle ng bato, nagawa itong palambutin ng kagandahan ni Maggie. Sa tuwing sasabihin iyon ni Kyle, walang katapusang tawa ng mga emoticons ang sagot ni Maggie. Hindi na raw kasi siya maganda. Dati raw ‘yon.

So I'll live my life in a dream world,
For the rest of my days.
Just you and me walking hand in hand,
In a wishful memory...
Oh, I guess it's all that it will ever be...


Ilang beses sinabi ni Kyle kay Maggie na magkita naman sila. Pareho naman silang taga-QC. Parang wala naman daw masyadong effort kung gagawin nila iyon. Pero ayaw ni Maggie. Tama na raw sa kanila ang ganoon, masaya na sila sa ganoon.

Ang hindi maintindihan ni Kyle sa sarili, ay kung bakit bawat araw, bawat gabing dumaraan ay tila naiinip siya-- at pinakahihintay ang araw na makikita niya si Maggie.

I wish I had a time machine, I could,
Make myself go back until the day I was born.
Then I would live my life again,
And rearrange it so that I'd be yours from now on.


Isang araw, hindi na nag-online si Maggie. Nagtaka si Kyle kung bakit. Naghintay lang si Kyle. Ilang araw din iyon. Hanggang sa nakausap niya si Niel. Sinabi sa kanya ni Niel na huwag na raw hintaying mag-online pa si Maggie.
“P-patay na siya, ‘tol.”
Hindi makapaniwala si Kyle sa sinabi ni Niel. “Ows?” Simpleng sagot lang niya.
“S-sabi ko naman sa’yo ‘tol, huwag kang mai-inlove sa kanya, kasi masasaktan ka.”
Narinig niya ang paggaralgal ng boses ni Niel.
“K-kaya ko siya iniwan eh kasi alam kong mamamatay na siya.”

Oh, it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.
Yes, it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.


Nagpasya si Kyle puntahan si Maggie. Huli na ito, sabi ni Kyle sa sarili. At least makita man lang daw niya si Maggie. Kaysa naman tuluyan na niyang hindi ito makita at hintayin na lamang mabura ng tuluyan sa kanyang alaala si Maggie. Nagpakatatag na lang si Kayle. Tinandaang mabuti ang sinabi ni Niel. Pusong bato naman daw siya at kayang kaya niyang makita si Maggie nang hindi maapektuhan. Huminto na ang jeep at eksaktong natapos na ang kantang paborito ni Maggie. Bumaba na si Kyle. At habang naglalakad papasok kung nasaan si Maggie, naririnig pa rin ng diwa niya ang mga huling lyrics ng kantang paborito ni Maggie.

Oh, it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.
Yes, it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.


Sa wakas ay nakatayo na si Kyle sa harapan ni Maggie. Sa wakas ay nakita na rin niya si Maggie ng personal. Bumulong si Kyle, parang natutulog ka lang ah, biro pa ni Kyle kay Maggie.

Totoo ngang hindi na maganda si Maggie. Mahigit isang taon din itong pinahirapan ng kanser kaya paano pa ba naman ito gaganda? Humpak ang pisngi, malalim ang mata, bakas ang pinagdaanang hirap at lungkot. Sa edad nitong labing walo, dapat ay puno pa ng buhay, ng ngiti’t tawa at hindi ng lumbay. Kasing lungkot ng pakiramdam ni Kyle ang kahulugan sa kanya ng naging buhay ni Maggie.

M-Maggie… muling bulong ni kyle. Hindi ko alam kung kailangan ko pang sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin sa’yo. Ang mga panahong hinangad kong magkasama tayo, magkausap, magbiruan, magdate, maglambingan—ang mga oras na iniisip kong hinahalikan kita. Hindi ko alam kung kailangan mo pang malaman na minsan sa puso ko, nangarap akong nagmamahalan tayo.

Muli na namang bumirada sa isipan ni Kyle ang linya ng kantang paborito ni Maggie.

Oh, it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.
Yes, it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.


Walang namutawing salita sa bibig ni Kyle. Wala naman siyang totoong nasabi. Sa kanya’y sapat na siguro ang mga sinabi ng isip niya. Marahil naman daw ay narinig lahat iyon ni Maggie.

Nagpasya na si Kyle na magpaalam kay Maggie. Pero pakiramdam niya’y matutumba siyang ewan. Nagpapakatatag si Kyle habang ang totoo’y hinang hina na siya. Hindi niya nga alam kung saan siya hahawak, sa salamin ba, sa metal na naging himlayan ni Maggie, o sa mismong sarili ba niya.

Pumikit si Kyle… muling inaalala ang mga linya ng kantang paborito ni Maggie… sinimulan ulit niya sa umpisa…

I met you on a springtime day,
You were minding your life and I was minding mine too.
Lady, when you looked my way,
I had a strange sensation and Darling, that's when I knew...


Doon sinimulan ni Kyle ang pagpapaalam kay Maggie.

So I'll live my life in a dream world,
For the rest of my days.
Just you and me walking hand in hand,
In a wishful memory...
Oh, I guess it's all that it will ever be...


Hanggang sa nahilam ang mga mata ni Kyle kaya nagmamadaling kinusot iyon. Suminghot saka bumulong.

Bye, Maggie...

At sa diwa ni Kyle, nakita niyang sumagot si Maggie with emoticons pa talaga na nagwe-wave at nagsasabi sa kanyang, bye-bye, Kyle.

3 comments:

Anonymous said...

tita glady

woa. biglaan. electrifying. ang hirap nun! ayokong mangyari sakin un pglaki q. hinding-hindi ako mg-papareto. lalo na s chat and text. nakakalungkot. sayang. mabilis kc ung kwento eh. kya nkakabigla.reto-chat-offline-bad news-pagpapaalam. ganun ung cycle eh. naninipa ung story! magugulat k n lang. bkit? panu? ganun ung reaksyon q. kya tita, wag na wag mu akong irereto! pls.. bka me taning na yung ireto moh eh, mahirap na, ayokong magpaalam s bngkay eh. hehe.

luv, pupu

p.s. hihintayin q ung part 2 ha? luv u.

Anonymous said...

wala pa ring kupas ang mahika mo na magpalungkot ng mambabasa. haha. compliment ito. by the play of words you use, you can make a simple story such a wonderful one. talentado ka talaga.LOLS.hehe

i remember those UP days, nasa loob ng car, nang magkuwento ka ng isang nakakalungkot na kuwento ng pag-ibig at saka mo sinabayan ng pagpapatugtog ng kantang "Old Photographs." tila nananadya ang pagkakataon at sinabayan ng malungkot na ambience, at kasabay ng pagtatapos ng kuwento mo'y umagos na ang luha ko, kasabay ng pagpatak ng ulan. haaaaisss...

that was i guess, nine or ten years ago...and still you had that magic in you.

keep it up. keep touching the lives of people...

prettyme

kc cordero said...

bb. glady,

para sa 'yo...

http://www.youtube.com/watch?v=8SXFUYdjzbA