Monday, February 18, 2008
MY FRIEND, AYING…
"ei glad hay naku ngaun ko lang na chek ulit tong blog mo and ayan sumagot kna pla sa comment ko..shox lam mo cguro kya mejo naputol din khit papano connection ko jan sa mga tao jan sa pinas for a time kse andun ako sa adjustment period ko dto sa Tate and lam mo mahirap hah kse cguro d more na may balita ako sa inyo jan e mas lalo ko lang kayong namimis.. Prang gnun yta. Naalala ko nga din yan despidida ko na tayong apat (dami ko kse despedida e!)nila les n jen sa papa jeks ba yun or banda dun sa riverbanks.. grabe hay iyakan tlga e. Sbrang dami tlga nten happenings noh. Lam mo sna tlga within 2 yrs makauwi nko yan tlga ang pinaka goal ko. Putcha as in walang pahinga ito!! hehehe. This time around wala ng limit sken dahil uncontrollable na ko dto to d highest level na.
Sbrang mis ko a din kayo jan as in. Sna nga kayo nga mag try din kayo dto e dba pra naman maipasyal ko kayo dto.. ="
Si Aying... si Mariel sa tunay na buhay... simple ko lang siya ide-describe. Maliit, malambing, mabait, makulit, thoughtful, maaasahan at higit sa lahat, may topak. Hehe. Simple lang ‘no? Madalas ay naaalala ko pa rin ang mga kalokohan niya, naming dalawa. Napagkakamalan nga kaming mag-bestfriend eh, pero maski kailan ay hindi namin sinabi iyon sa isa’t isa. Kami, mag-bestfriend? Hahaha. Promise, magugunaw ang mundo sa gulo kapag naging mag-bestfriend kami.
Maraming masasayang panahon na magkasama kami, kasama ang mga barkada namin. Ang mga walang sawang tambay namin sa bahay nila, sa bahay nina Jen, sa bahay namin, sa bahay nina Celia, kina Les, sa mga bar na hindi naman siya umiinom ng beer kundi sprite lang, sa mga gimik sa UP at kung saan-saan pa. Kaihawan ko siya sa ihaw-ihaw sa Ilang-Ilang at area 2, katusukan ng fishball sa parking lot ng FC, kakulitan sa AS walk at sa Hardin ng mga Diwata, katambayan sa UP Sunken garden, kagimikan sa mga bahay- bahay ng barkada, sa Mang Jimmy’s, sa Sarah’s sa Krus na Ligas, sa Katips, sa Kalayaan, sa beach resort ng Quezon, at higit sa lahat, kaiyakan ng mga problema. Shoxxs!!! Ayan ang madalas niyang expression. Putik ka Glad. Grabeeeeee!!! Ows? Talaga! Hindddddeee no? ‘Tang… ! Hehe. Ilan lang ito sa madalas na naririnig ko sa kanya. Ilan lang ito sa nami-miss sa kanya.
Mula nang umalis siya at nagpunta sa Amerika, wala na akong Aying na pinupuntahan sa Village B sa may white house ng maski na anong oras. Umaga, tanghali, gabi. Wala ng Aying na magyayaya ng gimik at makikipagkita kung saan-saan. Wala ng Aying na biglang magte-text sa disoras ng gabi at sasabihing “Glad, punta kayo dito.” Wala ng Aying na biglang magte-text o kaya ay tatawag at sasabihing “Gladdddddd!!!! Asan ka? Nakita kita, nagda-drive ka sa East Avenue! Sinong kasama mo ha?” Saka hahagalpak ng tawa. Iyong tawang Aying. Iyong authentic na tawang Aying.
Kung saan-saan talaga kami nagkikita nang hindi inaasahan. Minsan sa Timog. Minsan sa SM North, o kaya sa may Trelis sa Kalayaan Ave., na bigla na lang siyang bubungad kasama ang ibang mga friends namin. Habang ako ay may ka-date ding iba, na friends din, hehe. Pero ang tawa niya ay nakakalokong tawa. Saka bubulong. “Putik ka. Anong ginagawa mo dito eh pasado ala-una na ng umaga?” Tapos reresbakan ko rin siya ng tanong, “eh ikaw ano ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba tinatawagan ng nanay mo?” Saka babanat ng “sheeeetttt!!! Oo nga ‘no?” Saka kami maghahagalpakan ng tawa, pulang pula ang mukha niya—dahil may ibig sabihin ang mga tawa niyang iyon, at may kasamang panunukso sa akin na lagot ka, isusumbong kita! Kakantahan pa ako niyan ng “lagot ka, lagot ka, isusumbong kita! May iba kang…” Saka siya hahagalpak ng tawa.
Mula nang umalis si Aying ay wala ng Aying na tatawa ng tatawa sa mga kalokohan ko at mamumula ng todo-todo sa mga green jokes ko. Bastos daw kasi akong mag-joke kapag kami-kami lang. Tuwang tuwa kasi ako kapag sinasabi ko sa kanya, “ano ka ba? ba’t ba virgin ka pa… sa tenga!!!” Kapag ganyan na ang dialogue ko sa kanya, inaasahan ko na ang pamumula ng mukha niya. Grabe siyang mag-blush, akala mo lasheengg!!! Ganoon siya kapula. Running joke ko nga ito sa sarili ko, mula nang umalis si Aying ay wala na akong friend na magba-blush sa puno. Hahaha! Anecdote kasi ito sa kanya ng mga high school friend niya. Sobra daw kasing mahiyain si Aying. At maski itukso mo siya sa puno, mahihiya at mamumula siya. Hahahaha, mula nang marinig ko ang kuwentong iyon ay naging kaibigan ko na siya. Sa simpleng dahilan na gusto ko siya! Unang pagkakataon ko kasing magkaroon ng kaibigan na puwedeng itukso sa puno! Haha.
Si Aying, may topak. Oo, sa kabila ng height niyang ‘yan, parang leon kung magalit ang batang ‘yan. Mukhang nene ‘yan sa personal pero kayang kaya niyang makipagpambuno sa malaking mama kapag galit ‘yan. Umuusok. Nagmumura. Nagwawala sa galit. Hahahaha. Tapos mam’ya wala na. Minsan nag-away kami. Hindi ko na maaalala kung bakit o dahil ayoko ng alalahanin pa. Matagal kaming hindi nag-usap at hindi nagkita. Ilang buwan. Isang araw ay napanaginipan daw niya ako. Umiyak siya ng umiyak. Na-realize niyang miss na miss na niya na raw ako. Ayun, gumawa ang barkada namin ng paraan na magkabati kami. Akala nila ay ayaw kong makipagbati. Surpise daw para hindi na ako makaurong. Akala lang nila ‘yon. Pero ang totoo, masayang masaya ako dahil nagkabati na kami ni “hablig” hehe. Tawag ko sa kanya ng hindi niya alam, haha. Ngayon siguro ay alam na niya.
Kuwento niya sa akin noon, takot daw siyang lumapit sa akin kasi ang laki ko daw tao! Haha. Crush kasi niya si…. Hehe… kaya madalas niyang sabihin, “sheeeeettttt!!! Baka malaman ni Glads! Lagot ako.” Noong nalaman ko, tawa lang ako ng tawa. Pinagtatawanan ko siya at talagang mapulang mapula na naman siya. Akala mo dinudugo ang mukha, ahaha!
Kasing pula ang mukha niya ng sardinas na paborito niya. ‘Yun Master’s fried sardines, pulutan style, iyong ang flavor ay spicy. Mapili siya sa pagkain. Marami siyang hindi kinakain. Minsan ay problema namin kung saan kami kakain at kung ano ang kakainin namin kapag kasama siya kasi nga mapili siya sa pagkain. Isang araw, nabigla ako nang malaman ko na ang isa sa pinakapaborito niyang ulam ay sardinas. Minura ko tuloy siya ng wala sa oras. Kako, kung alam ko lang na sardinas ang katapat ng dila niya eh di sana hindi na kame nagpapakahirap humanap ng makakainan namin, hehe. Ang siste, ginawan ko siya ng Sardinas ala Glady, hinaluan ko ng kalamansi, suka, toyo, sibuyas, paminta at sili. Ayun, anghang na anghang siya pero sarap na sarap kaya ang dami naming nakain, hehe.
Ngayon, sa tuwing nagkaka-chat kami, nagkakabalitaan, nagkakamustahan, madalas niyang sabihin na miss na miss na niya ang Pilipinas, ang UP, ang lahat ng gimik namin, ang mga kaibigan at pamilya niyang naiwan dito sa Pilipinas—miss na miss niya na rin marahil ako at ang mga kalokohan ko, ang mga kalokohan naming dalawa. Ang mga pagtatago niya ng mga sikreto ko, at pagtatago ko ng mga sikreto niya. Miss na miss na siguro niya ang mga walang katapusang kuwento ko tungkol kay, tungkol kina, tungkol sa at tungkol sa mga. Nababaliw siya sa mga kuwento ko. Nababaliw siya sa tuwa, sa inis, sa lungkot, halo-halong pakiramdam ang pagkabaliw niya sa mga kalokohan ko. Nababaliw naman ako sa mga reaksiyon niya sa kalokohan ko. Nababaliw ako kapag naaalala ko ang mga kabaliwan naming dalawa. Nababaliw ako kapag miss na miss ko na siya. Gaya ngayon, miss na miss ko na siya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Shox glad thanks naman for giving me a space in your blog. Oh well, grabe while I was reading what u wrote hay naku sbrang naalala ko lahat ng kalokohan tlga nten.Para bang bumalik sandali yun kaluluwa ko jan sa pinas tapos binalikan yun mga happenings nten.It's true that we never really said or labelled our frendship as 'bestfrends' pero prang gnun na nga tayo tlga.D funny thing pa nga e hndi namn tlga kta gsto maging kaibigan dati hehe hindi ikaw! hehehe. Nakakatawa lang kse akala ko mukang siga-siga ka kse ang laki mo nga ewan ko ba naman bat nagkaron din ako ng ganun thinking.Nakakatawa.Pero ang galing din tlga nun naging frendship nten kse parang sbrang magkasundo tayo e, ewan ko ba.Prang sbrang naging close agad tayo and naging at ease with each other.Nakakatuwa.Chaka akala ko hndi na ko magkakaron ng ganun na ka-close na katulad nun mga high school frends ko pero yun nga naging close tayo ng sbra na prang matagal na tayong magkakilala.
Actually una nten bonding sa Quezon and then ayun nun nagsimula kna ng UP SKRIPP hay tuloy-tuloy na ang kalokohan!! Grabe! puro kayo inuman ng "Pomelo Gin" hehehe. Sympre ako patikim-tikim lang pero khit dampi pa lang sa dila ko e umaapoy na agad un muka ko! Kya naman hndi nyo na ko gnun pinipilit tlga uminom.Lam mo naalala ko pa nga un pinuntahan nten na malapit sa Manila Bay ba yun?An sarap dun e.Tpos naalala ko na sa "Bonchalet" fave nten pmunta sa Riverbanks.Masarap kse un sausage e! E naalala mo nun nag Enchanted tyong apat?grabe bat may pera tayo nun?hehehe.And ewan ko ba naman sayo kse bat nman nagkaron ka ng Lyn---chik na pag-ibig e!! heheheh.Mejo dun nasira ulo ko sayo e.Pero gnun pa man kaibigan kta kya inintindi na din kta at sinamahan sa mga lakad na tago--heheheh.At gnun na nga for some reasons nakikita kta kung saan saan khit hndi mo sabihin nalalaman ko na nasa Lyn---chik na galaan ka na naman! hehehe.Lam mo yup nagkaron nga tayo ng tampuhan, mejo nagkagalit tayo ganyan pero actually naisip ko hndi pa din tayo nagkagalit dahil sten.Nwys sbe nga nila pag hndi kayo nagkagalit ng kaibigan mo ibig sbihin hndi deep yun samahan nyo dba.So tlgang na test frendship nten hah.Eh naalala mo ba na prang walang katapusan yun thesis ko?E pano nman matatapos yun tumatambay lang nman tayo sa bahay nyo and puro kalokohan lang ginagawa nten.Kya tuloy halos maubusan na ng dugo nanay ko e!D nya rin cguro akalain na bukod sa mga high school frends ko e madadagdagan pa problema nya dahil nakilala ko kayo! hahaha! Nakakaloka. Pero well sbrang mabait ka din kse glad as in and pala-kaibigan katulad ko kya nun nagtagpo tayo prang kakaibang gulo! But nwys lam mo sobrang salamat sa lahat lahat hah.Madami akong natutunan sayong--kalokohan!! Heheh.Pero hndi nga sbrang salamat sa pagiging mabuti mong kaibigan saken.Khit na natakot ako sayo na malaki ka hehehe, wala pala sa laki yan.Tlagang mabuting kaibigan ka kahit ano pa man.Cguro hndi matatapos din yun mga maaalala ko about sa mga kalokohan nten pero tama na muna kse baka sumobra naman pag reminisce ko e bglang umuwi nko ng Pinas.hehehe.So cge sna magkita kita na tayo ulit and sna malapit na yun.Mis ko na kasama kita jan, kayo ni les, lahat kayo jan! Hay. Bye.
mariel has left a new comment on your post "MY FRIEND, AYING…":
Shox glad thanks naman for giving me a space in your blog. Oh well, grabe while I was reading what u wrote hay naku sbrang naalala ko lahat ng kalokohan tlga nten.Para bang bumalik sandali yun kaluluwa ko jan sa pinas tapos binalikan yun mga happenings nten.It's true that we never really said or labelled our frendship as 'bestfrends' pero prang gnun na nga tayo tlga.D funny thing pa nga e hndi namn tlga kta gsto maging kaibigan dati hehe hindi ikaw! hehehe. Nakakatawa lang kse akala ko mukang siga-siga ka kse ang laki mo nga ewan ko ba naman bat nagkaron din ako ng ganun thinking.Nakakatawa.Pero ang galing din tlga nun naging frendship nten kse parang sbrang magkasundo tayo e, ewan ko ba.Prang sbrang naging close agad tayo and naging at ease with each other.Nakakatuwa.Chaka akala ko hndi na ko magkakaron ng ganun na ka-close na katulad nun mga high school frends ko pero yun nga naging close tayo ng sbra na prang matagal na tayong magkakilala.
Actually una nten bonding sa Quezon and then ayun nun nagsimula kna ng UP SKRIPP hay tuloy-tuloy na ang kalokohan!! Grabe! puro kayo inuman ng "Pomelo Gin" hehehe. Sympre ako patikim-tikim lang pero khit dampi pa lang sa dila ko e umaapoy na agad un muka ko! Kya naman hndi nyo na ko gnun pinipilit tlga uminom.Lam mo naalala ko pa nga un pinuntahan nten na malapit sa Manila Bay ba yun?An sarap dun e.Tpos naalala ko na sa "Bonchalet" fave nten pmunta sa Riverbanks.Masarap kse un sausage e! E naalala mo nun nag Enchanted tyong apat?grabe bat may pera tayo nun?hehehe.And ewan ko ba naman sayo kse bat nman nagkaron ka ng ____na pag-ibig e!! heheheh.Mejo dun nasira ulo ko sayo e.Pero gnun pa man kaibigan kta kya inintindi na din kta at sinamahan sa mga lakad na tago--heheheh.At gnun na nga for some reasons nakikita kta kung saan saan khit hndi mo sabihin nalalaman ko na nasa ____na galaan ka na naman! hehehe.Lam mo yup nagkaron nga tayo ng tampuhan, mejo nagkagalit tayo ganyan pero actually naisip ko hndi pa din tayo nagkagalit dahil sten.Nwys sbe nga nila pag hndi kayo nagkagalit ng kaibigan mo ibig sbihin hndi deep yun samahan nyo dba.So tlgang na test frendship nten hah.Eh naalala mo ba na prang walang katapusan yun thesis ko?E pano nman matatapos yun tumatambay lang nman tayo sa bahay nyo and puro kalokohan lang ginagawa nten.Kya tuloy halos maubusan na ng dugo nanay ko e!D nya rin cguro akalain na bukod sa mga high school frends ko e madadagdagan pa problema nya dahil nakilala ko kayo! hahaha! Nakakaloka. Pero well sbrang mabait ka din kse glad as in and pala-kaibigan katulad ko kya nun nagtagpo tayo prang kakaibang gulo! But nwys lam mo sobrang salamat sa lahat lahat hah.Madami akong natutunan sayong--kalokohan!! Heheh.Pero hndi nga sbrang salamat sa pagiging mabuti mong kaibigan saken.Khit na natakot ako sayo na malaki ka hehehe, wala pala sa laki yan.Tlagang mabuting kaibigan ka kahit ano pa man.Cguro hndi matatapos din yun mga maaalala ko about sa mga kalokohan nten pero tama na muna kse baka sumobra naman pag reminisce ko e bglang umuwi nko ng Pinas.hehehe.So cge sna magkita kita na tayo ulit and sna malapit na yun.Mis ko na kasama kita jan, kayo ni les, lahat kayo jan! Hay. Bye.
haha, sensiya na friend. atin-atin na lang un ____ ha? hehe.
uwi na agad!!!! bilis!!!
haaiiisss... aying...alam mo tayo dapat ang magbespren diba?hahaha!kaso ipinagpalit mo ko.di ko alam mas type mo pala si gladi.hehehe.
nways, kamiss ang mga panahon na yun anoh?ung mga tambay sa bahay nyo, bahay ni jen, bahay ni gladi at sa mga bar kahit na sprite lang ang iniinom mo, pero mas mapula ka samin na nakainom.haaiisss.those were the days.
saka yung workshop sa kezon, kahit di ka namin kaklase,kasama ka pa rin namin.hahaha!nakapajama ka pa nga non e,hehe. join basta buo ang frenship...haaaisss...sana maulit muli...kelan kaya? saka nga pala sina chi at ading, kakamiss un swimming sa clubhouse nil. saka un sa cavite, sa pinsan kong si Tin, tapos sabi mo pa kay glad, "come and get me!!!" nasa gitna ka ng swimming pool tapos hinahabol k ni glad ng tagay. kasi lasing ka na, tapos sumuka ka, sabi mo, shit shit sumusuka ako ng dugo!!!" eh hotdog lang naman ang kinain mo. hahahahahahaha!!!!
nga pala 'yang mga palusot n'yo ni glad sa barkada, eh buking naman, hahaha!!!
hahaha kaw tlga glad ha sbe ko na nga e i-edit mo yun!! nwys ok lng mejo naging bulgar lang ako kse... Nabasa kna kahapon un comment nyo d lang ako naka reply agad dami ko kse ginagawa dto sa office e.. Pero ngaun eto tumatakas lng din ako.Hay namimis ko tuloy kyo nyan lalo e.Tinawagan ko na tong c jen pro d sumagot e nag-b-busy-bisihan cguro sa syota nyang siga. =)
hey les, grabe kakatawa oo nga naalala ko nga din yun swimming nten dun sa pinsan mo ha saya din nten nun grabe.Hahaha tapos naalala mo din pla yun sumuka ko ng hotdog!! hahaha actually sinabe ko din yan dto sa mga frends ko dto ayun naloka-loka din cla.Yup cla erika n chi ka miss din un mga un dhil kasama din nten cla.Hay byaan nyo hofully tlga in 2 yrs makauwi nko jan.So happy happy tayo ulit kya lang wag mashado bka dna ko bumalik nyan dto e! hehehe.Bsta una kong target trellis sisig, Beach haus, mga fishball n kwek-kwek, sausage sa bonchalet, at syempre ang lutong sardinas ni glad .. puta nagugutom na ko tuloy!! syeeeett! at gusto kong makalanghap ng polusyon jan at amoy mabaho dhil dto wala mashado --tao ang mababaho dto e!! hehehe yun mga bum--or pulubi jan kng tawagin.Tapos mag videoke tayo dun sa SM na may libreng lunch! hehehe andun pa din ba yun? Hay putcha bka mamatay nko dto sa kakaisip na naman sa mga namimis ko jan kya tigil na muna.. ok cge yngats kyo jan. =)
Post a Comment