Saturday, February 23, 2008
DIGITAL KARMA PRESENTS... NUNANG (IKALAWANG YUGTO)
WitHiN Me
FRIDAY, FEBRUARY 22, 2008
oh canada
Sana meron akong kaibigan na magsasabing “anu nanaman? tara iinom nalang natin yan”
Sana meron akong tita glady na magsasabing “ok lang yan. kantahan saka food trip nalang tayo”
Sana meron akong pinsan na magsasabing “ate rona bakit? tara laro nalang tayo”
Sana meron akong tita nini na magsasabing “rona nasan ka? samahan mu ko. txtback pls. asap!”
Sana meron ako. Hanggang sana lang. dahil lahat sila iniwan ko para pumunta sa Canada para sa sinasabing nilang “future”. At ngyon nandito na ko sa Canada mag isa kong haharapin lahat ng sakit. Walang kahit na sinuman ang sasama at dadamay.
Canada? Maganda ka nga ba? sana isang umaga, pagmulat ko'y wala ka na...
Posted by nunang at 11:01 PM 0 comments
May mga tanong siyang ang hirap sagutin. Kanina lang ay tinanong niya ako kung mahal pa raw ba siya ng boyfriend niyang si Jun. Narito kasi sa Pilipinas ang boyfriend niya at siya naman ay nasa Canada na nga. Nakita ko kung paano sila umiyak at kung gaano sila kalungkot noong maghiwalay sila sa Greenheights, Marikina, araw ng departure niya, Aug. 24, 2007. Mugtong mugto ang mata ni Nunang at si Jun ay malungkot na malungkot. Nagsabi sa akin si Jun, "Tita Glady, puwedeng sumama maghatid?" Gusto ko siyang pagbigyan. Bakit naman ang hindi? Lalo't galing pa siya ng Pampangga. Kaya lang, kotse lang ang dala ko sa paghahatid, puno ng gamit ni Nunang, saka ang dami naming maghahatid. Saan siya sasakay? Pero hindi lang naman iyon ang problema eh, hindi pa alam ng tatay niya na may boyfriend na si Nunang, at hindi ko alam kung tamang ang araw na iyon ay maging ice breaker para malaman ng kuya ko na ang lalaking nakatayo sa may kanto, sa may sakayan, sa may punong akasya, ay walang iba kundi ang boyfriend ni Nunang. Hindi ko alam kung tamang malaman ng tatay niya na ang iniiyak ni Nunang nang mga oras na iyon ay hindi siya kundi ang boyfriend nito. I kept silent. Bahala na ang Mama ni Nunang sa problema na iyon. Lalo't kinausap nito ang dalawa at pinangaralan na may tamang panahon para sa kanila.
Dumaan ang kotse sa ko sa harapan ni Jun, nakatingin siya, tiningnan ko siya sa rear mirror at malayo na kami'y nakahabol pa rin siya ng tingin. Alam kong ang lungkot-lungkot ni Jun. Damang dama ko ang sakit na nararamdaman niya. Ang pakiramdam ng isang iniwanan.
Sabi ko kay Nunang bago umalis, makakalimutan mo rin si Jun. Pagdating mo sa Canada, maghanap ka na ng iba, hehe. Joke lang iyon na may kasamang pustahan. Joke, kasi okey lang sa akin anuman ang maging desisyon niya kung para lang matakasan ang sakit ng paghihiwalay nila ni Jun. Kung ako ang tatanungin ay gusto ko si Jun para sa kanya.Mabait siya, may hitsurang lalaki, magalang, hindi nawawala ang "po at opo" kapag kausap ako. Bukod pa sa alam kong nagmamahalan sila. Pustahan, five hundred pesos vs. five hundred dollars. Siyempre call ako. Ganda ng laban 'no? Bibigyan niya ako ng five hundred dollars kapag nagkaboyfriend siya ng iba sa Canada o nag-break sila. Masyadong tiwala si Nunang sa sarili, sa isip-isip ko. Pero higit pa roon ang dahilan ko. Kung iyon ang tanging magpapalubag loob sa kanya, iyong masabing tapat siya at maghihintay siya, para makaabot sila ni Jun sa panahong magkikita sila ulit, sige call ako. Eh ano ba naman sa akin ang matalo? Hindi naman masakit sa bulsa ang five hundred sa panahong ito. Para lang akong namalengke sa talipapa.
Sa tuwing nagcha-chat kami, excited ako sa mga kuwento niya. Kung sino na ang mga friends niya, kung sino na ang iniispatan niya. Itinutukso ko siya sa anak ng boss niya na si "Kevin" na kamukha daw ni Foxy boy ng Korean novela na Foxy Lady. Ang guwapo. Description pa lang niya eh crush ko na 'yung lalaki para sa kanya. Mabait daw sa kanya. Saka minsan daw ay nag-aalok na ihatid siya at madalas sabihin sa kanya'y, "Hey Rona, are you okey?" Pero ayaw daw niya kay Kevin, hindi raw niya type.
Hindi iyon dahilan para sumuko ako. Mahaba-haba pa naman ang panahon at tiyak na bibigay din siya, pasasaan ba't magkakagusto rin siya kay Kevin. Siyempre't sa panahon ngayon, hindi na malinaw sa akin kung kanino ang loyalty ko. Okey lang sa akin na sila pa ni Jun, okey lang din sa akin kung si Kevin na. Ang importante ay kung saan siya masaya at kung paano siya nakakapagpatuoy sa paghahanda ng future niya sa Canada.
Hindi ako nanghihinayang sa ipapadala ko sa kanyang five hundred pesos maski matalo. Pero inaabang-abangan ko ang five hundred dollars na matatanggap ko mula sa kanya. Kinukuwenta ko iyon madalas sa isip ko. Dahil maski hindi kami seryoso sa pustahan namin, naniniwala ako na tototohanin ni Nunang iyon. Talagang padadalhan niya ako sakaling maging mahina siya... matukso siya... makalimot siya... sa kung anuman ang sumpaan nila ni Jun. At seryosong padadalhan ko siya ng five hundred pesos sakaling sila pa rin ni Jun, lalo't wala namang time limit ang pustahan namin.
Kani-kanina lang, nag-chat kami, ang dami-daming tanong sa akin ni Nunang gaya ng "panu ba malalaman na seryoso syo?" "mahal pa kaya niya ako? Tanong ko, "umiiyak ka ba?" Sagot niya, "sna pwd ko sbhn ang hnd."
Nalaman ko na ang at stake na sa pustahan namin ay ang puso na ni Nunang, ang kaligayahan na niya. Mananalo na ako sa pustahan pero seryosong masasaktan siya. Hindi ko alam kung totoong break na sila o kung ano ang nangyari sa kanila. Hindi ko alam ang eksaktong pinagdadaanan niya. Ang tanging alam ko lang ay nasasaktan siya, umiiyak, at nagpapasaklolo.
Ngayon, parang gusto ko nang sumuko. Ako na ang talo. Gusto ko na siyang padalhan hindi lang basta five hundred pesos kundi five hundred dollars. Basta kalimutan lang niya kung anuman ang sakit na narararamdamn niya ngayon. Huwag na lang siyang mag-hold on sa sakit, sa sugat. Dahil walang katumbas na halaga sa akin si Nunang. Walang katumbas na halaga sa akin anumang kaligayahang maibibigay ko sa kanya.
"Sana, sa bawat patak ng luha ko nababawasan ang sakit..." Sabi pa niya sa akin. Sana nga, dahil kung totoo iyon at kung puwede iyon, iiyak ako ng iiyak para sa kanya... maski pa gabi-gabi.
In between tears and pain, what else can I say?
'Nang, kaya mo 'yan, pangako... kaya mo 'yan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Dear ate rona,
Nang mabasa ko yung ginawa mong tula(o kung anu man yun), lalo akong nasabik na makita ka ulit. alam kong malungkot ka dyan sa canada pero hayaan mu, lilipas din yan. baka next year lang adjusted ka na. lagi kaming nanjan for you. ate, lagi mung iisipin na lagi ka rin naming iniisip. para na rin taung magkakasama pag ganun. magonline ka lang, kausap mu na kami, diba? there's nothing to worry about. alam long mahirap gawin yung sinasabi q, pg naiiwan nga ako s school piling ko nasa ibang dimension ako pglabasan na ng ibang year level e. anu k p kaya, diba? u can do it. ate, don't be malungkot ok? smile. eto nga e, kinakausap kita kahit malayo ako. nakatira lang tayo sa iisang lugar, ang mundo. wala ka sa mars. always remember that if you feel sad, "nakatira nga lang pala kami sa iisang lugar, ang mundo. nandyan lang sila." love u ate. luv k naming lahat d2 sa Pilipinas street! mwa-mwa!
from, pupu.
'nang,
wala ka sa mars, okey? hehe.
nandyan ka lang sa canada st, kami ay philippines st.
hahaha.. iba k tlg mag isip. dko naicp un ah. nsa mundo pa rin nga pla ko. L0L!
ei glad lam mo yun una mong sinulat about k rona nag comment ako pero ewan ko hndi na post e.. Nwys lam mo kng nababasa man nya ito gsto ko lang may sabihin fr my own experience..rona d man tayo close i understand what ur going thru dahil nandto din ako sa tate and same thing khit kasama ko pa ang mama ko at kapatid ko feeling mo pa din mag isa ka kse nga nasa ibang lugar ka tapos wla lahat ng mga kaibigan mo at pamilya na nakalakian mo.Oo mahirap yan adjustment period and it will take years tlga bago ka makapag adjust na ma realize mong shox tlagang andito na ko sa ibang bansa.I guess yun yata yun mejo mahirap tanggapin sa simula e yung prang ayaw mong tanggapin na nasa ibang lugar kna and ibang mga lahi na yung nakikita mo sa labas.Pra kseng everytime pag gising mo hoping kang magigising na nasa Pinas ka na and andun na lahat ng gusto mong makita at pati na mga ayaw mong makita bsta andun kna sa lugar na gsto mo.Actually yung adjustment mejo kailangan tlgang paghirapan mo na makuha yun.Yung lungkot naman well I don't think anyone who's in another side of the world can overcome that.Yup.I have frends who have been here for almost 10years but still there will always be a time that they will miss their family and frends in Pinas.Although the feeling of sadness will subside if you'll be able to adjust sa lugar kung nasan ka na.Alam mo kaya mo yan, mahirap lang tlga sa simula.Pero pag nakapag adjust kna mejo marerealize mo na din sumhow na mas maganda tlga ang future sa ibang bansa.Ako sobrang ayaw ko din iwan yung Pinas pero sa 3yrs na andto ko sa tate nakita ko yung malaking opportunity sa ibang bansa compared sa Pinas.But it doens't mean na ayaw ko na bumalik sa Pinas.Sbrang hindi mangyayare yun.Babalik pa din ako sa Pinas once in a while pra mag bakasyon at makasama ang mga kaibigan at relatives ko pero since nakapag adjust na ko dto sa tate dto ko na nagustuhan na tumira ng matagal.Actually maganda jan sa Canada at kung tutuusin mas mahirap pa nga dto sa tate.Althou lahat nman ng pinoy khit nasan nakakapag adjust and they get along sumhow.Cguro ang masasabe ko lang ay tibayan mo na lang loob mo and tignan mo one day marerealize mo din tlga na tama lahat ng sinasbe syo ng mga kapamilya mo na pra sa future mo yan.Mahirap pero keep in mind na laht ng paghihirap na yan may magandang kapalit in the end.Cge yngats ka na lang jan ang magpakatatag ka.--
Galing sa isang kaibigan ni glad na naiintindihan kng ano ang pinagdadaanan mo.
'ying, pinost ko ito, kung saan ka nag-comment, hehe. Hindi mo lang ata napansin.
mariel has left a new comment on your post "DIGITAL KARMA PRESENTS... SNOW IN AUGUST":
hey glad katapos lang nmen mag chat ni les and eto ni chek ko yung iba mong blogs and isa dto is yun tungkol sa pamangkin mo.. grabe ang ganda ng kwento nya hah.. Nakilala ko sya dahil mdalas din tyong tumambay sa bahay nyo noon sa Marikina pro dko nman alam kwento ng buhay nya. Nkakatuwa na andun na sya sa Canada and gumagawa ng magandang buhay nya. =)
Anyway, salamat ng malaki sa concern mo sa pamangkin ko. Alam mo kinukwento nga kita sa kanya eh, saka kilala ka niya. Natatandaan ka niya na ikaw 'yung lagi nasa bahay kasama ni Jen. Maski sina Chi at Ading eh natatandaan niya. Kinukuha niya nga si Christian, natatandaan mo si Christian? Next year, gagraduate na si Christian ng HRM kaya plano na ni Rona na kunin at pinagsabi na sa boss niya na papasok niya dun sa work niya, ok daw basta kung ano ang matutulong daw ng boss niya para makuha ang mga gustong kunin ni Rona eh tutulong ito. Palagay ko, kapag may kasama na siyang pinsan doon, eh mas less na ang magiging lungkot ni Rona. Nga pala regarding dun sa sinabi mo na try ko din d'yan sa 'merika, 'yaan mo, pasasaan ba't gagawin ko din 'yan. Magkikita at magkakasama din tayo d'yan. Haha, 'ansaya nun. Gimik na katakot-takot, hehe. 'Yun nga lang, hindi ko pa lang alam kung kelan. Hehe.
Si Les, plano mag-migrate ng family n'ya sa Canada. Dun din sa place ni Rona kaya sure na magkakasama sila pag natuloy at nangyari 'yun. Who knows sumunod din ako dun, 'di ba? Tapos ikaw na lang ang pumasyal ng Canada, hehe. Hay, sarap mangarap 'no? 'Yung isa ko friend at dating co-teacher na si Ces eh nasa Australia ngayon, nagkita kami last month kasi umuwi siya ng 'pinas. Sabi niya sa akin eh sunod nga raw ako kay Rona para may madalaw silang mag-asawa sa Canada. Haha. Ok ang meeting place 'no? Dulo't dulo na ata ng mundo, ahaha.
Naaalala ko 'yung unang mga araw mo d'yan sa Amerika, kasi di ba, nagtetext tayo at nagtatawagan palagi nun. 'lam ko na mabaliw-baliw ka sa lungkot. Kung kaya mo nga lang lakarin pauwi ang Pilipinas nun eh malamang sa naglakad ka na pauwi, hehe. Pero ganun talaga eh. Minsan tayo ang gumagawa ng sarili nating kalungkutan. Kasi iyon ang naging choice natin sa buhay. Para sa mas magandang future di ba? After all, lumilipas naman ang lungkot.
Masaya ako dahil ok na ok ka na d'yan sa Amerika, pasasaan ba't magiging ok rin si Rona. Kung gaano katagal eh hindi ko rin alam. (Kaya 'nang, huwag mo ako tanungin kung kelan ka makaka-adjust d'yan ha? Ask mo si Ate Aying, baka masagot ka niya) hehe.
Sa inyong lahat, kahit 'andyan kayo sa malayo, basta mahalin at alalahanin n'yo pa rin ang Pilipinas at mga pamilya't kaibigan dito, eh ayos na iyon. Kanya-kanyang choice talaga 'yan sa buhay. So make the most out of it na lang, di ba?
Again, thanks a lot "bestfriend Aying," hehe. Take care. Godbless.
hayaan mo na lang siya dapat ang gawin mo ay humanap ka ng paglilibangan mo ng sa ganun hindi you siya isipin. just try to understand her wla kang magawa kung anu man ang gawin niya o pasya niya. dont expect anything think kasi kaw lang din maging kawawa.... kung mahal ka niya gagawa siya ng paraan para sa pagmamahalan niyo. mahalin mo muna sarili mo bago siya o malay mo sadyang wala lang siyang pera para tawagan ka o text ka.
Post a Comment