Ang apat na taong tanong
Gusto nyang dayain ang oras,
Gusto nyang ilagay sa four o clock,
Utos nya sa akin kung pwede daw,
Ikutin namin ang kamay ng orasan.
Isa lang ang sagot ko,
Sa kanyang katabilan,
Hindi pwedeng dayain,
Hindi pwedeng palitan.
Kaya maglaro ka lang.
Darating at aalis ang bawat segundo,
Lilipas ang araw,
At bukas, may alas kwatro na naman.
Saturday, March 12, 2016
Friday, March 11, 2016
Paano Sumulat ng Dagli at Dagling "WALLET"
Paano sumulat ng dagli?
Ang dagli ay isang maikling maikling kwento. Pwedeng kalahating pahina lang o hindi hihigit sa isang pahina. Kung may sobra ay ok lang, pwedeng i-edit para mas paiksiin, para mas malakas ang impact. Malaking challenge kasi pagtitipid ito ng mga salita sa isang kwentong buhay na may tauhan, milyu, dialogue, conflict at sub conflict, may plot at sub plot at higit sa lahat may statement. May sinabi dahil may nangyari. May dulo dahil may simula. Kahit cliff hanging pa ang ending, isa itong fill in gaps para dugtungan ng readers. Pwedeng makialam, pwedeng buuin ang kwento ng naayon sa gusto nya o pwede ding wasakin-- para buuing muli. Dahil limitado ito salita, pagtitipid ang isang teknik dito, pero hindi pagtitipid ng buhay na nakapaloob sa kwento.
Pwede nating simulan ang dagli sa isang keywords lang. Gaya ng salitang "closure." Marami ng kwentong nasabi tungkol dito. Maikling kwento man o nobela o maging pelikula pa nga. Pero hibdi naman nauubos ang pwedeng sabihin tungkol sa salitang closure. So pag sinabing closure, kwentong pag-ibig lang ba ito? Hindi naman. Pwede ito sa kahit na anong may bagay na may kinalaman ang salitang unfinished business. Halimbawa isang lalaking nagbalik sa riles ng tren na may dalang walllet. Ang wallet ay kahulugan ng buhay nya. Ang gusto kong statement sa kwentong ito ay kung paano ang wallet na sira sira ang magiging dahilan paano nya lalagyan ng closure ang kanyang buhay. Ang wallet ang natitirang nag-uugnay sa kanyang ama dahil iyon ang tanging naiwang alaala nito, kasama sa wallet ang mga lumang larawan. May tauhan na, may milyu, may plot at sub-plot, may conflict at sub-conflict, at higit sa lahat may gusto ng sabihin. Ang materyal na koneksiyon ng tao sa kanyang sarili at sa iba.
Ganito ko isusulat ang dagli.
"WALLET"
Sa riles ng tren na ito babalikan ko ang lahat. Isang gabi dinala ako dito ni tatay, sabi nya "eto ang tiket intoy, sumakay ka na patungong bicol. Puntahan mo'ng nanay mo." Sa pagitan ng pag-ubo at paghihit ng sigarilyo, pinagmamasdan ko ang may katandaan na nyang mukha. Sabi, tumanda sa init ng araw at sa pagpupukpok ng mga kinukumpuning bahay. "Eto wallet ko, yan lang mapapamana ko sayo. Hindi na siguro tayo magkikita pagkatapos ng gabing ito. Ingatan mo na lang, intoy."
Marami pang sinabi si tatay pero maingay na ang paparating na tren kaya't buka na lang ng bibig ang nakita ko, na may kasamang pag-ubo. At laway na kulay dugo sa bawat pagdahak niya.
Hindi ko na nakita si tatay mula noon. Tumira ako kay nanay kasama ang bago nyang asawa at dalawa kong kapatid sa ina. Sampung taon ang lumipas at nagbalik ako sa lugar kung saan ko huling nakita si tatay. Sa sulok ng puso ko'y umaasa akong naroon pa din sya, nag-aabang, naghihintay, umaasa sa aking pagbabalik.
Hawak ko ang wallet ni tatay. Sa loob ng mahabang panahon, hindi ko iyon binuksan minsan man. Itinago ko yun na parang itinatagong alaala. Hindi ko nagawang silipin o tingnan man lang ang laman. Noon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na buksan. Isang lumang larawan, namin ni tatay. Napahikbi ako sa unang silip pa lang. Tinatagan ko ang loob ko. Nakita ko ang ilang dadaanin, may singkuwenta, may limang pisong papel pa nga. May kalakip na payslip na naroon ang date at halaga.
Sa likod ay may nakasulat, "huling sweldo ko na, anak."
Hindi ko maunawaan kung bakit ako ibinigay ni tatay kay nanay. Masaya naman kaming dalawa lang na namumuhay, kahit sa gitna ng kahirapan. Kaya kahit pagkaraan ng ilang araw ay may bali-balitang may tumalon daw sa riles ng tren ng huling magkasama kami ni tatay, parang wala sa loob ko ang balita. Hindi ko pinansin, hindi ko ininda. Kahit may isang gabing nakita ko si nanay na umiiyak at may hawak na dyaryo. Niyakap lang nya ako ng mahigpit, lumuluha sya habang blangkado ang mukha ko. Ayokong marinig ang kahit anong sasabihin nya. Ayokong malaman ang laman ng dyaryo. Dahil ayokong malaman ang totoo. Tinalikuran ko lang si nanay na parang walang nangyari.
Sampung taon, noon lang ako nagkalakas ng loob na harapin ang lahat. Noon lang ako umiyak, nagpalahaw at sumigaw. Noon ko lang hinarap ang katotohanang itinatago sa akin ni tatay, may sakit sya. Malalang sakit na sa musmos kong isip ay alam kong wala ng lunas. Inilihim ni tatay. Akala niya'y nailihim nya.
Habang umaalingawngaw ang boses ko sa abandonadong lugar na iyon istasyong ng tren. Nakikita ko sa aking diwa ang aking ama at rumaragasang tren na sumalpok sa kanyang kaluluwa.
Wednesday, March 9, 2016
COC
atak ng atak sa gyera,
Para manalo
Luto ng luto ng sundalo,
Pati dragon inaadobo.
Kung ang barbarian ang nasa kongreso,
Ang archer ang nasa senado,
Ang dragon ang bantay sa preso,
Ang wizzard, giant at hogs sa presinto.
Ang reyna't hari ay sa malakanyang,
At bantay sa kaban ng bayan.
Ano pang silbi ng pulitiko,
Kundi mamulot ng piso-piso.
atak ng atak sa gyera,
Para manalo
Luto ng luto ng sundalo,
Pati dragon inaadobo.
Kung ang barbarian ang nasa kongreso,
Ang archer ang nasa senado,
Ang dragon ang bantay sa preso,
Ang wizzard, giant at hogs sa presinto.
Ang reyna't hari ay sa malakanyang,
At bantay sa kaban ng bayan.
Ano pang silbi ng pulitiko,
Kundi mamulot ng piso-piso.
Tuesday, March 8, 2016
my bulate spotmind is back!
Ang buhay ko dito sa canada ay simpleng rock. Trabaho bahay trabaho. Sixteen hours work, five hours sleep, 24/7 update sa internet, fb, facetime, twitter, email, chat, messages.
Iyon ang kabuuan. Pero hindi ang kahulugan.
Dahil maraming prosesong pinagdadaanan. Sa isip ko, sa puso ko, sa buong pagkatao ko. Kahit ano pang gawin ko, it end up that i'm writing.
I'm writing the story of my own.
At paano ko ba nagagawang isulat ang sarili kong kwento? Wala akong diary, wala akong journal. May ipad man ako o may blog, hindi pa din naman letra ang totoong hulmahan nito.
I'm writing my own story through my experiences. Sa bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon, bawat nagdadaang panahon, ay isang karanasang nagtatala sa kwento ng aking buhay.
Ang letra ay isa lamang taguan ko ng mga alaala. At kung nais kong alalahanin at balikan, ito'y mistulang isang larawang binabasa ko ang bawat imahe, mga galaw at mga damdaming bagama't wala sa pisikal na anyo ay naroon at mayroon.
Noong Linggo, March 6 ay debut ng pamangkin kong si Maimai. Im not physically present dahil i'm thousand miles away. Pero ang mga pangyayari ay karasanang nakapaloob sa aking katauhan, at nararamdaman ng aking pinakapinong balat. Nandoon ang aking buong pamilya. Ang mga malalapit naming kaibigan, noon man at magpahanggang ngayon. Mga taong naging bahagi ng aking paglaki, sa pagbuo man o pagwasak-- at sa huli'y muling pagbuo. At kung mayroon akong gustong burahin na alaala isa man sa kanila, alisin alinman sa mga ito, -- ito ay ang bawat oras ng aming pagkakalayo. Iyon lamang at wala ng iba. Gustong kong i-rewind ang sarili ko sa iba't ibang panahong nagdaan hindi para baguhin kundi para panoorin lang. Makita uli kung paano ako tumawa, umiyak, magalit, magwala, umalis at bumalik at manatili. Pero wala akong babaguhin maski isang kurot lamang ng tinapay. Wala akong rerepasuhin, ie-edit o iba-block. Dahil hindi ako magiging ako, pag may isang nawala, even a glitch. Hindi ako magiging manunulat ng sarili kong buhay kung may mabubura.
Gusto kong ikuwento ang buhay ko sa maraming pagkakataon. Hindi dahil mamamatay na ako o nais kong mag-iwan ng facebook legacy. Gusto kong ikuwento ito dahil gusto kong manatiling buhay ang aking sarili sa loob ng aking pagkatao. Pagkaraan ng apat na taong pagkakabaon sa buhay ng 24/7 virtual world, i want to rise again. I want to live again. I want to see my old self again. Yung may buhay na ako. Yung manunulat na ako. Yung ako.
This is my real world-- imahinasyong madulas, malikot at pumipiglas!
Welcome back my bulate spotmind.

Monday, March 7, 2016
Kung isusulat ko ang aking love story
Kung isusulat ko aking love story...
Pang facebook ang status nito.
Minsan It's too complicated.
Dahil may malupit na sikreto,
Na ayaw sabihin kahit na kanino.
Pag maganda ang morning,
Status update agad.
Naka "In a new relationship" ang peg,
But only in your dreams lang sa KPOP.
I want to share my prenup video sa YouTube,
Since I changed my stat to Engaged.
but when I clicked the upload,
Loading... loading... until disconnected.
So I end up into an Open Relationship.
No strings attached at pwede kahit kanino.
May friends with benefits pa na fling-cling,
Pero ang ending ay wala namang closing.
Nakakapagod that's why I ended sa Domestic,
Bugbog dito bugbog doon, so bugbugan pa more...
At ang partnership ko'y may nation tweet,
Trending 40 million all over the world.
Until I found the right one at maging Married for once.
Kasal kasalan daw sa beach at honeymoon sa Maldives.
sa preparation pa lang ay feeling celeb at ta-artits.
Pero flop ang movie dahil napirata ang vids.
Gusto ko ng magkanta-sigaw ng YAHOO!
Wagas ang swerte ko sa mga netizen beau.
basher ko'y overload sa separated kong post.
ang masaklap nag group add na auto-Divorced.
Naniniwala ka na bang my life is full of twist?
That's why I put my last status as Single-ship,
happy, contented and still lovely?
Alone, sometimes bitter... but for sure, not so lonely.
Hashtag# virtual love story ni Glady.

Sunday, May 1, 2011
BLAG! Malikhaing Pagsulat sa Popular na Literatura
Available na po ang libro kong BLAG sa National Bookstore;
SM Marikina, SM NORTH, Bestseller SM North, Q.Ave., Trinoma, NBS Superbranch, SM Megamall, Robinson's Galleria, Bestseller Robinson, Shangrila, Glorietta 5, Pioneer, NBS Greenbelt 1, Rockwell, Cash 'n Carry Sen. Gil Puyat Makati, SM MALL OF ASIA, SM Bacoor, NBS Missouri Greenhills, NBS Tutuban, NBS SM Manila, NBS Taft near La Salle,... and will soon be available at NBS Provincial branches...

Monday, July 26, 2010
PAGLAKI KO, GUSTO KONG MAGING...
Sa pagitan ng mga deadlines at trabahong bahay, pakikipag-chat, FB at panonood ng dvd, may ilang sandaling natitigilan ako at nagtatanong sa sarili. Ito na lang ba ang gusto kong gawin sa buhay?
Ang magsulat, magsulat, magsulat at magsulat pa...? Ang sagot ko ay isang malaking OO! Dahil kahit ano pang gawin ko, bumabalik at bumabalik ako dito. Ito ang aking comfort zone. Sa mundong ito, may pakiramdam akong ligtas ako. Nandito ang tunay na hamon ng buhay ko at paglabang naitutulak ko ng husto ang sarili ko.
Noong nasa elementarya pa ako, tinanong ako ng isang guro kung ano ang gusto kong “maging” paglaki ko. Ang isinagot ko, “gusto kong maging artista!” Nagtawanan ang mga kaklase ko. Hindi ko alam kung bakit sila nagtawanan. Dahil ba sa nakakatawa ang sagot ko (dahil kengkoy ako sa klase maski noon pa) o dahil hindi naman ako mukhang artista talaga. Pero totoo sa loob ko ang sagot ko na iyon. Hindi ako nagpapatawa. Mukha lang kasi akong nagpapatawa. Mukha lang kasi akong tanga. Pero mahilig talaga akong umarte. Sa isip ko ay marami akong role na ginampanan. Minsan bida ako, minsan kontrabida, minsan pusong (komedyante), minsan pulis na tagahuli ng kriminal, minsan killer, hehe. Hindi ako natatakot gampanan ang anumang role na gusto kong gampanan sa isip ko. E, ano kung magmukhang aning-aning? Ang mahalaga’y makapag-emote ng husto, kahit sa loob ng banyo, kahit sa harapan ng salamin, kahit pa nga sa loob ng bus. May pagkakataong tatawa-tawa ako habang nakaupo sa bus, komedi kasi ang eksena at komedyante ang role ko. Mayroong silent movie akong ginagawa sa isip ko, ayun, tahimik ako kapag ganoon! Silent nga eh, hehe. Pero kapag may mga dialogue, gusto ko sa sarili kong silid ako nag-e-emote habang nire-rehearse ang mga pamatay na dialogue gaya ng : “Oo, minahal kita, pero hindi ko ‘yon kasalanan! Hinde… hinde… hinde!” Hehe.
First year high school ako noon nang magdeklara ako ng panibagong pangarap o gusto kong maging paglaki ko. Gusto kong maging singer. At iyan ay dahil sa pagkahaling kong tumugtog ng gitara at pagkahilig na kumanta. May ilan pa nga akong sariling komposisyon. Pulos mellow rock at love song ang naging kanta ko noon dahil sa impluwensiya ng dalawa kong kapatid na lalaki na nagturo sa akin na maggitara. Pero marahil ay hindi ako kagalingang kumanta, o baka hindi ko naman totoo na gustong maging singer, kaya't hindi rin ako nagkaroon ng recording album. Hehe. Ngayon kapag sinusumpong akong maging singer, videoke lang ang katapat niyan! Haha!
Lumipas ang panahon at hindi ako naging artista o singer. Pero may mga naging karanasan naman ako sa pag-arte sa teatro pagkatapos kong mag-workshop sa PETA at MET. Humigit kumulang ay nakapag-direct ako ng nasa 20 stage play. Ang una kong play ay may titulong “BUWAN SA TANGHALING TAPAT!” Itinatag ko ang MUNTING TANGHALAN sa PLM, na natutuwa ako dahil hanggang ngayon eh stage group pa rin ito sa nasabing pamantasan. Sinundan ito ng mga play ko na ipinalabas sa SAN SEBASTIAN COLLEGE, TRINITY COLLEGE at iba’t iba pang school. Hanggang Greenheights Subdivision ay nakagawa pa rin kami ng another ng version ng PASKO NA, SINTA KO, isang community play. Ang isa sa hindi ko malilimutang play na nagawa ko ay “ANG BUTANGERA” na ang lead role ay si Jet Pascua. Paano ko ito malilimutan eh remake ito? Ipinalabas ito noong (1950’s) 15 years old pa lang ang aking nanay at siya ang bida. Sa kanya talaga ginawa ng kanyang guro ang role na Butangera. Kakatuwa hindi ba? Musical drama ito. Naging successful ito in terms of feed back at dami ng mga taong nanood. Hindi ako napahiya sa nanay ko at sa original director na dumalo ng unang gabing ipalabas ito. Kabilang sa mga nagawa kong play ay ang DARAKULA (ISANG PANAGINIP), BITAY, GUNI-GUNI NG KISLAP ISIP, etc. Nagwakas ang aking pagte-teatro ng magsimula na akong magsulat sa komiks, telebisyon at romance novel.
Hanggang sa naranasan kong umarte sa harapan ng camera nang maging tauhan ako ng shortfilm na JUAN ORASAN. Nanalo pa ito ng awards na ipinalabas sa iba't ibang kompetisyon, at ang director ay ang aking kaibigan na si Geraldine Flores aka “Ging Maganda” sa kanyang “sikat” na blogsite. Jejeje. Sumunod na offer niya sa akin ay makipag-kissing scene na daw ako sa harapan ng kamera. Haha! Hindi ko iyon kinaya. Doon natapos ang aking acting career.
Sa masalimuot na mundong tinahak ko, ang dami kong tanong na hindi masagot-sagot, sa edad na disiotso ay tila may kung anong puwersang nagtulak sa akin para pagalawin ang bolpen sa pamamagitan ng imahinasyon. Para lang sumagot sa mga tambak na tanong tungkol sa buhay at pakikipagsapalaran ng isang malikot at maligalig na taong tulad ko. Isang araw, sinabi ko sa sarili ko, gusto kong maging writer. Wala akong direkta o tiyak na impluwensiya noong una pero kalaunan ay binasa ko na ang akda ng mga awtor na sina LUALHATI BAUTISA (Dekada 70, Bata-Bata Paano ka Ginawa, Gapo, etc) LIWAYWAY ARCEO (Canal dela Reina, Ang Mag-anak na Cruz, Titser, etc.) F. SIONIL JOSE (The Mass, Viajeros, etc.) RICARDO LEE (Si Tatang at ang mga Himala, Brutal na isinalibrong script sa pelikula, etc.) EDGARDO REYES (Sa mga Kuko ng Liwanag, Laro sa Baga, etc), GARBRIEL GARCIA MARQUEZ (100 Years of Solitude, etc.
At isang araw, natagpuan ko ang sarili na nagmamakinilya at sumusulat ng nobelang may titulong MALALIM NA SUGAT, isang nobela na hanggang ngayon ay hindi pa rin napa-publish. Kung bakit, ewan ko. Baka natatakot akong ipaangkin sa iba ang kuwentong ito. Sabi kasi, inaangkin na ng sinumang mambabasa ang kuwentong kanyang nabasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling pagpapakahulugan. Sa ganitong proseso ay “namamatay na ang awtor” sapagkat hindi na kanya ang kahulugan ng akda. May sense ang teoryang ito, hindi ba? Malay nga naman ng manunulat sa sariling pagbasa at impluwensiyang nakukuha ng mambabasa sa isang akda? Siguro, ayaw ko pang ipamigay ang “kahulugan” ng aking nobelang MALALIM NA SUGAT. Baka masyado ko itong pinepersonal at itinatayang isang pinakamahalagang “posesyon” ng pagka-manunulat. Baka lang naman. O baka wala lang talagang “matagpuang” makakagustong publisher, hehe. Lalo’t di ko naman inilalapit.
Noong kumuha ako ng kursong Malikhaing Pagsulat sa UP. Maraming nagtanong sa akin kung bakit mag-aaral pa ako eh nagsusulat na nga ako? Noong una ay hindi ko masagot ng malinaw ang tanong, basta gusto ko lang mag-aral, ganoon lang kasimple. Kalaunan ay natuklasan kong ang pagiging manunulat ay walang katapusang pag-aaral, pagtuturo, pagbabasa at pagsusulat, walang katapusang pagdaragdag ng mga kaalaman at karanasan. Walang katapusang pagba-blog, hehe. May ilan namang nagsabi sa akin, libre ang blog ah, sayang ang mga materyales na inilalagay at ipinababasa mo ng libre. Para sa akin, hindi sayang kahit kailan ang makapagbahagi ng isa, o dalawang kaalaman sa mga nais matuto at makatuklas ng mga bagay-bagay sa paligid. Hindi maramot magbigay ng kaalaman ang manunulat. Iyan ang “katangiang” nakatitiyak akong taglay ng lahat ng manunulat sa mundo!
Hanggang ngayon, may mga pagkakataong nagtatanong pa rin ako tungkol sa kung ano ba ang gusto kong “maging” paglaki ko. Eh malaki (physically) na nga ako ngayon, hehe. At kabilang sa mga tanong na naglalaro pa rin sa isipan ko kung minsan-- kung naging artista ba ako sa tunay na buhay, ano kaya ang mga papel na ginagampanan ko? At kung naging singer ako, ano naman kaya ang kantang kinakanta ko?
Siguro... siguro lang naman, ang papel na ginagampanan ko sa pelikula, telebisyon at maging sa teatro ay ang mga tauhang isinusulat ko rin. At ang mga kantang kinakanta ko ay mga awiting isinasama ko rin sa mga romance novel na isinusulat ko.

Sunday, July 25, 2010
FREE WRITING WORKSHOP

Sampu hanggang kinse minutos lang, isang maikling kuwento na ang magagawa ng isang manunulat sa pamamagitan ng paggamit ng teknik na free writing.
Maraming nagsasabing gusto nilang maging manunulat, ang problema ay kung paano ito sisimulan. Mayroong hindi agad makabuo ng plot, mayroong mahina sa characterization, at mayroon cliché mag-dialogue. Maraming gustong maging manunulat o kung minsan nga’y manunulat na ngang talaga pero mayroong “weakness.” At ang weakness na ito ay tinatawag nilang mental block o kaya’y black moment ng kanilang mga sarili.
Kapag nasa ganitong kondisyon ang utak ng isang manunulat pero gusto niya o may pangangailangan siyang magsulat, may ilang pamamaraan para makapagsimula o may masimulan. Mahalaga sa pagsusulat ang may nasisimulan para may maide-develop na plot kaysa nananatiling hindi gumagalaw ang bolpen.
Maaaring pumili ng isang tahimik na lugar kung nanaisin. Pero ito hindi necessary. Kahit maingay, kahit magulo, kahit matao, kahit sa loob ng bus o jeepney, kahit nga sa mga fastfood, effective ang free writing sa mga ganitong lugar upang may makitang mga detalye, maliliit na bagay o mga pangyayaring puwedeng ipaloob sa plot na nais buuin.
Kung nasa mataong lugar, mas mabuting gumamit ng papel at bolpen upang mas madali ang pamamaraan kumpara sa laptop o makinilya. Isulat ang oras, lugar, panahon (temperature o ambiance), mga taong naglalakad o nakikita, mga karakter na may potensiyal na gamitin sa plot. Isulat ang mga walang kawawaaang naririnig sa paligid. Halimbawa, may dalawang batang namamalimos, “Ate pahinging piso. Ate ako rin. Alis, alis, ang babaho n’yo!” Isulat ang naririnig sa dalawang mag-boyfriend na nag-aaway, “Ano ba? Ano bang problema mo? Wala akong problema, nanakakainis ka. Akala mo hindi ko alam na itine-text mo si Anna.” Isulat ang aleng nagtitinda, “o suki, mura lang, bili na.” Isulat ang sinasabi ng jeepney driver sa pulis na nanghuhuli, “Boss kalalabas ko lang eh. Pasensiya na.”
Kapag naisulat na ang lahat ng bagay na narinig at nakita ay puwede na itong i-plot.
MILYU: KALSADA
ORAS: alas tres ng hapon
AMBIANCE: matao, magulo ang paligid, maingay, may mga vendor, maraming jeep sa kalye, mabibilis ang mga sasakyan, maalinsangan ang paligid.
MGA TAUHAN: mag-boyfriend, ale, dalawang bata, pulis, jeepney driver, tindera.
TITULO: may kinalaman sa kalsada.
Simulan na ang pagsulat ng plot o kuwento. Ano ba ang posibleng kuwento ng ganitong tagpo at mga tauhan? Drama ba ito? Comedy ba? Horror ba? Uso ang horror.
Ah, horror. Sige, horror.
Anong mga elemento ang puwedeng ilagay para maging horror ang kuwentong nasa gitna ng kalsada, alas tres ng hapon, at sa isang mataong lugar?
Challenge ito. Isang napakalaking challenge.
So, ang mga elemento ng horror na puwedeng ilagay ay asuwang, maligno, mga pangyayaring kakila-kilabot, multo, etc.
Okey multo. Challenging ang kuwentong multo sa katanghaliang tapat.
Ganito ko isusulat ang kuwentong nakita ko sa paligid.
Ang title: SA KABILANG KALSADA
Magulo ang paligid. Kasing gulo ng isipan ni Harvey, pagkatapos ay inaaway pa siya ni Marie. Maingay ang kalsada dahil sa mabilis na takbo at salitan ng mga pumapasadang jeepney. Makulit at maligalig pa ang dalawang bata na kanina pa nanghihingi ng pera kung kani-kanino. At naispatan pa ng dalawang ito ang isang aleng may kasungitan.
“Ate pahinging piso.”
“Ate ako rin.”
“ Alis, alis, ang babaho n’yo!”
Tapos itong si Marie, ayaw pang tumigil sa kangunguyngoy kay Harvey.
“Ano ba? Ano bang problema mo?”
“ Wala akong problema, nanakakainis ka. Akala mo hindi ko alam na itine-text mo si Anna?”
“Namputsa! Marie, ang tagal na noon! Matagal na kaming hindi nagkikita ni Anna!”
“Sinungaling ka! Kanina pa kaya siya nasa likuran natin! Kanina ka pa kaya niya sinusundan!”
“Ano?” Buong pagtataka ni Harvey. Nagpalinga-linga pa ito at tiningnan ang paligid para hanapin si Anna.
Narinig pa ni Harvey ang jeepney driver na nagpapaliwanag sa pulis na nanghuhuli. “Boss kalalabas ko lang eh, pasensiya na.” sabay kamot ng ulo.
Tumunog ang cellphone ni Harvey. May nag-text. Agad inagaw ni Marie ang cellphone at binasa.
“Marie, ano ba?”
“Sinungaling ka talaga, bakit mo sasabihing hindi na kayo nagkikita ni Anna? Bakit sinasabi niya ditong hihintayin ka niya sa kabilang kalsada?”
“Ano?” Lalong nagulat si Harvey. Hindi niya alam ang mga sinasabi ni Marie.
Pag-angat ng mukha niya, nakita nga niyang papatawid si Anna papunta sa kabilang kalsada, habang may paparating at rumaragasang sasakyan.
Sumigaw si Harvey. Para siyang namamalik-mata lang pero totoong lahat ang nakikita niya. Masasagasaan si Anna.
“Anna!!!”
Iglap at nawalan ng kontrol sa sarili si Harvey. Awtomatikong gumalaw ang mga paa niya para tumakbo, para iligtas si Anna sa tiyak na kapahamakan.
Hindi nakakilos si Marie. Natigagal siya. Lalo na ng makita niyang si Harvey ang sumalpok sa rumaragasang sasakyan. Hindi niya nakita si Anna. Hindi niya alam kung saan nakita ni Harvey si Anna at bigla na lamang itong sumigaw at nagtatakbo.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Nagkakagulo ang mga tao. Nakahandusay sa kalsada si Harvey. Wala ng buhay. Basag ang bungo. Pinaalis ng pulis ang mga taong nag-uusyoso. Napahesusmaryosep ang aleng hinihingan ng dalawang bata ng pera at dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay agad nitong naabutan ng tigsi-singkuwenta pesos ang dalawang bata. Parang walang anuman ang nangyaring aksidente para sa tindera, patuloy lang itong nagtinda. Ilang beses na raw kasi itong nakakita ng na-hit and run sa lugar na iyon.
Muling tumunog ang cellphone ni Harvey na hawak ng tigagal pa ring si Marie. Hindi pa nito nababasa ang text messages mula sa kapatid ni Anna na si Pol.
“Bro, patay na’ng kapatid ko, kaninang alas tres, pinaaalam ko lang para alam mo ang nangyari sa ex mo.”
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas, nakipagkita na nga si Harvey kay Anna sa kabilang kalsada.
eNd.
Marami pang posibilidad na maaaring gawin sa plot na nabuo o sa kuwentong nasimulang sulatin. Puwede itong maging drama, love story, comedy, etc. Mula sa dagli (o maikling maikling kuwento), puwede itong maging isang maikling kuwento o kaya'y maging isang nobela. Bakit ang hindi? Ang lahat ng malaki ay nagsisimula sa maliit. At ang maliliit ay ang mga detalyeng naka-ugnay sa malalaki.
Kasama sa workmode ng isang manunulat ay ang bumuhay ng mas maraming posibilidad na kuwento at pangyayari sa isang simpleng plot na nabuo. Habang gumagana ang isip sa isang nabuong plot mula sa mga nakita't napakinggan sa pali-paligid, patuloy lang ang manunulat sa pagtanggap ng mga ideyang payayabungin pa niya hanggang sa marating na niya ang pinakadulo ng kanyang isinusulat na kuwento. :)
Saturday, July 24, 2010
ILANG TIPS SA PAGSULAT NG HORROR STORY
Sa pagsulat ng horror story, dapat ay mas less ang dialogue at piling pili ang mga sasabihin ng tauhan dahil mas madalas ay lagi silang nakikiramdam lang.
“L-loleng… ikaw na ba ‘yan?” May mababakas na takot sa tinig ni Alva.
Sa pamamagitan ng dialogue na ito ay malalaman na may hinihintay si Alva pero hindi siya nakakatiyak kung sino ang darating o dumating. Tiyak may dumating dahil may naramdaman si Alva. At sa pamamagitan ng pakiramdam ni Alva, maaaring paglaruin ng manunulat ang imahinasyon ng mambabasa. Maaaring ang dumating ay hindi ang hinihintay ni Alva kundi isang malaking banta sa kanyang buhay o anumang bagay na may kinalaman sa takbo ng kuwento.
Parang laging time space warp dahil nagse-set muna ng mood sa eksena bago i-reveal ang mga nakakatakot na bagay. Kapag nauna na ang nakakatakot na mga eksena, wala ng thrill ang mga susunod na pangyayari. Parang ibinabad na agad sa suka ang pakiramdam ng mambabasa.
Maraming mga images o dark images na gumagalaw sa kuwento. Hindi necessary na i-reveal agad ito sa mambabasa. Mas maganda kung kusang nakikita ng reader ang mga images sa pamamagitan ng paglalaro sa kanilang imahinasyon.
Umatungal ang mga aso. May narinig si Alva na mga yabag… papalapit… Umangat ang pinto. Umingit. May aninong gumalaw at naglaro sa diwa ni Alva, ang karit ni kamatayan. Naglaro lang. Dahil hinding hindi niya gustong magkatotoo. Na dinalaw na naman siya ni kamatayan sa kanyang panaginip.
Mas descriptive ang lugar pero mas dark ang mood at description. Maraming nakikita sa pamamagitan ng mga salita. Ang mga naririnig kadalasan ay tunog lang, musika, tili, panaghoy, o kawalan. Gloomy ang kapaligiran o ambience. Mausok o mahamog. Malamig ang klima. Palaging nagbabanta ng malakas na pag-ulan. O akala mo’y uulan ng malakas o kauulan ng malakas. Mababa ang emosyon ng mga tauhan. Palaging cool, pati kilos, pati mga tingin. Mabagal ang kilos nila at palaging tumitingin sa takbo ng orasan. Kapag humahangos o nagmamadali, nariyan na ang panganib. Mas mae-excite ang mambabasa kapag ginamit ang mataas na emosyon, pagiging hyper, mabilis na pagkilos kapag nasa climax na ng istorya o nasa maigiting na pakikipagtunggali ang tauhan. Ang panahon ay mas nakakapagbigay ng malamig na pakiramdam sa mambabasa. At kung ang layunin ng manunulat ay ang manakot, kailangang mailagay muna niya sa ganitong pakiramdam ang mambabasa.
"Alas-tres na ba? Parang sais na ah. Naku, Pedro, sumilong ka na nga at mamya ay magsisimula ng mag-atungalan ang mga aso.”
Mas mabagal ang galaw ng oras at araw. Nakakainip sa simula ang kuwento na akala mo’y walang malaking pangyayaring magaganap. Isang tipikal na kuwentong pang-araw-araw lang. Parang walang anumang lumilipas ang oras. At kung kailan papadilim na ang buong paligid, ay saka pa matutuklasan ang isang bangkay na wakwak ang dibdib at laslas ang bituka. Tipong halimaw ang may kagagawan.
Mas epektib ang sigaw na walang sounds. Mas epektibo minsan ang mga sounds lang kaysa sa deskripsiyon.
“Bebong! Bebong! Maryosep na bata ka! Anong nangyayari sa’yo?Magsalita ka!”
Panay lang ang kumpas ng kamay ni Bebong na nagtuturo ng isang bagay na natuklasan. Parang ibinabad sa suka ang kanyang mukha dahil sa sobrang takot na nararamdaman. Hindi siya makasigaw. Ang kanyang tinig ay tila naibaon sa ilalim ng hukay dahil sa takot na nararamdaman.
Less blood. Kapag nai-set sa mambabasa ang bloody scene, nawawala sa kanila ang thrill at suspense. Masasanay na agad sila sa mga eksenang nakakabigla at nakakatakot. Kailangang makapag-set muna ang manunulat ng mga eksenang mambibigla.
Naglalakad si Bebong sa gitna ng talahiban. Ewan kung bakit bigla siyang nakaramdaman ng antok. Humikab siya, at habang nakapikit ay natalisod siya. Pagmulat ng kanyang mga mata, isang bangkay na nakataob ang gumimbal sa kanya.
“P-pa… patay!”
Marami ang mabubuong misteryo at mga kuwestiyon. Kaninong bangkay iyon? Bakit pinatay? Paanong pinatay? Bakit nasa lugar na iyon? Ang ang tunay na anyo, hitsura at kalagayan ng bangkay? Sa oras na iharap ang bangkay ay saka pa lamang malalaman na wakwak ang dibdib nito at laslas ang bituka.
Kailangang bigyang konsiderasyon ng manunulat kung ano ang kakayahan ng mambabasa na maging malikhain at magpagana ng imahinasyon. Laging isaisip na mas maraming nai-imagine ang readers habang sila’y nagbabasa kaysa sa ating mga nagsusulat. Huwag tawaran ang kakayahan nila o huwag limitahan ang kakayahan nilang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng manunulat. Hayaang papaglaruin ang kanilang imahinasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga “open images.” Sa ganoong paraan naise-set ang mood nila at mas nagiging nakakatakot sa kanila ang binabasa. Gumamit ng mga imahe na kabisado o nakaka-identify ang readers gaya halimbawa ng Friday the13th, malas na lugar, mga kasabihan, spirit of the glass, etc. Maaring gumamit ng milyu na masikip at madilim tulad ng tunnel, basement o abandonadong building. Maaaring gumamit ng konsepto ng luma gaya ng old house, portrait, old cementery, etc. Subukang bumasag ng mga kumbensiyon after makabuo ng isang traditional na plot. Halimbawa, ang white lady ay binasag ni Sadako bilang isang batang babaeng ghost. Lalaki naman halimbawa ang gawing multo, isang makisig na lalaki at tipong artistahin, tipong crush ng bayan! Only to find out, he’s dead a long time ago.
Gumawa ng hindi malilimutang ending.
Tumatakbo si Alva. Nakaligtas na siya. Tiyak niya sa sariling nakaligtas na siya. Nagpapasalamat na nga siya ng husto sa Diyos dahil sa kanyang kaligtasan. Hanggang sa mahapo siya sa pagtakbo dahil pakiwari niya’y paikot-ikot lang siya. Natigilan siya. Nakita niya ang sariling bangkay. Wakwak ang dibdib, laslas ang bituka. Nakasubo sa bibig niya ang lamang loob. May naalala siya. Naglaro sa diwa niya ang ilang eksenang naganap ilang sandali pa lamang ang nakalilipas. Mismong siya ang nakakita kung paano niya kinain ang sarili niyang lamang-loob hanggang sa tuluyan siyang malagutan ng hininga. Nakikipag-agawan ang katinuan ng kanyang isipan upang labanan ang kagimbal-gimbal na paglamon sa sarili niyang lamang loob. Huli na ng natuklasan ni Alva na nabigo siya. Nananaghoy na ang kanyang kaluluwa.
Monday, August 3, 2009
txt from a CCP insider
“Lamay at prusisyion: F. Sionil Jose, Arturo Luz, Bienvenido Lumbera, Virgilio Almario, BenCab will lead artists and community in a necrological serviceand funeral march for the national artist awards. Friday Aug 7, 2pm at the CCP front ramp. Makiramay tayo!”
SUPPORT THE PETITION
http://www.petitiononline.com/ccaparas/petition.html
Carlo J. Caparas is Not Qualified to be National Artist Petition
Source: www.petitiononline.com
Carlo J. Caparas is Not Qualified to be National Artist Petition, hosted at PetitionOnline.com

Saturday, August 1, 2009
PAALAM SA ATING INA
Saturday, July 18, 2009
POP LIT 101
ANG PAGPAPALAGANAP NG MGA KAHULUGAN AT SIGNS
Ang popular literature ay mabisang daluyan ng kamalayan dahil ito’y accessible sa market at maraming tumatangkilik. Kadalasan ay magaan ang lengguwaheng ginagamit kaya’t madaling maunawaan ang nilalaman. Nagiging instrumento ito sa pagbibigay ng bagong kahulugan ng ilang terminolohiya at ng mga bagong salitang umuusbong sa bawat panahon. Kabilang sa pop lit ang komiks, romance novel, horror stories, magazines, etc.
Ang unang kasangkapan ng pagpapalaganap ng pop lit ay ang wikang ginagamit. Kadalasan na nagagamit ay mga wikang islang at taglish, mga usong salita na dumaan sa proseso ng paglikha ng kahulugan.
Halimbawa, ang salitang papa sa mag-ina ay tumutukoy sa ama ng anak. Pero maaaring ang papa sa magkapatid ay tumutukoy sa boyfriend ng isang kaibigang babae. Ang salitang ang lupit mo naman ay na naging ekspresyon bilang paghanga. Ang lupit mo naman na ang ibig sabihin ay ang galing mo naman. Ang text messages gaya ng where na u? dito na me. Nangangahulugan ito ng usapan, meeting place at paghahanapan. Ang Text text na lang ay nagpapakahulugan ng pagtetext ng isang magkaibigan o magboyfriend. Ang mga ganitong proseso ay lumilikha ng signs at proseso ng komunikasyon. Ang salitang girl ay nangangahulugan ng batang babae subalit ito’y naging expression o pantawag sa isang kikay na babae. Ang salitang kikay ay nangangahulugan ng isang babaeng friendly, makulit, palatawa, palabiro, aktibo, sunod sa uso at may fashion trend.
May mga espekulasyon kung saan nagsimula ang salitang jologs subalit wala pang masasabing malinaw na batayan. May nagsasabing nagsimula ang ito sa fashion ng isang artista na tinawag na jolens at naging jologs. Mayroon din namang nagsasabi na ito’y nagmula sa salitang tuyo at itlog na siyang pagkain ng mga trying hard na maging elite. Hinango raw ito mula sa salitang mongoloid- pinaikli at naging goloid at nang baligtarin ay naging diolog/ diologs/ jologs.
May tatlong pangungusap na maaaring iisa ang pakahulugan subalit maaari din naming magkaroon ng iba’t ibang konotasyon. (1) Puzzle ang lalaki para sa babae.
(2) Pira-piraso ang lalaki para sa babae.
(3) Mahiwaga ang lalaki para sa babae. Sa una, simple lang ang gustong sabihin. Mayroong bagay na naguguluhan ang babae tungkol sa pagkatao ng lalaki, puzzle na kailangang pagdugtong-dugtungin upang maunawaan ang katauhan nito. Sa pangalawa, maaring ang lalaki’y hindi buo sa paningin ng babae dahil kulang ang pagkalalaki o pagkatao nito, pero posible rin na ang ibig sabihin ay ang literal na pira-pirasong katawan ng lalaki. Sa pangatlo, mahiwaga ang lalaki para sa babae, posibleng ang kahulugan nito ay mahiwaga dahil may plano itong pumatay o mahiwaga dahil may lihim ito. Ang paggamit ng salitang taglish ay nagpapagaan sa mga mambabasa kung paano babasahin ang kahulugan ng teksto. Mas madaling unawain ang kahulugan ng puzzle kaysa pira-piraso o mahiwaga dahil na rin sa pagiging biswal at kongkreto ng salitang puzzle. Ang puzzle ay isang uri ng board game na dala ng west culture at karamihan naman ay nakapaglaro na nito kaya’t pamilyar na ang lahat sa salitang puzzle.
May isang eksena sa nobelang When Forever Comes. Sa ilang palitan ng dialogue at ilang description ay maaari ng magkaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan at interpretasyon.
Nakangiti ang lalaki nang pagbuksan niya ito ng pinto. Dalawang taon ang tanda nito sa kanya. Walang okasyon pero may dala itong bote ng champagne. Hinagkan siya nito sa pisngi.
“How are you now?”
“Maganda pa rin.”
Pumasok sila sa loob ng condo unit.
“How’s life? Mukhang busy ka.” Pangungumusta ni Ralf.
“Parang ikaw. Hindi natatapos ang workload. Marami pa ring deadlines,” tugon niya “Hindi nauubos. Maraming problema sa editorial, hindi natatapos.” Tugon ni Kristin.
Sa loob ng ilang pangungusap ay naipakilala na sa mambabasa ang ilang katangian taglay ni Ralf. Sweet at masuyo siyang lalaki. Naipakilala na rin si Kristin bilang isang busy person. Nailarawan na rin ang katangian niya bilang babaeng pretty and witty. Sa palitan ng kanilang dialogue, obvious na magkakilalang- magkakakilala na sila. Nalaman na rin kung saan nakatira si Kristin dahil sa paggamit ng salitang condo unit. Base na rin sa tirahan ni Kristin ay alam na ng mambabasa kung ano ang standard of living niya. Ginamit rin ang champagne upang ipakilalang nasa middle class ang dalawang tauhan. Ang paraan ng kanilang pag-uusap ay nagpakilala rin sa dalawa bilang mga edukadong tao at may hanapbuhay.
Ang mga kahulugan at signs ay nabubuo dahil sa mga nagaganap na inobasyon ng pangungusap at ito'y higit na napapalaganap ng pop lit. Ito ay abstraktong nililikha ng tao’t kapaligiran at napapaunlad bilang instrumento ng komunikasyon sa loob ng isang partikular na lipunan.

Friday, July 17, 2009
MALIKHAING PAGSULAT 101
PLANTING O PAGTATANIM
Pagtatanim. Kadalasan ito ang nagiging problema o loopholes ng maikling kuwento o nobela. Ang nobelang hindi nagkaroon ng pagtatanim sa umpisa pa lamang ng kuwento ay walang aanihing bunga sa dulo ng istorya. Kapag hindi nagkaroon ng planting o pagtatanim ang dulo ng kuwento’y nagiging kabigla-bigla. Hindi kapani-paniwala ang biglaang pangyayari. Ang isa pang negatibong resulta ng hindi pagtatanim sa umpisa, nagiging mahirap lagyan ng resolusyon ang problema sa dulo. At upang mabigyan ng solusyon ang problema ay mamamatay ang antagonist sa pamamagitan ng aksidente o pinaparusahan upang magkaroon ng happy ending. Hindi na binibigyan ng importansiya ang malaking role ng antagonist kaya nagiging cliché ang ending. Kung walang back story ang antagonist, mas nagiging illogical at lalong nawawalan ng katarungan ang pagbibigay sa kanya ng characterization. Ginagawang masyadong masama ang antagonist para lang masabing kontrabida siya ngunit hindi na-establish ang mga pinanggagalingan niya.
Sa nobelang Remember Me Once More, Chapter 1, pahina 14- 17, isa ito sa halimbawa ng planting sa character nina Meg at Joshua.
Nasa harapan si Meg ng Film Center dahil manonood siya ng isang German Experimental Fil. Marami siyang kaklase at kakilala na manonood din, grupo-grupo ang mga ito. Napansin niya na nakatayo si Joshua sa isang sulok, panay ang hitit-buga sa hawak nitong sigarilyo. Napansin na naman ni Meg ang pag-iisa ng lalaki. Madalas ay ganoon si Joshua, nasa sirkulasyon, subalit parang wala. Hindi ito kasama ng maski na anong grupo; lagi itong isolated.
“Puwede nang pumasok! Itapon na ang mga sigarilyo, bawal ang usok sa loob,” announce ng isang lalaking may hawak na megaphone. Nagpasukan na ang mga manonood na estudyante. Nagpaiwan si Meg sa grupong kasama nya.
“O, bakit?” tanong ng isa sa mga kaibigan niya, si Haidee.
“Mauna na kayo, may hihintayin pa akong friend. Ipagreserba n’yo na lang ako ng upuan."
Wala naman talaga siyang hinihintay. Tumayo lang din siya sa isang sulok at matamang pinagmasdan ang kilos ni Joshua. Parang walang anuman dito ang nagaganap sa paligid. Nagmamadaling nagpasukan ang mga estudyante sa loob ng Film Center samantalang ito’y relaxed lang na nakatayo at panay pa rin ang hitit-buga ng sigarilyo. Nginitian pa siya nito nang magtama ang paningin nila. Nilapitan siya nito nang gumanti siya ng ngiti.
“May hinihintay ka?” Tanong sa kanya ng lalaki.
Marahan siyang tumango.
“Baka hindi na dumating iyon,” sabi pa ni Joshua.
“Ikaw, hindi ka pa ba papasok?” tanong naman ni Meg.
”Mamaya nang konti, inuubos ko kasi ito, sayang kasi.”
“Sayang ang usok?” nagawa niyang itanong sa lalaki.
Nagtama ang paningin nila at nakita niya ang makahulugang tingin ni Joshua, tinging tila sinusuri ang sinabi niya.
“I know you’re a critic, pero hindi ako pelikula na pinapanood,” sabi pa ni Meg.
Napangiti si Joshua sa kanyang sinabi, “Hindi naman kasi ako sa usok nanghihinayang.”
“Ano pa ba ang puwedeng panghinayangan sa sigarilyo bukod sa usok nito? Nicotine?”
Umiling si Joshua. “Sayang ang naiisip ko habang inuubos ko ang sigarilyo.”
At natigilan siya sa sinabing iyon ni Joshua. Ibang klase talaga ang pananaw at ideya ng lalaking ito, sa isip-isip ni Meg. Ubos na ang sigarilyo ay itinapon na ni Joshua ang upos sa basurahan.
“Let’s go inside, kung hindi mo na hihintayin ang hinihintay mo.”
Sumabay na si Meg kay Joshua sa pagpasok sa loob ng Film Center. Marami pang bakanteng upuan.
“Saan ka uupo?” Tanong sa kanya ni Joshua.
“Nasa harapan ang mga kaibigan ko, doon kami madalas na pumuwesto. Ikaw?
“Dito sa likuran ang paborito kong puwesto.”
“Nag-iisa ka na naman diyan,” puna pa ni Meg sa lalaki.
“Okey lang. Mas nag-iisa, mas maraming napapanood.”
“What do you mean?”
“Hindi lang naman pelikula ang dapat panoorin. Pati mga tao.”
“Then ayokong kasama ako sa mga panonoorin mo.”
At magkatabi silang nanood ng experimental film na nakasalang sa telon nang mga sandaling iyon.
Mula Kabanata 1 hanggang Kabanata 7 ay maraming nangyari hanggang sa nagkahiwalay sila. Muli silang nagkita sa Kabanata 8 pahina 99-100, ganito na ang usapan nila at dito ko na inani ang mga itinanim ko noon.
Nagkita sina Meg at Joshua sa cafeteria ng isang sikat na hotel. Malaki na nga ang pagbabago ng personalidad ng lalaki.
“You look good,” bati pa ni Meg.
Mas disente nang tingnan at kumilos si Joshua ngayon. Mas credible na ang personalidad at ugali nito.
“You look great,” ganting papuri naman ni Joshua.
Inaasahan na niya ang mga papuring iyon dahil totoong mas gumanda pa siya sa paglipas ng panahon. Mas lumutang ang kanyang kagandahan ng mag-late –twenties na siya. Nagsalo sila sa isang dinner at pagkatapos ay nagsindi ng sigarilyo si Meg. Napansin niyang pinagmamasdan siya ni Joshua.
“Why?” usisa niya sa lalaki.
“Naninigarilyo ka na pala ngayon,” nakangiting puna ng lalaki.
“Ikaw ang nagturo sa akin nito, remember?” nakangiti ring tugon niya.
“Napaka-bad influence ko pala sa’yo noon.”
“Don’t say that, choice ko naman ito.”
“Hindi na ako naninigarilyo.”
Siya naman ang natigilan sa sinabi ni Joshua at matamang pinagmasdan niya ang lalaki.
“Really?”
“Noon kasi, ginagamit ko ‘yan para mag-isip.”
“So, hindi ka na nag-iisip ngayon.”
At natawa na naman ng mahina si Joshua. Napansin ni Meg na kakambal na ni Joshua ang mga ngiti’t tawa ngayon. Parang ang gaan at ang saya na ng buhay nito.
“Ginagamit ko ang sigarilyo noon sa pag-iisip ng mga problema ko sa buhay.”
“So wala ka ng problema ngayon? Nagkabalikan na ba ang daddy at mommy mo?”
Umiling si Joshua. “It’s not like that. Hindi na big deal sa akin ang problema. I can handle it relaxed and easy. Sabihin na nating composed na ako ngayon. Alam ko na ang gusto ko, alam ko na ang ayaw ko.”
“Good thing for you, huh?”
“You look troubled,” puna naman sa kanya ni Joshua.
“What?”
“Hindi ka kasi mapakali kanina pa. Naiilang ka yata sa akin.”
Pinilit ni Meg na I-relax ang sarili. “Hindi naman, medyo naninibago lang ako.”
“How’s Gary?”
Natigilan siya sa tanong ni Joshua. “What about him?”
“Kumusta na kayo?”
Ayaw niyang pag-usapan si Gary; ayaw niyang magkuwento ng maski na ano tungkol dito; ayaw niyang ma-spoil ang gabi nila ni Joshua, ayaw niyang may masayang na moment dahil hinahabol niya ang oras lalo’t bukas ay ikakasal na siya kay Gary.
Sa umpisa ng kuwento, si Joshua ang lalaking maraming hang -ups sa buhay kaya’t naninigarilyo siya. Iyon ang kanyang manifestation. Si Meg naman ang naninigarilyo ngayon dahil pagkaraang makamit niya ang maraming tagumpay at ipagpalit si Joshua kay Gary --- sa paglipas ng panahon ay napagtanto niyang hindi ‘yon talaga ang tunay niyang kaligayahan at hindi si Gary ang lalaking papalit kay Joshua sa puso niya. Siya naman ngayon ang maraming hang- ups.
Ang kuwento ay tungkol sa dalawang tauhan na ang goal ay “searching for ultimate happiness.” Nagamit ang planting sa pagko-contrast ng personality ng dalawang tauhan at gawing cycle ang mga pangyayari sa buhay nila. Hindi na kailangang palabasing masama si Gary upang magback-out sa kasal nila si Meg. Si Meg mismo ang antagonist ng sarili niyang puso kaya hindi siya lumiligaya. Kailangan niyang ma-realize iyon para magkaroon siya ng happy ending. Kailangan niyang amining all these years, everything is a lie. And Joshua is the only real thing.

Monday, June 29, 2009
A GENIUS NEVER SAYS GOODBYE...
"If I knew that today it would be the last time that i will see you, I will embrace you strongly to be the guardian of your soul.
If I would know that there would be the last minutes
that i will see you, I will say to you, "I love you" and wouldn't assume that you would know it."
"Nobody would remember you if you keep your thoughts secret. Force yourself to express them."
GABRIEL GARCIA MARQUEZ

Friday, June 19, 2009
MY FATHER'S DAY
Ano kaya ang mararamdaman ng isang tao sakaling malaman niya na namatay na ang other woman ng kanyang ama?
Ano kaya ang naramdaman ko?
Nalungkot ako. Kahit nakakatawang isipin para sa iba na malungkot para sa kamatayan ng isang taong naging sanhi ng marami nilang kalungkutan sa buhay lalo na sa pamilya. Almost 26 years, mahigit pa sa kalahati ng buhay ko sa mundong ito sila nagsama. At kami ang nagmukhang other family. Kami ang dinadalaw paminsan-minsan. Masuwerte na ang once a month. Minsan nga pag may okasyon lang. Minsan absent pa.
Ngayon ko lang ito aaminin. Malaki ang naging epekto nito sa buhay ko. Sa pagkatao ko. Sa mga naging kalungkutan ko. Sa maraming mga luhang ibinuhos ko, sa script mang isinulat ko, sa loob man ng banyo, at mga paninisi sa bawat kabiguang dinaranas ko sa iba’t ibang yugto ng buhay… sa iba’t ibang phase ng pag-ibig.
Pero nalampasan ko ang pinakamabigat na stage, yung panahon na kailangan ko pa ng ama. Iyong panahon na marami akong tanong na hindi na masagot. Iyong panahon na pinipilit kong maging mabuting tao… baka sakaling kapag natuwa siya sa akin, eh baka maisipan niyang bumalik at huwag na ulit umalis. Nalampasan ko ang oras ng pag-aagaw buhay na wala siya sa tabi ko. Dahil naroon siya. Wala siya dito. Nagawa ko ang papel na dapat ay ginampanan niya.
Sabi nga, walang sakit na hindi napaghihilom ng panahon. Natanggap na namin ang lahat. Isang umaga ay nakita kong wala ng mababakas sa mukha ng aking ina na anumang pait sa dibdib. Sabi niya, nakapagpatawad na siya. Minsan nagdududa ako. Baka sabi lang niya.
Nitong mga huling gabi, nakaramdam ang aking ina ng pagkabalisa at hindi pagkakatulog sa gabi. Sabi niya sa akin, mamatay na raw ata siya. Sabi ko bakit alam niya? May tao bang alam ang oras ng kamatayan? Ewan daw niya kung bakit may ganoon siyang pakiramdam. Now, it make sense. Kahapon ay itinawag sa amin na sumakabilang buhay na ang other woman ng aking ama matapos ang halos sampung taon ng paghihirap. Siguro, may naging struggle pa rin sila sa isa’t isa unconsciously. Anuman iyon. Marahil ay mga pakiramdam iyon at pagtutunggali ng dalawang babae, gaya sa isang script… isang tagpo ng komprontasyong sa isip lang. May humihingi ba ng tawad at may nagpapatawad? Marahil. Siguro. Sana.
Ngayon, ano ang nararamdaman ko? Nagpapasalamat ako. Dahil sa kabila ng lahat… napatunayan kong totoo pala na napatawad na namin sila.

Thursday, June 18, 2009
FROM SCRATCH
SINONIMS
Naiinis ako sa kahol ng aso, nakakatulig
Habang damang dama ko pa naman ang pag-eemote
Sa gitna ng musikang unchained melody
Sa gitna ng tila sasambulat kong utak na mabigat
Sa gitna ng aking pagdadalamhating hindi naman dapat
At ng luhang di naman pumapatak
Tatahimik lang sandali pero ayan na naman
Walang tigil ang habulan ng mga batang kalye
Walang puknat ang satsat ng mga tsismosa sa tabi-tabi
Wala namang pagsidlan ang lungkot
Wala kasing gamot na nabili
para sa pusong tila napepeste
Hay… naalala ko magsasaing pa pala ako
Hindi pa kumakain ang nanay ko
Maghahanda pa ng dogfood ng mga alagang aso
Maglilinis pa ng kotse, maghahanap pa ng liyabe
Eto’t tulala’t wala pa rin sa sarili
Kailangan pang magpagpag ng memory
Biglang nag-ring ang telepono
Nasa kabilang linya ang half sister ko
Sumakabilang buhay na raw ang nanay niya
Nabigla ako’t napatingin naman sa nanay ko, sabay sabi sa sariling…
Nalalaman talaga ang halaga ng buhay
Kapag may namamatay
parang pag-ibig.

Saturday, February 21, 2009
BLOGGERS EFFECT
Busy busy busy days talaga kaya walang entry sa blog na maski ano sa loob ng ilang buwan. Anyway, nakakatuwa na kahit walang latest eh may mga sumusulat pa rin at may nakakabasa ng blog na ito. Karamihan ay iyong tungkol sa malikhaing pagsulat at iyong iba ay tungkol sa nobelang panitikan o mga research work sa schools tungkol sa pop lit.
Kung matatandaan, sinimulan ko ang blog na ito sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pop lit gaya ng komiks, romance novel, horror stories atbp. Hanggang sa sumegway ako sa malikhaing pagsulat, tula at mga personal na anecdotes ko at iba pang importanteng bagay sa buhay ko. Hanggang sa may nagcomment na nga sa akin na anonymous na ito raw “ang pinakawalang kuwentang blog na nabasa niya.”
Noong mga panahong iyon, plano ko na sana talagang burahin ang blog na ito kasi alam kong magiging busy na ako. Then ang super nega comment na ito ay natanggap ko, at naisip kong baka akalain ng anonymous na ito eh siya ang dahilan kung bakit ko ito biglang buburahin, baka maging guilty ako sa paningin niya, ahaha. Joke… joke… joke…
Ang totoong dahilan eh baka nga dumating ang time na hindi na ako makapag-post ng anumang artikulo dahil sa dami ng workload na tinanggap ko. For the time being ay hinayaan kong floating ang status ng Bulate Spotmind… and surprisingly, may mga natatanggap akong mga sulat every now and then, until I found out na maraming nagreresearch sa blog na ito dahil sa mga topic na naisulat ko na. I’m so flattered. Kaya sa abot ng makakaya ko ay susulat ulit ako maski pakonti-konti lalo na tungkol sa paksang pop lit, malikhaing pagsulat o maski ano pang mga bagay na maisipang isulat.

Subscribe to:
Posts (Atom)