hi randy,
tama ka sa obserbasyon mo na ilan lang o baka walang tsansa ang mga umaasa na short story writer na maka-penetrate sa komiks na nasa market ngayon. okey ang naging panawagan mo na sana ay magkaroon ng isang komiks na maaaring gawing "pandayan" ng mga manunulat ng henerasyong ito.
"manunulat ng henerasyong ito", ayokong tawaging "baguhan" ang mga manunulat ng henerasyong ito dahil subjective ito. ang baguhan na kadalasan na itinuturing ay iyong nasa edad na late 20's hanggang early 40's. kung mayroon mang nasa edad na early 20's ay mangilan-ngilan lang at marahil ay may karanasan na rin naman sa pagsulat sa ibang genre. naniniwala ako na sakop din sa tinatawag na "baguhan" ay yung mga hindi nagsisikat noong 90's. eto ang napapansin kong pamantayan ng pagtawag sa "baguhan" at sa pagtuturing kung sino ang hindi baguhan. halimbawa sa generation na pumasok noong late 90's, pakiwari ko'y tatawagin pa rin silang baguhan maski sangkatutak na mga obserbasyon at pag-aaral ang kaya nilang sabihin o i-share para sa ikauunlad ng komiks. wala naman kasing tunay na baguhan na ngayon pa lamang magsusulat ng kanilang unang script. kundi baguhang nagsisimula ulit ng kanilang mga career sa mundo ng komiks at naghahangad ng pagkakataong sila naman ang "sumikat". natatawag lamang silang baguhan dahil sa "rate". kapag binigyan ng mababang rate, baguhan daw kasi. maski nagsulat o nagdrawing na noong 90's pa.
ang mas gusto kong bigyan ng papuri, puna, at panunuri, ay ang mga nailabas na kuwento sa 5 komiks ngayon. gusto kong bigyan ng mas malalim na pag-aaral kung saan na nga ba nakarating ang itinuturing nating batikang manunulat at kung maisasalba pa nga ba nila ang komiks kung ang pagsusulat ng nobela at kuwento ang pag-uusapan. higit sa lahat, dapat din nating tingnan na ang pag-unlad ng komiks ay nasa kamay rin ng mga mambabasang tatangkilik nito. paano ba sila nag-react o magre-react sa mga ganitong istilo ngayon ng pagkukuwento? katanggap-tanggap ba ito sa kanila? magiging kritiko ba sila? nais ko ring bigyan ng pansin kung umunlad na ba ang kamalayan o tumaas ba ang panlasa ng mambabasa mula ng magsimula ang komiks noong 40's hanggang sa kasalukuyang panahon. o baka nga tuluyang nabansot na. ang pagsagip sa komiks ay hindi lamang kasi nasa kamay ng mga "creator", higit sa lahat ay nasa kamay ito ng mga tatangkilik na mambabasa. sana ay abangan mo ito blog ko ito.
glady
Eto ang comment ko kay randy sa kanyang blog re-MAY FUTURE NGA BA? mahaba-haba ata ang comment ko. parang blog ko na rin, hehe. anyway, salamat sa blog ni Randy dahil nakapag-komento ako at may pasisimulan akong talakayin tungkol sa komiks.
Sa totoo lang ay masyadong sensitibong isyu o paksa sa akin ang komiks ngayon. marami ang hindi nakakaalam (mayroon din namang ilang nakakaalam) kung ano ang tunay na pinagdaanan ko, (naming tinawag na tatlong itlog sa komiks, ako, tita josie at tita opie). hindi ito sagot o sentimiyento sa kung ano ang nangyari. sa totoo lang, hindi ko pa alam kung kailan namin tunay na babasagin ang aming pananahimik tungkol sa mga isyung nasangkot ang "tatlong itlog!" hindi ko pa ito ngayon tatalakayin. (baka bukas pa. hehe.)mas pinili naming manahimik, pero hindi namin pinag-usapang manahimik kami. isinusulat ko nga ito nang hindi nila alam at sana'y hindi sila magalit sa akin na nabanggit ko ang pangalan nila bilang nga starring sa "tatlong itlog". marahil ay kapwa lang kami nagpaka-professional at ayaw naming magbigay ng kalituhan, paksiyon o magdagdag ng sentimiyento sa mga nangyari. pero kung isang araw, ay hihingin ng pagkakataon na pagsalitain ako tungkol sa isyu, tatayo ako at hahawak ng mikropono para magsalita(hindi second opinion lang) kung ano ang kailangang marinig ng mga taong sangkot at nagsasangkot-sangkutan lang tungkol sa mga isyu. isa lang naman ang gusto kong ipaliwanag sa lahat, kung paanong kami nina tita opie at tita josie ay tinawag na "tatlong itlog" sa isang poison letter (isang poison letter na kumukuwestiyon sa layunin naming ibalik ang komiks sa Pilipinas) habang may advocacy kami na pataasin ang antas ng panulat sa komiks sa buong Pilipinas sa ilalim ng pangangasiwa ng komiks kongres (noon) at sa tulong ng KWF at NCAA. at kung paanong ang mga taong tumawag sa amin nito at nagpadala ng nasabing poison letter ay "nakikinabang" ngayon sa komiks. kung paano ito nangyari? bwahahahahaha! hindi ko alam.
pero sa kabilang banda ay baka nga mas tamang ituloy na lang namin ang pananahimik. baka nga mas tamang gawing dead issue na ito. nabanggit ko lamang ito para sabihin at patunayang "hindi sa isang pananahimik" lamang natatapos ang tunay na laban. hindi mamamatay ang aming advocacy na "itaas ang antas ng panulat sa komiks" dahil lamang sa "iilang" personalidad na taliwas ang advocacy sa amin. o dahil lamang sa isang "poison letter". kaya nga ako gumawa ng blog ay upang ipagpatuloy ang advocacy naming ito. mahal po namin ang komiks at mga taga-komiks! iyan po ang tunay na niloloob ng "tatlong itlog". magkakarugtong po ang mga mga puso't bituka namin kung usaping pang-komiks ang pag-uusapan.
sa pagkakataong ito ay mas nais kong pagtuunan ng pansin ang komiks at ang kalagayan nito sa panulat, gayundin ang mambabasang tatangkilik at babasa nito. nakita ko ang pangangailangan ng isang objective na pagtalakay sa kalagayan ng komiks ngayon. bilang isang manunulat ng pop lit (kabilang na ang genre ng komiks), bilang guro sa panitikan, pop lit at wika, bilang isang iskolar ng bayan na patuloy na naghahangad ng kabaguhan at higit na kabutihan, bilang isang mambabasa na magpapatuloy magbasa at magsusulat (komiks man o mga disertasyon), at bilang isang tao na bahagi ng lipunang sangkot sa mga sistemang umiiral, nais kong pagtuunan ng pansin ang mga kuwento/ nobela kung paano ito nagdudulot ng epekto sa "stream of conciousness" ng isang mambabasa. positibo o negatibo man ito, mahalagang talakayin ito upang higit na maunawaan ang kalagayan ngayon ng panulat ng mga manunulat at ang epekto ng kanilang mga isinusulat sa kamalayan ng mambabasa. ang komiks ay popular na babasahin at accessible ito ngayon sa market. lahat ng uri, antas, gender, edad ng tao ay maaaring makabasa nito. mahalagang maunawaan ng mga manunulat ng komiks (in general)kung anong klaseng "readership" mayroon ang panahong ito upang ang panulat ay higit na makatugon sa pangangailangan ng mambabasang mayroon ang lipunan at henerasyong ito.
MAGPAPATULOY PO ANG PAGTAKALAY KO SA MGA LUMABAS NA NOBELA AT KUWENTO SA MGA SUSUNOD NA ARAW...
Friday, September 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
Mabuhay ang tatlong itlog! Sa pagkakaalam ko,ang itlog ay masustansiya at nakakadagdag talino. Okay lang na maging itlog, basta't hindi tulad ng iba riyan na bugok :D
Anumang panira ang gawin ng iba, alam ng mga tunay na nakakakilala sa inyo ang tunay n'yong pagkatao. Amen.
Pwede po ba kayong magsalita ng Cebuano? Baka kasi walang makaintinding komiks reader.
Salamat.
Rob
hello maia,
salamat sa suporta! bagama't hindi ka nakabilang sa "tatlong itlog" dahil sa isyung ito, alam mong bahagi ka ng kabuuan naming lahat bilang isang matalik naming kaibigan.
mabuhay ka!!!
hi rob,
isang frustration ko na hindi ako marunong magsalita ng Cebuano. how i wish kaya kong pagbigyan ang request mo. pero subukan kong makahanap ng translator para sa kapakanan ng nakakarami.
maraming maraming salamat!
Ano po ang inyong masasabi tungkol sa isyu ng ilang mga 'English" or "Western" oriented Filipino comics artist na sa panahon ngayon ay wala na, o mahirap nang magbigay ng depinisyon kung ano ang ibig sabihin ng "Pilipino"?
Na dahil nga sa mahirap nang magbigay daw ng depinisyon kung ano ang Pilipino, okey lang daw na ang salita ngayon sa Pilipino comics e ENGLISH at ang tema at milieu nito ay maaaring hango sa America at ibang western media. "Art" lang daw kasi ito and art is UNIVERSAL; walang kinikilalang nationality.
Kung gayon, ano bang klaseng comics ang magiging resulta kung ang manlilikha nito ay litong-lito o walang pakialam sa kahulugan ng "Pilipino"?
Ano nga ba ang Pilipino Komiks? Bakit ba kailangang gumawa ng PILIPINO komiks? Para kanino ang Pilipino komiks?
napadaan lang po... :)
Yeah! ang dami nakakalat na tao ngayon sa industriya ng komiks na kaya sumasama ay para lang sa pansarili nilang interes.
Mabuhay kayong tatlo at ipagpatuloy ang laban!!!
mas maganda na mailabas ang ideya o saloobin tungkol sa komiks imbes na manahimik Glady. Agawin na ang mikropono kapag may pagkakataon. Baka sakali mahimasmasan ang mga kumag na yan. Kasama mo ako sa laban. kahit dito lang sa blog mo!
Ey glady san ko ba mababasa ung link ng nanira sa inyo? o iyong poison letter na inukol sa inyo?
Maraming salamat! Mabuhay ang kuturang atin na Pilipinong Komiks!!!
Marunong akong magbisaya o cebuano glady. kung gusto mo try kong itranslate iyong request ni rob?!
kung payag ka email mo na lang ako d2 rommel_fabian@yahoo.com
Salamat!
hello Rommel,
maraming salamat sa pagsuporta. ang nagpapanggap na rob ay hindi tunay na rob kundi gumagala lang sa mga blogsite ng komiks. marahil ay para lang mambulabog. hehe. pero sa palagay ko naman ay nasagot ko na sa kanya ang mga tanong niya kaya siya nanahimik na.
anyway, tungkol sa poison letter, siguro ay matagal na itong wala at nanahimik na rin ang kung sinuman ang gumawa nito. marahil ay nakikinabang na siya ngayon ng husto sa pagbabalik ng industriya ng komiks. hehe.
hangga't may pagkakataon, magsasalita talaga ako kung para sa kapakanan ng marami at ang kalagayan ng komiks ang nakataya.
salamat at sana'y patuloy ang iyong suporta sa lahat ng nagmamahal sa komiks.
Advance Happy Christmas!
Glady
Post a Comment