paano nga ba ang sumulat ng isang horror stories? may kaibahan ba ito sa pagsulat ng ibang kuwento o iba pang genre?
well, mayroon din siyempre. sa pagsulat ng horror stories, hindi mawawala ang ilang elemento na taglay ng pagsulat ng maikling kuwento, pero may mga elemento na kailangang idagdag at pag-aralan o paghusaying mabuti. kailangang maging skill ng isang manunulat na ibig sumulat ng horror stories ay ang pagiging madetalye ng mga pangyayari o nangyayari, emosyon at mga galaw ng tauhan. less dialogue the scarier. ang dialogue ang magsisilbing breaker lamang, para makapag-pause lamang ika nga ang mambabasa, at para makapagpahinga lang sandali, pero hindi ito dapat ang magpapalamlam ng kuwento. sa halip, may malaking impact dapat na idudulot ito. halimbawa sa aking isinulat na dagli na may titulong YOSI, eto lang halos ang dialogue- "kilala ko ang lalaking ito, si Jose ito!" ang dialogue na ito ang nagsilbi na isang rebelasyon na ang Jose na kasama ng mga kalalakihang nakikihukay ng mga bangkay na natabunan ng lupa ay isa ng multo.
unang kailangang isaisip ng manunulat na mas descriptive ang pagsulat ng horror stories kumpara sa ibang genre. mas madetalye ang emosyon, ang mga nakikita at kung ano ang mga hindi nakikita-- sa ganitong istilo ay mas nakapaglalaro ang imahinasyon ng isang mambabasa. mas involve ang imahinasyon ng isang mambabasa, mas epektibo ang istilo dahil nagc-create na sila sa kanilang mga isipan ng mas maraming pangyayari at mas katatakutan. ito ang ang unang kailangang ma-achieve ng manunulat, ang mapasok at mapagalaw ang imahinasyon ng mambabasa. sa pamamagitan ng kanilang pagkukuwento, ang kailangang ma-achieve ay ang pagkakaroon ng mas malalim na ugnayan ng kamalayan at makapag-fill in the gaps sa mga eksena ang mambabasa. dito mas nakakalikha ng katatakutan ang manunulat.
TO BE CONTINUED PA ITO...
Tuesday, September 18, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Salamat sa tips! Gusto ko talaga maging horror writer... Teka po, sa'n ho ba pwedeng magpublish ng mga horror short stories/novels? Tulong naman po.
sa ngayon PSICOM ang maraming pinapublish na horror stories. puwede mong icheck ang kanilang address at website address sa mga published books nila.
thanks.
thanks po...
Post a Comment