Monday, September 17, 2007

Una kong hirit!!!


hello sa akin.

wala talaga akong alam sa mga ganitong blog. hindi ako computer addict. ang computer sa akin ay para lang sa pagsulat ng script, paggawa ng grades at pag-research sa yahoo. at higit sa lahat, pang-games kapag bored na ako (solitaire lang pati). lately lang ako nakapaglaro ng mga reflexive games nung mag-upgrade na ako ng comp. may bookworm na rin ako. hehe. hindi talaga exciting sa akin ang magkaroon ng computer. kadalasan gamitin ito kapag maraming deadlines, at nung active ako sa pagtuturo. so what else is new?

pero ayon kay tita josie, bakit daw hindi ako mag-blog? dami ko daw kailangang sabihin at i-share. at sa tuwing naiisip ko ang naging advocacy namin (sa komiks man o sa romance novel), together with tita opie, narealize ko, why not? hindi ako sanay sa mga ganitong mala-diary na usapan, mga testimonya, comments at kung anu-ano pa. minsan, may away at bangayan pa sa mga isyu ang mga taong magkakakilala at hindi magkakakilala at ang may-ari ng account ang nagsisilbing taga-awat o minsan ay tagabanat!

sa totoo lang napaka-pribado kong tao sa tunay na buhay. ilan lang ang nakakaalam ng cel number ko at ilan lang ang naka-save na number sa akin. gayundin sa email add ko at mga email add sa akin. hindi ako mahilig mag-text o mag-chat. kung titingnan ay boring akong tao. hehe. but sabi nga sa isang kasabihan, don't judge the book, i'm not a book. hehe. what i really mean to say is... hindi lang talaga ako mahilig sa mga ganitong bagay dahil istorbo lang ito sa aking palagay. pero hindi ibig sabihin ay wala akong kayang sabihin o walang laman ang mga sasabihin ko. mas ibig sabihin na tamad lang talaga ako. hehe.

sa totoo lang trial and error ito. baka sakaling makatulong ito sa sarili ko, at siyempre, baka may ma-share ako sa mga magbabasa nito o papansin nitong blog ko. ewan ko lang ha? so aside from mga walang kuwentang dahilan, baka mas ito pa ang tunay na dahilan ko...

sa tuwing naiimbitahan ako sa mga speaking engagement, maraming tanong na hindi ko masagot dahil sa kakulangan ng oras. libreng seminar man sa UP hanggang Western Visayas sa Iloilo, maraming tanong na hindi nabigyan ng pansin. marami akong mga guesting sa iba't ibang lugar at panay ang hingi sa akin ng e-mail add ko. panay ang bigay ko ngunit isa man ay walang nagkalakas ng loob na mag-send ng kanilang storyline o plot man lang. haha! walang appeal ang email add ko sa kanilang lahat! iniisip ko na lamang na marahil ay may iba't ibang kadahilanan. maaaring ...1) hindi sila naniniwala na may sasabihin akong tama o maganda 2) wala lang talaga sa kanila ang workshop na dinaluhan nila at hindi sila seryoso 3) aksaya sa oras 4) atbp.

ang blog na ito ay pagkakataon kong sumagot sa mga maraming katanungan noon, ngayon at sa darating pang panahon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa popular na literatura o ang pag-usbong ng iba't ibang genre na tinatangkilik ng masang mambabasa. komiks man, romance man, horror man, tv script man, kuwentong pambata man o kung anuman. ang blog na ito ay pagkakataon ko ring magbigay ng free workshop sa mga nagnanais na maging manunulat, o nais magsulat ng kung anu-ano tulad ng pagsulat ng romance novel, komiks script, tv, dula, kuwentong pambata, horror story at kung anu-ano pa. puwede rin akong maging adviser ng thesis writing. hehe. at dahil libre, sanay dagsain ito. hehe. kung maniniwala sila sa mga ituturo ko, problema na nila yun. hehe pa rin.

ang blog na ito ay pagkakataon ko na makapagsulat ng libre para sa mga mambabasa. kung may magbabasa maliban sa bestfriend ko in life na si les. at number one fan ko (daw!). gusto ko kasing magsulat na di ako binabayaran ng publisher at di ako makikipag-compromise sa gusto nila. pero dito lang sa blog ha? baka mamya dumagsa ang offer na walang bayad. basta dito sa blog ay magsusulat ako ng mga isyu, kuwento at kung anu ano pa na hindi ako mae-exploit ng sistema at standard na umiiral sa iba't ibang genre ng pop lit. hangga't kaya ko, araw araw akong susulat ng kuwento. wala itong deadline. so mainip na ang maiinip na mga susubaybay. hehe. dahil gusto ko ng nobelang itutuloy. may mga short story din. dagli. social commentary na mala-jessica zafra. puwede ring yung chicken soup of the day ay gawin kong noodle soup of the day. puwede ring three in one coffee o instant coffee ang title para sa mga coffee table book. gusto ko ring magbasag ng convention this time. yung hindi ako susunod sa kung ano ang linear. yung walang standard. so kung magulo, goodluck na lang sa mga magkakainteres na magbasa. hehe. at sa mga nais i-pirata ang mga kuwento ko, goodluck na lang din sa inyo. sana ay magandahan kayo kaya n'yo ipipirata. haha. gusto ko ring gumawa ng isang serye dito sa blog ko na ang title ay DIGITAL KARMA.

ano pa ba ang plano ko? gusto ko rin maglagay ng mga pix ko para naman magkahilig na akong magdala ng camera sa tuwing may mga function akong dinadaluhan. At higit sa lahat, para makita ninyo kung sino ako. kung anong hitsura at kung anong klaseng tao ang isang tulad ko...






7 comments:

Anonymous said...

kapatid sa panulat, salamat naman at marunong ka nang mag-blog. isa ito sa mga susubaybayan ko dahil talaga namang maraming matututunan kapag ikaw na ang nagsalita. and please, ituloy mo 'yung DIGITAL KARMA. ang ganda niyan.

-tita opi

gladi said...

re-DIGITAL KARMA

coming soon na po ito!!! pakaabangan at baka mamya lang ay mayroon na. salamat ng marami sa iyong pagtitiwala, kaibigan... )mala- Boy Abunda ito) sana nga'y marami akong masabi sa blog na ito.

Anonymous said...

Finally!!! May blog ka na, mapawawalan mo na rin ang excessive creative energy mo, at tuwang-tuwang-tuwa ako. [Wala bang happy icon dito? :=/]

Seriously, I'd like to express my pleasure not necessarily for your wise decision to venture into the blogosphere, but my pleasure is reserved for all those who'd learn a thing or two or more from your posts.

So now, I shall look forward to reading your blog as part of my daily fare.

Keep 'em sharp, Glady!

gladi said...

thanks tita, hope meron nga sila makuha from me. exciting to. hehe.

Anonymous said...

tita glady!
palagi ko binabasa blog ni lolo kc. d ko alam magkaklase pala kayo sa blogspot.

congrats! blogger ka na pala.

airaL

gladi said...

hi friend,

oo nga! bisita ka lage ha? kala mo di ko kilala si airaL? hehe.

monsanto said...

Welcome po sa mundo ng pagboblog :)