Tuesday, September 18, 2007

LOVE 101.COM

Nakasanayan ko na gawing parte ng klase ko sa kolehiyo ang LOVE 101. sa totoo lang ay wala naman itong kinalaman sa mga subject na itinuturo ko. wala ito sa syllabus o sa curriculum ng Filipino 1 (Pagbasa at Pagsulat) at maging sa Filipino 2 ( Research) at lalo naman sa Rizal o sa Humanidades. Basta nakasanayan ko lang. Isa kasi sa mga final project sa akin sa Filipino 1 na isinasabmit ng mga estudyante ko ay ang dyornal. at bahagi ng dyornal nila ang mag-share ng pang-araw araw na buhay nila. hindi nawawala ang isyu ng pag-ibig. may mga nagbabasa ng love letter sa klase, may mga notes at kung anu-ano pa. memories. sentimental things na nais nilang i-share sa klase. nakakatuwang basahin ang mga tunay na love story ng mga estudyante. inspiring. nakakakilig. parang lagi mong gustong ma-in love. mas nauunawaan ko bilang guro nila ang kanilang mga pinagdadaanan. bagama't batid kong nape-pressure sila sa hirap ng mga lesson ko sa klase (ikaw ba naman daw ang maging estudyante ni Prof. Glady), may breaker naman kami sa tuwing LOVE 101 na. breaker ko ito sa kanila. pampasigla. pampagana para sa mga susunod na assignment, paper at reporting na gagawin nila sa klase ko.

gusto kong i-share ang mga kuwentong narinig ko, natuklasan, nabasa, napanood, naranasan ng iba at naranasan ko na may kinalaman sa pag-ibig. gusto kong i-share ang noon, ngayon at ang mga darating pa.

nasanay akong magpayo tungkol sa pag-ibig. sa mga kaibigan. sa mga kakilala. nagkaroon ako ng serye sa LOVENOTES komiks na tumagal ng humigit kumulang na pitong taon, ang DEAR HEART SERIES ni Ate Glady. partner ko ditong illustrator ang kaibigan kong si El Ortiz. Totoong dinagsa ito ng mga sulat na humihingi ng payo sa pag-ibig at totoong nahasa ako sa pagpapayo sa mga isyung minsan ay sensitibo.

sa puntong ito ay hindi ako magpapayo, kundi magse-share lang. kung may ibig magpayo at mag-comment ay bukas ang blog na ito para sa lahat ng babasa ng LOVE 101. com. welcome kayong lahat dito. mga pusong in-love, mga pusong sugatan, mga pusong may lamat, mga pusong walang pag-ibig, mga pusong tunay na may puso.


MA'AM
isang estudyante ko ang nagkagusto sa isang teacher. tinanong niya ako kung posible ba daw yun. sabi ko, oo naman, posible naman. pero bawal. bakit daw bawal? for professional reason. puwedeng maalis sa trabaho ang isang guro na mapapatunayang nagkaroon ng relasyon sa isang estudyante. hindi na pinag-uusapan dito ang edad o katayuan sa buhay. basta ang isyu lang dito ay baka makasuhan ng sexual harrasment o corruption of minor yung guro. eh kelan daw puwede? sabi ko, basta kapag hindi ka na niya estudyante. ilang taon ang lumipas at hindi na ako nagtuturo sa dating school na pinagtuturuan ko. nag-text sa akin ang estudyanteng iyon, ang sabi sa text. hi mam, miss you na, siguro naman ngayon ay puwede na.

4 comments:

Anonymous said...

mam naman. bakit ka nambubuko? (jokes)

-tita opi

Anonymous said...

tita opi,
kelan ka naman magba-blog?

gusto ko ring makabasa ng mga sharings na nagmumula sa isang taong hindi ko pa lubusang kilala.

akala ko, super seryosa, komikera rin pala.

Bluepen said...

Hi! Mam, ako po ito yung nag text...

Ay! Soweee joke lang po..ahehehe

Ang cute ng ni share mo, gusto ko sha...Yung nag text...

hahahha Joke lang ulit...

Kau po pala ag nagpapayo sa Lovenotes... kung natatandaan ko pa, nasa 1st year ata ako nun nung makabasa ako nun...

Cge po Mam ingat p kau parati... Hayaan nyo hindi na ko mag te text... Hahhaha Joke po ulit... weee
Cute po talaga ng ni share nyo... natawa ako...

Thank u sa pag share...

gladi said...

HELLO BLUEPEN,

ikaw ba talaga yun? haha!

anyway, thanks sa pagbisita dito sa blog ko. mag-share ka na rin ng love story mo dito sa love 101.hehe. basta welcome kayong lahat dito.

thanks and good day!!!