ma-appeal ang horror story sa mambabasa, manonood at maging sa mga manunulat o artist. ma-appeal dahil makulay (kung matatawag na makulay ang black at red) hehe. experiment ang ginawa ng director sa kanyang FENG SHUI dahil contrast ang ginamit nitong atake. pulos maliwanag ang eksena kaya't kitang kita ang mga detalye. maraming prosthetics at mga light at sound effects na ginagamit. nakapaglalaro ng imahinasyon ang mga artist, director, writer at maging ang acting ng mga gumaganap sa pelikula. isa ito sa mga dahilan kung bakit patok na patok ang mga horror film (maging sa indie). dahil mayaman ang imahinasyon ng mga mambabasa, manonood at gumagawa nito (pelikula man, komiks atpb) isa sa mga yumaman ng husto ang REGAL FILMS sa kanilang sequel na SHAKE, RATTLE AND ROLL, sumikat ang PSICOM dahil dito. pati kuwentong pambata ay may elemento nito. sa tv ay nariyan ang NGINIIIG, at maging ang MGA MATA NI ANGHELITA ay may elemento ng katatakutan. ang komiks ang isa sa naglabas ng laksa laksang kuwentong katatakutan, may research based, may imbento at may imbentong imbento. dahilan din ang pagsikat ng horror story sa komiks kung bakit dumagsa ang mga manunulat sa komiks na tinawag na "tagabili ng suka". Kopya ko lang ito sa "negatibo at mapanirang" tawag sa ilan (hindi lahat) na movie writers. maraming nabigyan ng trabaho at mga bibig na napakain ng mga kuwentong katatakutan sa komiks. kabilang dyan ay ako. ewan ko lang kung isa rin ako sa matatawag na "tagabili ng suka" na sumulat ng laksa laksang horror story sa komiks. but as far as i'm concern, hindi siyempre. kakampihan ko siyempre ang sarili ko. hehe. pero hindi ito ang isyu. ang isyu ay kung bakit ito pumatok, pumapatok at tiyak na walang kaduda-dudang papatok pa. sa mga nagbabalak na sumulat nito, masasabi ko na nararapat na malaman nila kung ano ang pinanggagalingan nito at kung ano ang dapat na panggalingan nila.
simple lang ang mga nakikita kong kadahilanan ng pagpatok sa atin ng kuwentong katatakutan. sa maniwala tayo't sa hindi, bahagi ng kultura natin ang katatakutan. nagsisimula ito sa ating pamilya. huwag kang lalabas, may mumo. kukunin ka ng tikbalang! kakainin ka ng aswang. may kapre sa puno. may manananggal sa bubungan at kung anu-ano pa. bata pa'y naniniwala tayo sa mga hindi kapani-paniwala. kaya mas malalim ang pinag-ugatan nito. ang mga bagay na totoo'y lantad na. samantalang ang mga lihim ay may thrill at exciting pa. mga katatakutang nire-research ng isipan natin mula pagkabata hanggang sa ating pagtanda kung totoo ba ang mga ito. bagama't hindi tayo tahasang naniniwala, sa likod ng kamalayan natin ay naroon at nananatili ang pag-asang baka totoo sila. totoong may multo, aswang, manananggal, atbp. hindi dahil sa natatatakot tayo o hindi tayo natatakot, kundi dahil sa bahagi na ito ng ating kultura at ng ating paglaki. sino ang matutuwang mapatunayan ng mundo na hindi sila mga totoo? maski ang iba't ibang relihiyon ay tiyak na malulungkot kung mapapatunayang hindi pala totoo ang mga ito dahil wala ng kalaban ang kabutihan. pinalaki tayo ng ating relihiyon na may masasamang elemento para magpakabuti tayo!
sino ang hindi nakarinig ng kuwentong white lady? sino ang hindi nakakita ng manananggal sa pelikula man o tv? pati nga si mike enriquez sa kanyang IMBESTIGADOR ay ginamitan ng title segment na manananggal ang isyu ng ABORTION. Ito'y para lagyan ng timpla o pampalasa ang isyu. para mas maging catchy. para mas magkaroon ng interes ang manonood. para mas gumaan ang isyu kung may bata mang makakapanood. hindi lamang ito ang tumangkilik o sumakay sa popularidad ng katatakutan. maraming maraming marami pa. hindi kasya ang blog na ito kung lahat ay isusulat ko. hehe.
True and nothing but the truth, ang mga katatakutan ay magaan sa ating mga pinoy. hindi ito mabigat dalhin. maski kahindik-hindik na kuwento ay hindi natin sineseryoso. pang-aliw pa rin ito. escapismo pa ring matatawag ang pagpasok sa mundo ng madilim at punong puno ng lihim.
bakit? dahil laging may sumasalag na paniniwala at pananampalataya sa atin. sa bandang huli ay mananaig ang kabutihan kaya't maski pasukin natin ang dilim tiyak na ang dulo at ang hangganan ng lahat ay ang liwanag. nagiging magaan ang isang bagay na may katiyakan sa atin. wala iyang ipinagkaiba sa pinaniwalaan nating kung "may hirap, may ginhawa." tulad din yan ng "kung may dilim ay may liwanag". binary lang yan.
at ang elemento ng "binary" ang isa sa mga dahilan kung bakit patok na patok ang katatakutan. sa gitna ng dilim at mga pagsubok na talunin ang mga kampon ng kasamaan ay humahawak tayo sa paniniwalang magtatagumpay pa rin ang kabutihan sa bandang huli. at yan ay bahagi ng kulturang kinalakihan natin.magaan sa atin ito. katanggap-tanggap. hindi ito pilit o ipipilit pa sa atin kundi isang natural o kalikasan. kaya't maski natatakot tayo sa ating napapanood at nakikita, naririnig at nababasa, sisigaw at pipikit lang tayo ng mga mata, maglalaro sa ating imahinasyon ang multo, aswang, tikbalang, manananggal, kapre -- ngunit sa dulo ng kuwento ay umaasa tayo at alam na natin na ang mananalo ay ang bida na lumalaban para sa kabutihan!
magsusulat tayo, ako, ng horror story... dahil alam ko na bahagi tayo, ako ng kulturang pinanggagalingan nito.
start 10:12 pm
YOSI
Dagli ni GLADY E. GIMENA
Katatapos lang ang malaking unos sa Infanta Quezon. Hanay hanay ang mga bangkay sa tulay. ang ilang katawan ay naanod sa ilog, ang ilan ay nahukay ang kalahating katawan, ang ilan ay nakasabit sa puno. Kahindik hindik ang sinapit ng mga baryong bumubuo sa bayan ng Infanta Quezon. Maraming kuwentong nakakakilabot. Higit na nakakakilabot kaysa napapanood na horror films, o mga kuwentong katatakutang mababasa. Higit na nakakahindik sa massacre at mga kuwentong chop-chop lady. Higit na kasindak sindak ang naghanay na katawang walang buhay sa tulay kaysa anumang pangitain na nagmumula sa third eye.
Katatapos lang ni Jose na magyosi. Hindi niya matagalan ang pinagmamasdang mga bangkay. May nakilala siyang malayong kamag-anak na kabilang sa mga namatay. May nakilala siyang kaibigan, kakilala lang at ang iba ay hindi na niya halos makilala pa. Ilang beses nang pinahid ni Jose ng lihim ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. Magkakahalong damdamin ang nananaig sa dibdib niya. Takot. Hindik. Sakit. Daklot. Pakiwari niya'y babaligtad ang sikmura niya. Bukod sa masangsang na amoy sa paligid ay hindi niya matagalan ang panaghoy ng mga taong naroon. Kanya kanyang emosyon ang pinakakawalan. At pakiwari ni Jose, ang lahat ng emosyon na iyon ay bumabaon sa kanyang puso't kaluluwa. Matitinik na pagbaon sa kanyang dibdib. Malalalim na baon.
Muling naghukay si Jose. Kanina pa siya hukay ng hukay sa natabunang Repador, isang malaking function hall na nasa tabi ng dagat ng Pacific Ocean. Maraming natabunan at nahukay na bangkay. May nahukay na isang pamilya, may bata pa, at pawang mga buhay. Umaasa pa rin silang may maililigtas pa. O kung wala na ay may maidadagdag pa sa mga bangkay na nangaghanay sa tulay. Hukay. Hukay. Walang katapusang paghuhukay ang ginagawa ni Jose. Panay ang hitit buga sa yosi na tanging nagpapalakas ng kanyang loob at sikmura. Halos mauubos na niya ang isang kaha.
Hanggang sa may isang bangkay ng lalaki ang lumantad sa kanilang mga mata. May isang lalaking sumigaw. "Kilala ko 'to! Si Jose ito!"
Natigilan si Jose. Nakita niya ang kanyang sariling bangkay na nahukay ng mga lalaking inakala niyang kasamahan niya sa paghuhukay. Nakita niya ang isang kaha ng yosi na naalala niyang bilhin sa tindahan bago pa man maganap ang trahedya. Kaha na lang ang nasa palad niya, wala na halos laman.
fin. 10:40pm

2 comments:
baka magustuhan mo ito:
http://madilimnakasaysayan.blogspot.com/
Patok talaga ang mga horror stories at mga bagay na nakakatakot kasi it triggers Adrenalin rush. Anything that triggers Adrenalin rush e gustong gusto ng karamihan kasama na dito yung mga activities gaya ng joyrides, skydiving, etc. Nakaka addict daw kasi ang feeling ng Adrenalin rush.
Wilson
Post a Comment