Thursday, September 27, 2007

DELETED MESSAGES

Hello Auggie,

Pasensiya ka na at nagkaroon ata ng problema sa pagpasok ng message mo sa blog ko. Hindi ko kasi nabasa at hindi ko natanggap. Hinanap ko nga maski sa trash pero hindi ko na na-retrieve. Sayang naman!

Anyway, salamat sa pagbisita mo sa blog ko at sa kumpirmasyon tungkol sa pagpapadala mo ng mensahe sa akin.

Hindi ko kasi alam kung saan kita masusulatan kaya nagpasya na lang ako na i-post ang message na ito.





Leshie,

Wala akong nababasang message mo sa horror!!!

Pero sasagutin ko ang tanong mo sa akin tungkol sa horror na itinext mo. Sabi mo, mahilig ka sa horror, magbasa at manood ng horror, lahat ng klase ng genre ng horror ay tinangkilik mo, pero ang problema mo ay hindi ka natatakot. Paano ka matatakot?

Magbasa ka kaya ng Stephen King. Kapag hindi ka pa rin natakot, humarap ka na lang sa salamin. Hehe.

Sige, para sa iyo, gagawa ako ng study kung paano maging o nagiging nakakatakot ang isang horror story. Pero huwag muna ngayon, kasi pagod pa ako. Hehe. Kadarating ko lang kaya.


P.S. Hoy Wendy (este Leshie) hindi ako spirit questor ha? Lalong hindi ako adviser ng katatakutan. Hehe.

2 comments:

Pert said...

I like your blog, marami akong natutunan. please keep it up.

gladi said...

Hello Aries,

Nabigla ako ng makita ko ang pangalan mo sa blog ko. Akala ko, 'yung bestfriend ko... at nabasa na ang blog ko. Hehe, i-reveal ko ba ang pangalan?

Maraming maraming salamat sa pagbisita mo sa blog ko. Sana ay maabot ko ang expectation mo sa mga susunod ko pang mga article.

Natutuwa ako sa tuwing nalalaman ko na may bumibisita sa blog ko, at mas nakakatuwa na nalalaman kong may naibibigay pala akong kaalaman kahit bahagya.

Again, thanks a lot, Aries. Seryosong na-miss kong banggitin ang pangalang iyan. Hehe.