Naisip kong gawin ang DIGITAL KARMA PRESENTS kasi maraming maliliit na kuwentong masarap ikuwento tungkol dito. Ang karma daw kasi sa panahon ngayon ay digital na. Digital na kasi mabilis na ang proseso ng lahat ng bagay sa mundo. Digital na kasi mabilis na ang mga pagbabago ng panahon, tao, at pangyayari sa buhay.
Kung naniniwala ang isang tao sa “Law of Karma”, hindi naman ito negative side lang. May tinatawag na good and bad karma. Binary opposition pa rin. Kapag gumawa ka ng mabuti, may good karma ka. Kapag gumawa ka ng masama, may bad karma ka. So ganoon lang kasimple ang formula na ito. “Don’t do to others what you don’t want others do unto you.” Sabi nga sa isang kasabihan.
Huwag sanang isipin na ang karma ay isang porma ng paghihiganti o pag-“get even” ng isang taong nadehado sa laban. Dumarating ito sa panahon na hindi inaasahan ng tao. Kung matagal ba o tunay na mabilis ang pagdating ng salitang “karma” ay depende sa situasyon at sa taong nakaranas nito. Sa akin, ang karma ay isang karanasan sa buhay ng tao na nagsisilbing “timbangan”. Hindi dahil may hinihintay kang kapalit sa magandang ginawa mo, o dahil naghihintay ka na maparusahan ang taong may ginawang masama sa iyo. Sa aking sariling pananaw, ang karma ay pinaniniwalan ng tao bilang pangbalanse ng kanyang sarili. Ang “maliliit na karma” ay pagpapaalala lang para sa isang “mas malaking karma” na maaaring maranasan ninuman. “Kung anuman ang iyong itinanim ay siya mo ring aanihin.”
SINO ANG HINDI NAKAKAKILALA KAY TITA OPI?
Sino nga ba siya? Isang magaling na editor, sensible writer, anak, ina, asawa, kapatid, kaibigan, at isang tunay na tao. Maari na siyang sabitan ng medalya dahil napagsasabay-sabay niya ang mga tungkulin na ito na wala siyang napapabayaan isa man.
Hindi siya isang pulitikong tao. Wala siyang posisyon. Ayaw niya ng posisyon. Dahil isa siyang tahimik na mamamayan ng Pilipinas na nagsusulong lamang ng “interes” at nakikipaglaban para sa “kapakanan” at “kabutihan” ng nakakararami.
Hindi commissioned writing itong ginagawa ko, isa itong “self confession”. Hindi nga niya alam ito, at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa pagsulat ko nito. Pero kilala niya ako sa isang bagay na gusto kong gawin. Alam niyang hindi niya ako mapipigilan o mapipilit kapag nakapagdesisyon na ako.
Isinusulat ko ito bilang pasasalamat sa lahat ng kabutihan, “ambag” at mga naituro niya sa akin. Hindi magiging buo ang pagkatao ko kung wala siya. Dahil malaking bahagi siya ng kabuuan ko. Estudyante pa lang ako sa UP ay nariyan na siya sa akin para gabayan at suportahan ako. Bata pa ako sa pagsusulat ay isa siya sa mga “editor” na inirespeto ko. Mahal ko siya bilang isang ina, kapatid, kaibigan at kasamahan sa “trabaho” na kapwa namin piniling magpakatotoo. Idolo ko siya bilang isang tao. Dahil marami akong hindi kayang gawin na ginagawa niya. Marami siyang kabutihan sa puso na wala ako. Hindi ko ito sinasabi sa kanya, bihira kasi kaming magseryoso. Mas madalas, sa gitna ng seryosong usapan ay nagbibiruan kami, ang tawag niya sa akin (pati si tita josie) ay beybi. At paano mo seseryosohin ang isang beybi? Ngunit sa kaibuturan ng puso ko’y ito ang tunay na nilalaman. Words cannot express but my action speaks well for it.
Si Tita Opi ang isa sa pinakamabait na taong nakilala ko. Ewan kung nagbabait-baitan lang siya. Hehe. Pero mahirap magbait-baitan sa loob ng mahabang panahon. Consistent kasi siya na matulungin, mapagbigay at lumalaban sa kapakanan ng nakararami. Minsan nga ay naaapektuhan na ang “personal’ niyang buhay, at maging ang kanyang trabaho o pinagkakakitaan para lang ito i-share sa iba o sa mga itinuturing niyang “kasamahan sa hanapbuhay.”
Napakarami ni Tita Opi na nabigyan ng trabaho. Napakarami niyang taong natulungan. Marami ang makapagpapatunay niyan. Hinahamon kong lumantad ang mga taong ito para patotohanan ang mga sinasabi ko. Mga natulungang kaibigan, manunulat, artist, kapwa editor, atbp. Walang hindi lumapit sa kanya na hindi niya ina-accommodate. Walang text sa kanya (mula sa mga taong nag-iinquire at humihingi ng trabaho) na hindi niya sinasagot. Tumutulong siya sa abot ng kakayahan niya, sa maliit man o malaking paraan ng pagtulong. Nakita iyon ng dalawang mata ko. Nasaksihan ko iyon. Naranasan ko. Kapag wala akong pera o trabaho sa pagsusulat, dumarating ang biyaya mula sa isang Tita Opi. Minsan nga ay hindi na ako nagsasabi sa kanya pero nararamdaman niya ang pangangailangan ko. She is sensitive enough para maramdaman iyon. Kaya’t kampante ako hangga’t nariyan ang isang Tita Opi. Noon man hanggang ngayon.
Minsan ay magkasama kami sa isang workshop at sinabi ko sa kanya na huwag siyang “masyadong mabait” at “isipin niya ang kanyang sarili”. Pero wala, dedma lang siya. Naniniwala siyang marami siyang kaibigan. Naniniwala siya na sa kabila ng kanyang mga pagsasakripisyo at paghihirap ay naka-gain siya ng maraming “kaibigan”. Totoo iyon at naniniwala ako doon. Kung ang pagbabasehan ay ang dami ng nagte-text at humihingi ng tulong sa kanya (anumang klase ng tulong iyon), talaga namang napakarami kong nakita na kaibigan niya.
Siguro ay “naiinis” siya minsan sa mga kakulitan o sa mga kaprangkahan ko. Minsan kasi ay wala akong prenong magsalita. At mas madalas na mauna akong “kutuban” ng masama sa mga intensiyon ng taong nakapaligid sa amin. In other words, masama akong mag-isip. Hehe. Oo, dahil si Tita Opi ay mahilig magbigay ng benefit of the doubt sa isang tao, sa isang situasyon, sa isang pangyayari. Hindi siya judgmental na tao. Lagi niya akong pinagagalitan kapag “hyper” ako at may “pinaprangka” akong tao. Ayaw niya na basta basta ako nagagalit. Bihira kasi siyang magalit. Hindi ko nga natatandaan na nagalit na siya ng totoo sa loob ng mga panahong pinagsamahan namin. Gusto niyang maging rasyunal din akong mag-isip. Kaya minsan, maski inis na inis na ako, “oo na nga, rasyunal na kung rasyunal!” ang nasasabi ko sa sarili ko. Siya ang “cooling system” ko. Kung baga sa makina ng kotse, siya ang "radiator" ko. Madalas niya akong "buhusan ng tubig" para hindi ako mag-"over heat!" Hehe. Kasi kung i-define nila ako (mga kaibigan namin) ay “hot blood” na laging kumukulo kapag may mga taong nagpapakulo ng mga dugo namin. Habang “kumukulo” ang dugo ko ay nananatili naman siyang “compose”. Compose silang lahat, (Tita Josie, Tessa, Les) habang mainit na ang ulo ko. Hehe. Sorry to mention your name mga friend.
Hanggang sa dumating ang isang malaking hamon sa buhay ni “Tita Opi”. Kailangan niyang harapin ang isang “laban” sa kanyang buhay na nag-iisa siya. Walang kaibigan, walang kasamahan sa “hanap-buhay” at wala isa man sa mga taong natulungan niya. Sa gitna ng kalungkutan sa pagkamatay ng kanyang “Tatang”, bagama’t tunay na napakaraming dumamay, halos hindi pa natatapos ang kanyang pagdadalamhati ay dumating na ang pagkakataong kailangan niyang manindigan sa kung ano ang pinaniniwalaan niyang “tama” at kung ano ang sa palagay niya’y “nararapat” niyang gawin. Hindi siya nagdalawang isip na lumaban, hindi siya nagdalawang isip na mag-isa. Hindi siya natakot na harapin ang laban na mag-isa. Wala siyang pakialam kung may kakampi siya o wala. Naiwanan ang mga taong natulungan at “ipinaglaban” ni Tita Opi sa sistemang umiiral at tuluyang nagpalamon ang mga ito sa sistema.
Sa nangyaring ito ay nalaman at natuklasan ni Tita Opi kung sino ang mga “tunay niyang kaibigan.” Ipinakilala ito sa kanya ng isang masalimuot na pagkakataon. At ito ang good karma sa kanya.
Naiisip ko lang ngayon, ano kaya ang sasabihin o isasagot ni Tita Opi kung ang isa sa mga taong nang-iwan sa kanya sa ere ay mag-text sa kanya at humingi ng tulong o trabaho? Huwag sanang painitin ang ulo ko ng mga taong ito. Hehe.
Let’s just wait and see how digital karma works…
GULONG
Nagmamaniobra ako ng aking kotse palabas sa garahe ng family house namin sa Marikina dahil uuwi na ako sa sarili ko namang bahay. Nagmabuting loob ang bunso kong kapatid na si Ferdie. Lumapit siya para senyasan ako. Nawalan ako ng control sa preno at hindi ko inaasahan na magugulungan ko ang paa niya. Napasigaw siya. Agad ko namang naalis ang gulong ng kotse ko sa paa niya.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, natatakot ako pero natatawa at the same time. Naawa din ako sa kanya. Kasi naman, masyado siyang kampante na magaling akong magmaneho at hindi mangyayari sa kanya ang ganoong klase ng aksidente. Pero sa totoo lang, sa loob ng 17 years ko na pagda-drive noon lang ako nakagawa ng aksidente sa isang tao, sa sarili ko pang kapatid, at sa loob pa mismo ng garahe ng bahay namin.
Wala namang sugat ang kapatid ko. Halata lang na bumukol o namaga ang bahaging nagulungan ko. Agad ko siyang binigyan ng pambili ng antibiotic. Nagbibiruan at nagtatawanan pa nga kami. Pati siya ay natatawa rin. “Eto ang singkuwenta pesos, danyos perwisyo.” Hehe. Bilin ko naman sa nanay ko na kung mamamaga ng husto ay ipa-x ray ang paa ng kapatid ko kinabukasan. Siyempre’t sagot ko ang lahat ng gastos.
Umuwi na ako ng bahay at habang nasa kotse ay tawa ako ng tawa, kasama ko si Les (dahil may project kaming tatapusin sa bahay). Maging siya ay natatawa rin. Dumaan kami sa tindahan at pinabili ko si Les ng malaking lata ng pineapple juice. Iyong malaki talaga para hindi bitin. Kasi tiyak na mangungulit ang mga pamangkin kong sina Pupu, Maimai at Rona (ngayon ay nasa Canada na si Rona), at tiyak na kukulangin kung maliit na pineapple juice ang titimplahin.
Iginarahe ko na ang kotse at bumaba na kami. Naiwan ang malaking lata ng pineapple juice sa kotse at agad kong naalalang kunin. Sa hindi ko alam na kadahilanan ay nabutas ang plastic na pinaglagyan nito at noon din ay bumagsak sa paa ko. Parehong kaliwang paa tulad ng nagulungang paa ng kapatid kong si Ferdie.
Noon din ay namaga ang kaliwang paa ko. Noon din ay uminom ako ng antibiotic.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
si leshie po ako...pero ang tawag nila sa akin pati na si tita opi ay Wendy kasi maliit raw ako...haaaiiis...(sigh)
Saksi ako sa lahat ng rebelasyon ni glady sa kanyang blog na Digital Karma; ung pineapple juice incident at Sino ang Hindi nakakakilala kay Tita opi. boW.
i agree sa mga sinabi ni glady. Saludo ako kay tita opi at hinahangaan ko siya bilang isang manunulat, editor at isang napakabuting tao in all aspect. para siyang si Wonderwoman multi-tasking. isang bagay na hindi lahat ng tao ay kayang gawin. ang tawag ko dyan ay talent. at 'yan ang talent na wala ako. (Si Glady nga rin nga pala talentado)hehe
Bilib din ako sa pagkakaroon ng malaking puso ni tita opi(hindi po enlargement of heart, ah)imagine, para siyang isang multi-national company (nagbibigay ng mga trabaho (at isa na po ako dun) at para rin siyang call center (napakasipag magtext) para lang sagutin ang mga katanungan ng ibang tao...haaaaisss. ang yaman talaga ni tita opi... sa mga kaibigan. Kahit anong mangyari may mga tunay na kaibigang nagmamahal at hindi siya iiwanan sa ere...tulad ni glady...dahil si glady ay katumbas na ng isangdaang tao kalaki. buwahahaha! o diva?
OMG!
Kahit manhid, masasaling at madarama ang katapatan ng mga binitiwan mong papuri para kay Opi.
Ngunit ang katotohanan at pawang katotohanan lamang, sinagi mo lang ang tunay na lalim at kalakhan ng kanyang puso. There is more to Opi than what makes her an incredible superwoman, an amazing multitasker, a devoted mom, a true friend.
There is more to her than just being The Voice of colleagues who wanted fair rates and conditions but who, unfortunately, weren't gutsy enough to demand it themselves from the publishers.
There is more to this woman than just being an excellent writer / editor.
She has balls.
(To parrot TheCoolCanadian: ano, laban kayo riyan? :D)
Seriously, bihira lamang sa munting mundo ng pop lit writers ang tulad ni Opi sa kabaitan. At hindi ko pa idinidiin kung gaano siya kagaling na manunulat at editor, ha. Alam naman iyon ng lahat, huwag lang magtatanga-tangahan.
Re digital karma -- I'd say, you never cease to amaze me, Glady, a.k.a. Big Baby, since you ventured into blogosphere. Hindi ko alam na interesado ka rin sa karma. Isa kasi ito sa main thrust ng intermittent kong pag-aaral ng metaphysics. Anu't anuman, agree ako sa iyo na mas mabilis ang karma nitong mga panahong ito.
Of course, karma is not that simple. I believe that there is so much more to it than mere comeuppance or you-reap-what-you-sow thingie.
(Naliligaw ako, hindi na yata ito bahagi ng pop lit...? Hmm...)
Anu't anuman, maraming salamat, Glady, sa isa na namang makabuluhan mong post.
Mabuhay ka, mabuhay si Opi, at lahat ng mga tulad ninyong nagmamalasakit sa mga kasamahang manunulat / manlilikha ng popular na literatura.
Hi Tita Jo,
Maaaring maging kontrabersiyal sa iba ang article ko re-Tita Opi. Pero bakit kaya? Hehe.
Maari ding isipin ng iba na exaggerated ang nilalaman nito. Ang tanong ko lang naman sa mga mag-iisip nito, "bakit, kilala n'yo ba si Tita Opi?" Kung oo, patunayan ang pagkakakilala n'yo dito. Lagyan ng mga datos na magpapatunay at susuporta kung anong klase siyang tao. Research based dapat! May footnoting, bibliography at kailangang gamitan ng approach na cultural study. Hehe.
Re-karma, isa ito sa mga interest ko. Bago pa ako maging writer ng pop lit ay naging director muna ako ng mga stage play at nakilala ko ang writer-artist na si Sonja Muñoz, isa sa mga itinuturing kong matalik na kaibigan. Siya ang impluwensiya ko sa mga ganitong konsepto, tulad ng karma, reincarnation, soul and life after death, iba't ibang klase ng state of mind, etc. Siya rin ang nagpabasa sa akin ng mga libro ni Edgar Cayce at iba pang libro katulad ng manunulat na ito.
Pero tama ka, na malilihis tayo sa isyu ng pop lit kung seseryosohin at lalaliman ang pagtalakay nito kaya't mas pinili kong gawing mas magaan at katanggap-tanggap sa lahat ang presentasyon nito.
Bakit hindi mo isinama na mabuhay si Josie Aventurado? Ayan tuloy at mag-iisa ka ngayon sa limelight! Hehe.
Mabuhay si Josie Aventurado!!!
ang masasabi ko lang, si tita opi ang isa sa pinaka-respetadong editor na nakilala ko. bilang manunulat, hindi siya inggitera, hindi insecure, hindi nagpapahamak ng kapwa niya writer, hindi makasarili at marunong rumispeto sa kapwa niya writer.
sige, ikampay natin siya!
airaL
Hello Tita AiraL,
Oo nga, ikampay!!!
Ang galing ng comment mo sa "Ang Komiks sa Bangketa". Hindi ka naman galit? Hehe. Hindi ko na iyon sinagot kasi alam mo naman ang sinasabi mo at may basehan ka. Factual iyon at hindi "second hand" opininon lang. Ika nga. based on experience!!!
Nga pala, nais ko lamang sabihin o ipaalala sa mga nagbabasa ng blog na ito na nais mag-comment, wala akong planong mag-publish ng comment na anonymous at ayaw talagang magpakilala. Gumamit naman sana maski pen name. 'Yung kaya kong ma-sense kung sino siya. Kasi naman ay parang may itinatagong kung ano. Lalo na 'yung obvious na may pansariling motibo o atake. Hindi ko ini-entertain ang mga "second hand" opinion, o ang mga statement na ayaw akuin na kanila ang "statement" na iyon specially kung may negative thought na nais lang mang-istir o manira. If you have enough ability and courage, stand and speak up for the truth!!!
ay, naku hindi ako galit. ang magalit, talo. iyon ay aking honest na opinion. nanghihinayang ako sa pagbabalik ng komiks. sayang at hindi nakasama sa pagbabalik (actually kasama kayo noong una) kayong tatlong itlog. he he he. siyempre, pag maprinsipyo, hindi basta basta sasabak.
ikampay kayong tatlo
teka...ako ay hindi supporter ng tatlong itlog. actually, di ko alam ang kabuuang istorya kung bakit sila tinawag na tatlong itlog. nanghihinayang lang ako at hindi sila kasama sa bangka.huwag sana gumewang-gewang.
airaL
bb./propesora glady gimena,
magandang araw po. sana makilala ko rin ang tita opi na ikinukuwento mo. :)
Dear Mr. Karlo Cordero Concepcion,
Hi, KC!
Itinatanong nga pala ni Robby Villabona kung kilala kita kasi magkakilala ata kayo. Gusto sana kitang itanggi, hehe. Kaso baka hindi mo na ako bigyan ng trabaho. hahaha!
'Yaan mo, pakikilala kita ng personal kay Tita Opi. Mukhang hindi pa nga kayo nagkakakilala eh. haha! Kaya nga pala may Concepcion sa dulo ang pangalan mo kasi di ba anak-anakan ka ni Ofelia Concenpcion?
P.S. sa mga taong hindi po nakakakilala kay KC, mas guwapo po 'yan sa personal. Hehe.
bb. gimena,
i made a boboo, at dyahi sa aking big bro robby. it should be: If all Filipinos will think and act like him, there will be no reason for this sad country of ours NOT to be prosperous.
dapat na talaga akong mag-review sa language center! :(
Si kuya KC talaga... magaling mag dribol ng basketbol (pati na DLSU).
If all Filipinos will think and act like me, eh kahit siguro sari-sari store may complaints department.. hehehe
Glad, I agree sa lahat ng isinulat mo tungkol kay Opi.
Isa rin ako sa mga hindi niya pinagkaitan ng tulong. Hindi siya maramot mag-share ng opportunities sa larangan ng panulat.
Hindi rin siya mayabang dahil kahit alam nating lahat ang kanyang galing, tumatanggap (humihingi pa nga) siya ng comments para sa higit na pagpipino ng kanyang trabaho. Iyan ang tunay na propesyunal na manunulat. Saludo talaga ako.
Most of all, tunay siyang kaibigan. Tulad din ni Josie, at tulad mo at ni Les :D
- Tessa
Hi Tessa,
Alam natin na totoong magkakaibigan tayo. Alam natin ang essence at tunay na kahulugan nito. Walang gamitan, siraan, sulutan at trayduran na nangyari o mangyayari sa atin. That's why we're blessed having this kind of friendship like ours.
Mamatay na sila sa inggit! Hahaha!
Glad
Post a Comment