Saturday, September 22, 2007

LOVE 101. CLOSURE

May nagtanong sa akin na isang espesyal na kaibigan. Naniniwala ka ba sa closure? Sabi ko depende. Minsan effective ang maayos na break up ng dalawang tao, anumang klaseng relasyon mayroon sila. Magboyfriend man, magka-live in, mag-asawa at kahit magbestfriend lang. Magkakaiba naman kasi ang level ng mga relasyon. Magkakaiba rin ang klase ng pinagsamahan ng dalawang tao kaya’t hindi puwedeng magkakapareho ng paraan ng paghihiwalay. Mayroong paghihiwalay na sobrang sakit, mayroong masakit lang at mayroon namang ayos lang. Kaya para sa akin, ang closure ay depende sa taong na-involve sa isang relasyon.

Isang araw, iniwasan na ako ng espesyal kong kaibigan. Nabalitaan ko na lamang na magpapakasal na siya. Nasaktan ako. Sabi ko, puwede naman niyang sabihin sa akin na “tapos” na kung anuman ang mayroon kami. Kasi maski ako ay naguguluhan sa set-up ng relasyon namin. Parang kami, na parang hindi naman. Basta mag-“MU” lang kami. Nag-let go na ako kung iyon ang gusto niyang mangyari.

Nag-move on ako. Ano pa ba ang magagawa ko bukod sa tanggapin ang nangyari sa amin? Dalawang taon ang lumipas. Nabalitaan ko na hindi siya nag-asawa at nangibang bansa na siya. Kagabi ay napanaginipan ko siya. At sa aking panaginip ay nag-break daw kami at tinapos na namin kung anuman ang namagitan sa amin. Umiyak ako ng umiyak sa aking panaginip. Ito iyong klase ng paghihiwalay na “sobrang sakit” maski sa panaginip lang nangyari. Umiiyak pa nga ako ng nagising na ako.

Ngayon ko na-realize kung bakit sa panaginip lang kami nag-break o nagkaroon ng closure. Isang panaginip lang pala ang mahalin siya.

4 comments:

Anonymous said...

Susme, Glady, kahit sa blog nangungurot ka ng puso! Sayang yung material, sana isinulat mo na lang sa nobela, e di may pakinabang pa kung sino man siya :D

Di ako masyadong nakakapag-post sa blogs ko pero masaya ako na may mabibisita akong blog na siguradong makakaaliw sa akin kahit wala ako sa mood magsulat online. At ang dami kong nalalaman na hindi mo pa naikukwento sa amin noon! Aba, aaraw-arawin ko ang pagbabasa nito :D

gladi said...

hi maia,

wish ko lang maikuwento ko lahat. hehe. minsan daw yun sariling kuwento ng manunulat (lalo na kung tungkol sa pag-ibig) ay masarap lang itago sa puso. maski masakit. pero susubukan ko sa blog na ito na mag-share maski isang piraso lang ng bahagi ng puso ko.

thanks a lot friend!!!

Anonymous said...

haaaay...(sigh) ganoon talaga ang life...kung hindi ukol hindi ukol...wag magpilit. wag rin matigas ang ulo. ang matigas ang ulo nauumPOG! sige ka! masakit yun. ahehe.
kidding aside, seryoso na ito --- kapag nag-open kailangan din isara! bow.

gladi said...

hi wendy (leshie pala),

hindi naman ba masyadong personal yang comment mo? ahehe ka jan.

ang bukol, hindi bumubukol sa taong malambot ang ulo! wahahaha!

kidding aside din, ang pag-ibig ay parang kamay ng isang sanggol na bagong panganak, close open lang 'yan! hahaha!